safe&leaving!

42 6 0
                                    

agad na naisugod ni aaron at cherry si janna sa ospital kaya naagapan naman ang pagkawala ng kanyang baby...at ilang saglit ang lumipas nagising ang dalaga at nagpipilit na bumangon..

" ate wag ka muna magpilit baka makasama lalo yan sayo at sa baby mo" pigil ni cherry sa kapatid at pilit itong pinababalik sa pagkahiga....

" baby ko anung nangyari sa baby ko? kamusta sya??!" di mapakaling tugon ni janna sa kapatid

" wag ka na mag alala ate janna okay ang baby mo walang nangyaring masama sa kanya buti na lang naagapan natin kasi kung hindi baka mas malala pa ang nangyari sa inyong dalawa..tsk! kasalanan to ng gago mong asawa eh! ang sarap nyang balatan ng buhay kundi lang talaga nangyari sayo to nako mapapatay ko yung lalaking yun!" inis na sabi ni aaron

" hindi aaron hayaan mo na sya ako na bahala sa kanya pag labas ko dito sisiguruhin kong pagsisihan nyang nangyari ang araw na to.." sagot naman ni janna at nagtaka naman si cherry sa tinuran ng kapatid..

"ate?? ate anong ibig mong sabihin may pinaplano ka ba laban sa asawa mo??" tanong ni cherry kay janna at nakita nya sa mga mata ng kapatid ang pinaghalong galit at sakit na nararamdaman nito ngayon..

" oo cherry iiwan ko na sya dahil hindi ko na kayang tiisin ang mga ginagawa nya nung una nagbibisyo sya pinatawad ko sya pero ngayon muntik nang mawala ang anak ko nang dahil sa kanya at sa babae nya?? hindi na ako papayag sisiguruhin ko na pagsisihan nya ang ginawa nyang ito!" determinadong tugon ni janna sa kapatid

" mag file ka ng annulment?" diretsong tanong naman ni aaron

" no! hindi ko gagawin yun dahil kapag ginawa ko yun para ko na ring sinabi na tama ang ginawa nya sa akin..gagawin ko yung bagay na magpapahirap at makakasakit sa kanya yung talagang magsisi sya sa ginawa nya" may galit na tugon ni janna sa kausap

" ate kung ano man yang gagawin mo sana lang hindi mo pagsisihan" tanging nasabi ni cherry sa kapatid..

" hindi ko pagsisihan ang gagawin ko cherry hinding hindi ko pagsisihan na hindi sya kikilaning ama ng anak ko!!" madiing sabi ni janna hindi naman masisi ni cherry ang kapatid dahil nakita nya kung gaano ka iresponsableng asawa si brian sa kapatid nya

ilang sandali lang habang nag uusap ang magkapatid biglang dumating si ryen na alalang alala sa kapatid

" ate?? ate anong nangyari??" alalang tanong ni ryen kay janna

" wag ka na mag alala sis okay na kami ng baby ko pero may hihingin sana akong tulung sayo eh kung okay lang sayo.." tugon ni janna...

" baby?? buntis ka teh?? bakit hindi ko alam to?..pero di bale okay lang at least now i know..ano ba yung tulong na hihingin mo sa akin?? ate ha just make sure na kaya kong ibigay yan" sagot naman ni ryen sa kapatid

" oo naman kayang kaya mo to dahil makikiusap lang ako sayo na kung pwede dun na muna ako titira sa condo unit mo sandali lang naman eh hanggang makahanap ako ng titirahan ko" janna said na ikinagulat naman ni ryen..

" what?? bakit ate nag away ba kayo ni brian?? anong ginawa sayo ng kapreng yun at nang makalbo ko!" mataray na sagot nito sa kapatid..

" ate sya ang dahilan kung bakit andito si ate janna muntik nang mawala ang baby nya dahil pinuntahan nya yung magaling nyang asawa para sana ibalita na magkakaanak na sila pero inabutan nya na may babae ang loko at inaway sya ng babae tapos mas kinampihan pa ni brian ang babae nya kaysa sa asawa nya!" galit na sagot ni cherry sya na ang sumagot sa tanong ni ryen dahil nakita nyang nahihirapan ang panganay sa tuwing binabalikan ang mga nangyari kanina nung makaharap nya ang babae ni brian..

"tsk! sabi ko na nga ba hindi dapat pagkatiwalaan ang lalaking yun eh! wag na wag lang talaga sya magpapakita sa akin kakalbuhin ko talaga silang dalawa ng babae nya ang kakapal ng muka!" inis na sabi ni ryen..

" yaan nyo na kakarmahin din yun at ako ang magiging karma nya! pero may pakiusap lang sana ako sa inyong tatlo kung pwede sana wag nyo na muna ito ipaalam kay mommy at daddy dahil sigurado ako pipilitin nila akong makipag ayos kay brian..bagay na ayaw ko nang gawin dahil pagod na pagod na akong makisama sa kanya.." pakiusap ni janna sa tatlo..

" opo ate wag kayo mag alala this will remain as a secret from the three of us" sagot ng tatlo..

.........................................................................................................................................

3 days have passed at ngayon na nga lalabas ng ospital si janna pero ni minsan hindi man lang sya nagawang dalawin ng asawang si brian...at nang makarating sya sa kanilang bahay naabutan nila si brian na nag iisa at mukang paalis na naman..agad na umakyat si janna sa kwarto nila upang kunin ang kanyang mga gamit..

" anong ginagawa mo??" si brian kay janna nang sundan nya ito sa kwarto nila

" bulag ka ba?? hindi mo ba nakikita nag iimpake ako dahil aalis na ako at iiwan na kita! mula ngayon malaya ka nang gawin ang gusto mo magsama kayo ng babae mo ang kakapal ng muka nyo!" singhal ni janna kay brian

"what?? aalis ka pano ang anak ko?? hindi ako makakapayag na lalaki syang walang ama kaya hindi ka pwedeng umalis hindi mo ako pwedeng iwan!kung gusto mong umalis hintayin mong maisilang mo ang anak ko at iwan mo sya sa akin!" sagot naman ni brian

" anong sinabi mo anak? eh ang kapal din naman pala talaga ng muka mo brian eh! alam mo simula nung itulak mo ako at muntik nang mawala ang batang dinadala ko itinapon mo na lahat ng karapatan mo sa kanya bilang ama nya...at hinding hindi ko rin naman sya iiwan sayo dahil alam kong pababayaan mo lang sya katulad ng ginawa mo sa akin..isa kang iresponsableng asawa pano pa kaya pag naging ama ka na?? kawawa lang sayo ang bata kay hindi ako papayag na iwanan ko sya sayo!" sagot ni jann habang isinasara ang kanyang malaking maleta

" pero kahit na umalis ka hinding hindi mo mababago ang katotohanan na ako ang ama ng batang yan at ako lang ang kikilalanin nyang ama!" si brian na hinawakan ang magkabilang braso ni janna

" hindi brian dahil sa ginawa mo yun ang magiging karma mo ang hindi ka kikilalaning ama ng anak mo dahil hindi ka karapat dapat na maging ama nya..at simula sa oras na to tinatapos ko na sa atin ang lahat lahat kaya wag ka nang umasa na magiging ama ka dahil wala kang kwentang tao!" galit na sabi ni janna sabay waksi sa kamay ni brian na nakahawak sa kanya

" at simula naman sa oras na to pag lumabas ka ng bahay na ito hindi ka na pwedeng bumalik at wala kangh makukuhang suporta sa akin kahit na isang kusing wala kang makukuhang pera sa akin pag hindi mo ibinigay sa akin ang anak ko" brian said in anger

" wala akong pakialam sa pera mo ubusin mo yan sa babae mo dahil ako kaya kong buhayin ang anak ko mag isa na hindi humihingi ng anomang tulong galing sayo! kaya paraanin mo na ako dahil aalis na ako dahil ayoko nang magtagal pa sa impyernong ito at makita ang pagmumuka mo!" si janna saka tuluyan nang umalis ng bahay nila kasama ang si aaron na syang sumundo sa kanya sa ospital habang si brian naman ay naiwan nag iisa at tila napaisip sa ginawa nya..

>>>> to be continued<<<<

a/n:

oh?? ano na brian iniwan ka ng asawa mo tinanggalan ka pa ng karapatan sa magiging anak mo..ikaw kasi ang bad mo kay janna yan tuloy nganga!!..oh sya hanggang dito na lang muna see you next update ulit hehe votes and comments if you like..thanks!!

love,

princess areeyah <3

revenge of love(brian mcfadden fanfic)Where stories live. Discover now