Ipa-plug ko na pupunta ko sa MIBF sa September 18, So sa mga pupunta sa Book Fair meet up LOL
_______________________
Papadilim na ng makauwi sina Kathy sa bahay nila. Si Angelo pa mismo ang naghatid sa kanilang tatlo nila Francis gamit ang kotse nito. Pasikat masyado ang loko kay Kathy.“Angelo dito ka na maghapunan pasasalamat ko na sa iyo ‘yun sa pag-aalaga dito kay Katherine kahit na inaaway-away ka lang.”sabi ng mama nila Kathy kay Angelo pero napatawa na lang si Angelo saka nagkamot ng batok.
“Mama kung magpapasalamat ka, Simpleng thank you na lang.”sabi ni Kathy sabay irap, natuktukan naman siya ng mama niya. “Aray naman ma! Ang sakit ah!”reklamo ni Kathy sa mama niya matapos siyang tuktukan, napasimangot na lang siya.
“Umayos ka nga anak, Wag mong ginaganyan ang son-in-law ko.”sabi nito sa kanya at napangiwi si Kathy sa word na “son-in-law” halatang botong-boto ang mama niya sa Papa Angelo niyo.
“Tss makapasok na nga.”inis na sabi na lang ni Kathy pero bago siya tuluyang makapasok ay hinawakan ni Angelo ang braso niya. Agad namang nilingon ni Kathy si Angelo saka sininghalan. “Ano?!”
“Yung ano.. Yung date natin bukas ah?”biro nito sa kanya at lalong nalukot ang mukha ni Kathy ng maalala niya ang date na iyan na biro ni Angelo habang nasa sasakyan sila.
“Bahala ka sa buhay mo.”inis na sabi ni Kathy at tatalikuran na sana niya si Angelo kaya lang hinawakan ulit siya nito sa braso.
“Maiwan ko na nga kayo dito.”kilig na kilig na sabi ng mama ni Kathy saka sila iniwang dalawa sa labas. Napanganga naman si Kathy na tatawagin pa sana ang mama niya pero mas piniling hinarap si Angelo para kumprontahin.
“Angelo!”pagalit na sigaw ni Kathy magsasalita pa sana siya para pagsabihan si Angelo pero hinatak lang siya nito saka siya yinakap. Natigilan si Kathy sa pagkayakap sa kanya ni Angelo.
“Kathy ko, Itulak mo ko.”bulong sa kanya ni Angelo at nanigas na si Kathy sa kinatatayuan niya. Hindi niya maintindihan si Angelo, Hinatak siya nito saka yinakap para lang itulak din? Bumaon ang ulo ni Angelo sa leeg niya at humigpit pa ang yakap nito sa kanya.
“Kapag hindi mo ko tinulak ngayon, Konti na lang iisipin ko na nagkakagusto ka na sa akin.”bulong nito sa leeg niya, Napasinghap si Kathy ng maramdaman niya ang hininga ni Angelo sa leeg niya pati na rin ang binulong nito sa kanya.
“Kaya please, Itulak mo ko Kathy ko.”pagdadrama nito sa kanya, Napakagat ng labi si Kathy at pinipigilan ang sariling kiligin. Punyeta? Oo kinikilig si Kathy! Wala siyang magagawa yung hormones niya kinikilig sa pinagsasabi ni Angelo kahit wala namang nakakakilig sa sinasabi ni Angelo sa kanya.
Inangat ni Angelo ang ulo niya para makita ang mukha ni Kathy na ngayon ay nakagat-labi. Hinawakan ni Angelo ang pisngi ni Kathy at huminga siya ng malalim habang nakatitig sa mata ni Kathy.
“Bakit hindi mo ko tinulak? May nararamdaman ka na ba sa akin?”tanong ni Angelo kay Kathy pero mabilis na umiling si Kathy. Kinikilig lang siya pero wala pa siyang nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Prove Me Wrong
Teen FictionShe's a Bitter Girl turned into a Lesbian three years ago while He's a Bastard Casanova since birth who likes to flirt around with girls. When Casanova meets Lesbian he had this interest to her, She's too Challenging for him pero paano na lang kung...