The Vision

18 2 0
                                    

Diwnai's POV

Sobrang init. Sobrang init, para akong sinusunog ng buhay dito sa aking kinatatayuan. Napasandal nalang ako sa pader na kanina ay pinagtutuunan ko ng lakas upang hindi ako matumba pero sadiyang hindi ko na kaya pang tumayo at hinayaan ko nalang matumba ang katawan ko. 

Sobrang bigat ng pakiramdam ko at parang gusto ko munang matulog upang hindi ko maramdaman ang init. 

hanggang sa nawalan na ako ng malay.

"Diwani!"  Boses ng babae na tumatawag sa akin, hindi ko ito pinansin dahil baka nag iilusiyon lang ako.

"DIWANI!" Isang boses nanaman ng babae ang tumawag sa akin.

"Diwani, Kelangan mo nang mahanap ang lalaking maghahari sa atin mundo." sabi nung boses na tumatawag sa akin. Natauhan ako bigla dahil sa sinabi nung boses na un

Naimulat ko ang mata ko pero nababalot ako sa sobrang dilim na silid. 

"Sino yan?" sabi ko 

"Hindi mo ba nakikilala ang boses ko Diwani?"  Sabi nung boses

"itatanung ko ba kung kilala ko?" sabi ko ng mahina sa sarili ko, biglang pumasok sa isipan ko yung mission na dapat kung gampanan at bigla kung naalala kung sino ang nagpadala sa akin dito sa mundo ng mga tao.

"Q-queen Dorothy?" nauutal kung sabi. "Nasaan po ako? at b-bakit po kayo andito?" bigla kung tanung sa kanya

"Diwani, Ginamit ko ang kapangyarihan ko para makausap ka, Hindi ako pwedeng pumunta sa mundo ng mga tao dahil Gumagawa na ng hakbang ang mga kalaban natin, kaya kelangan mo nang mahanap yung lalaking magliligtas sa ating mundo" seryosong sabi ni Queen Dorothy

"P-pero, kelangan ko pa ng madaming oras para mahanap kung sino yung lalaking iyon" Tugon ko sa kanya

"Alam kung kelangan mo pa nang madaming oras, pero nauubusan na talaga tayo ng oras dahil unti-unti nang sinisira ng mga kalaban natin ang ating mundo. at yung lalaking iyon lamang ang makakapagligtas sa ating mundo" sabi niya "Alam kung mahirap ang kilalanin sila agad pero hanggat maaari ay bilisan mo dahil hindi ko alam kung gaano pa katagal ang itatagal ng kapangyarihan ko para mapigilan ang mga kalaban natin na makapasok sa centro ng buhay dito sa atin" dag-dag pa niya.

Kelangan ko nang mahanap yung lalaking magtatanggol sa aming mundo, sino kaya iyon? 

"Masusunod po Queen Dorothy, gagawin ko po ang lahat para mahanap ang lalaking iyon. at agad ko siyang dadalhin sa ating mundo" sabi ko sa kanya 

"Umaasa kaming lahat na ikaw ang diwata na magdadala sa lalaking iyon. at ang Diwatang magliligtas sa buong mundo natin" sabi niya tapos para siyang hinihigot nang dilim at biglang nawala

"Queen Dorothy" sigaw sa pangalan niya, pero patuloy parin ang paglayo niya sa akin.

Kelangan ko ng bilisan sa paghanap dun sa itinakdang lalaki na mag liligtas ng mundo namin. 

Dahan-dahan kung inimulat ang aking mata. Nakita ko si Dimitri na natutulog sa tabi ng kama ko. 

Bumangon ako ng dahan-dahan para hindi ko siya magising. Tinignan ko yung mukha niyang sobrang amo habang natutulog. 

Meron kang dapat tapusin na mission Diwani.

Naalala ko yung pinagusapan namin ni Queen Dorothy na kelangan ko nang mahanap yung lalaking iyon. 

Dahang-dahan gumalaw si Dimitri at iminulat niya ang kanyang mata. Bigla siyang napatayo nang makita niya akong nakaupo at nakatingin sa kanya.

"D-Diwani?" Banggit niya sa pangalan ko

Kiring DiwataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon