Chapter 6: New fairy classmate?

24 0 0
                                    

Diwani's POV

"Shemas na hinimas, muntik na malaglag ang panty ko sa sobrang lapit sa akin kanina ni Dimitri!" Sabi ko sa isip ko.

I can't imagine my face  na sa akin pa magkakagusto si Dimitri. Alam ko yung sinabi niya kanina nung magkaharap kami sa labas ng pinto ng kotse niya. Hindi lang talaga nagloading agad yung sinabi niya kaya tinanung ko ulit siya. Pero dahil kabado din siya ayun iniba niya yung tanung niya tsss. Sayang eh, kung may gusto talaga siya sa akin edi sana hindi niya binago yung tanung niya. Nyemas naman oh.. tss.

"Diwani!"

Aysstt dapat talaga tinanung niya ulit ako, ng matuluyan ng malaglag yung panty ko hahaha joke lang. Gaman namang malag-lag yun ay naka jumper ako hahaha. Joke ulit, sa short or palda lang iniiipit ang jumper hindi sa undies! Hehe

"Diwani!"

Pero hindi ko talaga makalimutan nung naka-akbay sa akin si Dimitri, grabe ang bango- bango niya. His scent is so manly! Nakakapurnada eh. Tapos idag-dag mo pa yung pagpasok namin ni Dimitri sa loob ng classroom, ayurn nga-nga ang Melandi eh, este Melani na nakatingin sa amin. Hindi ko nalang siya pinansin dahil kitang kita sa mukha niya na pikon na pikon talaga siya. So ayun inihatid ako ni Dimitri sa upuan ko at tiyaka siya pumunta sa upuan niya.

"DIWANI!!"

"AY DIMITRI!" Napaimik nalang ako ng pangalan dahil sinigawan ako ni F/ Lorna.

Nilingon ko siya at ayun binigyan niya ako ng nakakalokong tingin na may smirk pa sa labi niya.

"O? Ba- bakit?" Nauutal kung tanung. Kasi naman nakakatakot yung tingin niya.

"Ayieeee, ikaw huh. May gusto ka pala kay Dimitri!" Sabi niya sabay sundot sundot sa tagiliran ko.

"Ha-huh?, paano mo naman nasabi na may gusto ako sa kanya?" Nauutal kung tanung ulit.

"Binaggit mo lang naman yung pangalan niya nung tinatawag kita" poker face niyang sabi sa akin

"Class you have a new classmates" prof namin as usual,

At syempre pagkabanggit ng prof namin na may bagong kaklase kami ayun mga nakaabang kung anung itsura nung bago naming kaklase at syempre parang may dumaan na hubad na diwata dahil biglang tumahimik sa loob ng classroom namin. Perhaps pwede na rin ako yung diwata na yun para matitignan ko kung anung reaction ni Dimitri. Hahaha joke lang.

"Mr. James Dylan Ashfold & Ms. Janine Monder" tawag nung prof namim dun sa dalawa naming kaklase.

Unang pumasok yung babae. Nakatungo pa siya nung pumasok. Pero makikita sa kanya na maputi siya, mahaba at kulay itim na buhok.

Nung nasa tabi na siya nung prof namin, tinawag ulit ng prof namin yung lalaki,

"Mr. James Dylan Ashfold!" Tawag niya.

Ashfold? Wow parang familiar yung surname niya. Yae na nga yan papasakitin pa yung ulo ko eh.

Pumasok yung lalaki na nagngangalang James Dylan.

"Wahhhhh"

"Ayieee"

"Why so handsome ni kuya!"

"Shit, please seat here with me!"

Ayurn nagsimula nanaman ang mga malalanding haliparot na magingay. Pero shemay gwapo nga siya mga bes. I can see that he has a toned body, siguro alaga niya ito sa gym? ok na din, medjo mukha siyang intsik dahil may pagkasingkit ang mata niya. Pero p.s mas makalag-lag panty parin si Dimitri ko. Hehe.. yeah mas gwapo parin siya. Pero napaka familiar talaga nung surname niya! Tss I just can't remember kung sino siya.

Kiring DiwataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon