nang makauwi sina janna sa bahay agad namang nakita ni ryen ang mga galos ng kanyang pamangkin na agad dumiretso sa kwarto niya..kaya't agad na tinanung ni ryen ang anak na si theo..
"anak anung nangyari? bakit puro galos yung pinsan mo?" tanung ni ryen sa anak..
" eh kasi po mommy kanina dapat po uuwi na kaming tatlo kaso biglang dumating yung kapatid nya sa labas at inaway sya hindi naman po sana papatol si chanel eh kung hindi po dinamay ng lily na yun si tita janna sa usapan kaya ayun nagkagulo na" wika ni theo..
"ano? hindi nyo man lang ba sila inawat?" si ryen..
" syempre po mommy inawat namin sila hindi naman po kami papayag na masaktan yung pinsan namin pero ayaw po talaga nila papigil hanggang sa dumating po si tita janna at si tito brian.." sagot naman ni theo sa ina..
" at wala man lang ginawa ang lalaking yun para awatin ang mga bata? and let me guess mas kinampihan pa nya yung anak nya sa labas kaysa sa pinsan mo?" inis na sabi ni ryen..
" hindi po mommy pinagalitan nga nya si lily eh kaso lang po parang lalong lumayo ang loob ni insan chanel sa daddy nya" sagot naman ni theo
" okay sige anak that's enough for me sige na magpalit ka at yung daddy mo nga pala kanina ka pa hinihintay puntahan mo na lang sya sa terrace papadalhan ko na lang kayo ng meryenda doon" si ryen sa anak saka nagtungo na rin ito sa kwarto nito..
YOU ARE READING
revenge of love(brian mcfadden fanfic)
Fanfica story of a woman who got married to the man he loves but at the wrong time...