Chapter 5

14 0 1
                                    

Hi po sa mga straight readers ko jan lalo na po kay ms.siopao :* labuyo ..
-------------
Diwani's POV

Kahapon pumunta kami ni Lorna sa mall para doon nalang kumain, ikaw ba naman ang guluhin umagang umaga. O sino bang hindi mababarino Diba?.

Habang nasa Mall kami kahapon ni Lorna panay naman message sa akin ni Dustin, pero pilit ko paring huwag pansinin ang mga messages niya kasi masama ang timpla ng mood ko ngayun.

Well He keeps on Messaging me tho na hindi ko naman siya nirereplyan. Kahit nga si Lorna nagtataka kasi bakit hindi ko daw replyan si Dustin. Siya na nga daw ang nagmemessage sa akin hindi ko pa replyan.
Nakakamad kaya.

So ayun dahil nga kahapon nagaway nanaman kami ni Melani. Trending nanaman daw ako sa 'facebook'  iyon ba yun?

Flashback...

"Huy diwani!" Tawag sa akin ni Lorna or should I say F!

"Oh bakit?" Ako

"Huy famous ka nanaman sa facebook at twitter!"  Sabi niya habang hawak niya yung cellphone thingy niya.

"Facebook? At twitter?" Sabi ko, tapos lumapit siya sa akin at ipinakita yung nasa screen ng cellphone niya..

Oo nga ano.

"Twitter.

Trending posts!

Mema
@ memaTweet

This girl is inspiration against all bully! "

Basa ko dun sa nakalagay. Tapos ipinakita mo ni F sa akin yung kung ilan yung retweet at favorite.
Umabot na kasi ng libo parehas kaya nakasama na ito sa trending posts ng twitter.

"Oh? Ano gagawin ko jan?" Sabi ko kay F

"Wh-WHAT?, you're literally famous bes!" Malakas niyang sabi sa akin.

"Well sorry, I don't have any of those!" Sabi ko, kasi wala naman talaga ako niyan eh.

"HUH? You mean wala kang facebook account? Kaya pala kahit anung search ko ng pangalan ko wala talaga!" Malakas niya ulit na sabi
"Gimme that!" Sabay kuha niya nung cellphone ko.

Nagpipindot siya ng kung ano ano, hindi ko na tinignan kung ano man yung pinagpipindot niya. Mga ilang minuto pa, pero sa loob ng ilang minuto na iyon tinatanung niya ako kung kelan birthday ko, ilang taon na ako, at kung ano ano pa. Tapos ayun.

She said smile kaya ayun nauto niya ako, ngumiti naman ako.

Pinikturan niya ako tapos nagpipindot na ulit sa dun sa cellphone ko.

"Oh ayan!" Sabi niya tapos balik niya sa akin nung cellphone ko. Tinignan ko naman kung ano yun tapos nakita ko na may nakalagay na 'facebook' dun sa ibabaw ba yun.

And a few moments later, notifications are now starting to load. Tunog ng tunog yung cellphone ko, tapos tinignan ko si F ng isang 'what is this' look. Ngumiti lang siya ng nakakaloko.

End of flashback...

Kaya ngayun panay parin ang notification nung cellphone ko. Eh hindi ko pa naman ginagamit ulit yung facebook na yun. Pinatay ko yung phone ko para matigil yung tunog ng tunog na cellphone ko.

At dahil umaga naman ngayun, I just do my daily routines ay syempre kain muna bago toothbrush.

Tapos na ako sa mga kailangan kung gawin at kinuha ko ang bag ko na nakalagay sa kama ko. Kinuha ko ma rin ang cellphone ko na nakapatong katabi ng lampshade ko. Yeah, my lampshade din ako. Para daw hindi na ako gumamit ng kapamgyarihan para tumawag ng alitaptap para lang mailawan ang kwarto ko at syempre para makiblend sa mga mortal kung sakali man na nay dadalhin ako na mortal sa kwarto ko.

Kiring DiwataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon