Nagi-guilty ako kay Jen eh! Hahaha eto na Jen! XD
______________________________“Bakit nandito ka pa? Akala ko umalis ka na.”walang kaemo-emosyong sabi ni Kathy kay Angelo ng madatnan niya ito sa salas ng bahay nila. Napatingin siya sa orasan na nasa dingding nila at alas-siyete na pala ng gabi pero wala pa rin ang dalawang kapatid niya na nagliwaliw pa sa kalye kasama ang mga syota nila.
“Hindi pa ako aalis babantayan kita kasi nga di ba? Umalis mga kapatid mo at hinabilin ka sa akin ni Mama.”sabi ni Angelo kay Kathy at over confident pa niyang binanggit ang mama kay Kathy. Natawa naman si Kathy ng marinig niya ang word na mama dahil talagang ang kapal ng mukha nitong tawaging mama ang ina niya.
“Wag mo ngang matawag-tawag na mama ang mama ko.”inis na sabi ni Kathy kay Angelo bago pumunta sa kusina at kumuha ng pwedeng makain kaya lang ng mapadaan siya sa dingding kung saan siya tinulak at hinarass ni Angelo nung nakaraan agad na namula si Kathy.
“Winalanghiya na!”sa isip-isip ni Kathy ng maalala niya ang nangyari lalo na ngayon na namula siya. Mabilis siyang kumuha ng baso at uminom para mapawi ang iniisip niya.
“May sakit ka ba? Bakit ka namumula?”biglang sulpot ni Angelo at hinawakan siya sa noo muntik ng mabilaukan si Kathy mabuti na lang at nabuga niya kay Angelo ang iniinom na tubig.
“Pucha papatayin mo ba ako?”inis na bulalas ni Kathy sabay pinunasan ang labi niya. Hindi naman napansin ni Angelo ang pagbuga sa kanya ni Kathy dahil umiral ang pagiging playboy nito.
“Nang-aakit ka ba? Kasi kung oo you’re turning me on.”bulong ni Angelo sa kanya na talagang nilagyan ng tonong sexy ang boses para maakit si Kathy pero sinabuyan lang siya ni Kathy ng tirang tubig na mula pa sa baso nito.
Basang-basa na si Angelo.. ng tubig. Lol akala mo ano? Ehem! “Kingina niya! Mang-aakit pa siya? Pake ko kung turn on siya? Ayan maligo siya ng mawala ang kati sa katawan niya bwisit.” inis na sabi ng isip ni Kathy habang tinitignan ng masama si Angelo.
Napapikit naman si Angelo dahil sa tubig na tumama sa mukha niya. Hurt ang ego ng papa Angelo niyo dahil sabuyan ba naman siya ng tubig but this bastard jerk never give up. Pinasadahan niya ang kamay niya sa mukha niya bago hinawi ang basang buhok na natamaan ng tubig kaya ngayon wet look ang loko.
Tinanggal niya rin ang butones ng polo niya dahil basa. Nanlaki naman ang mata ni Kathy ng makitang ganoon ang ginagawa ni Angelo.
“Puta Angelo! Anong ginagawa mo?!”biglang react ni Kathy ng makita niyang nag-huhubad ng polo si Angelo. Tinignan siya ni Angelo na nagtataka kung bakit ganoon na lang maka-react si Kathy, Umabot pa ng labing pitong segundo bago na-gets ni Angelo ang iniisip ni Kathy.
“Hindi ba obvious? I am wet.”sabi ni Angelo na ang tinutukoy ay ang polo niya but he stressed the word wet kaya para kay Kathy iba ang tinutukoy ni Angelo.
Sisipain sana ulit ni Kathy si Angelo sa gitnang hita nito kung saan niya ito sinipa nung una silang nagkita ng biglang pumasok sa kusina ang nagtatawanang sina Shirley at Benj. Save by the two ang swerte ni Angelo at hindi niya nalaman ang masamang binabalak ni Kathy sa kanyang junior.
![](https://img.wattpad.com/cover/8841443-288-k232807.jpg)
BINABASA MO ANG
Prove Me Wrong
Teen FictionShe's a Bitter Girl turned into a Lesbian three years ago while He's a Bastard Casanova since birth who likes to flirt around with girls. When Casanova meets Lesbian he had this interest to her, She's too Challenging for him pero paano na lang kung...