Chapter 15

11 0 0
                                    

Diwanis's POV

"Dustin?" Banggit ko sa pangalan ni Dustin nung pumasok siya sa silid kung saan ako naka-confine.

Makahulugang nakatingin lamang ito sa akin tapos ngumiti.
Bakit ganun? Sobrang cute naman nitong lalaking ito?

Palabas na sana siya pero pinigilan ko siya.

"Dustin!" Tawag kung muli sa pangalan niya.

Limingon naman ito sa akin ng naka-kunot ang noo.

"Alam ko na ako ipinunta mo dito kaya....." Tumingin muna ako sa kanya tapos ngumiti bago ko itinuloy ang sasabihin ko sa kanya "maraming salamat sa pag-aalala mo sa akin"

Napangiti siya sa sinabe ko. Akmang sasagot sana siya dun sa sinabe ko ng biglang nag bukas ang pinto.

"DIWANII!" sigaw ni F pagpasok niya ng pinto. "Ma-magaliiiiiiiiinnnnnnngggggg kana?" Mahabang banggit niya nung nakita niya si Dustin, tapos bigla naman siyang lumingon Kay Dimitri tapos sa akin.

Napatahimik naman kaming lahat dahil sa biglaang dating nito.

"Awkwarrddddd..." pahina nitong sabi habang nakayukong umaatras sabay exit ulit sa pintuan.

Napalingon ako kay Dimitri dahil hindi ko alam kung paano sisimulan dahil sobrang awkward nga ng sitwasiyon namin.

"May anghel na duma-daan" biglang ko nalang nasabi with hand gesture pa na parang bata.

"Soooo, This is the part where I do my exit, right?" Sabi ni Dustin.

Hindi na ako nakapas salita dahil bigla nalang siyang nag walk out.

Kasunod nun ay biglang pasok ni F na parang thrill na thrill sa nangyare.

"Wahhhhhh!!!! Sobrang awkward nun besssshhhhhhhh..." sigaw niya habang hawak-hawak yung pina request niya sa akin.

Hindi ko alam kung magi-guilty ako o ano, dahil hindi ko man lang na-appreciate yung pagpunta dito ni Dustin.

"Huy besh, ito na yung nirequest mo oh. HALA! LAMUNIN MO LAHAT YAN!" Sabi ni F habang inaabot sa akin lahat nung pinabili ko sa kanya, syempre libre haha

Napatingin naman ako kay Dimitri na nakatingin lang sa pagkain na iniaabot sa akin ni F.

"Oh, Dimitri bakit?" Sabi ko sa kanya.

Napatingin lang sa akin si Dimitri tapos dahan-dahan na ngumiti.

"Bakit ba ang hot mo?" Tanung ko sa sarili ko habang nakatingin ako sa mata niya.

Bigla naman siyang umiwas ng tingin sa akin tapos dumukot ng pagkain dun sa hawak hawak ko.

"Aba, nagpaalam ka?" Pagmamataray ko kunwari.

"Bakit? Kanina inaalok mo ako tapos ngayon hindi na? Daya mo, o palit tayu sayo yan akin to!" Sabi niya sa akin.

Ibinigay niya sa akin yung binili niyang pagakin dun sa labas then kinuha niya yung pizza.

"HOY! FOR-YOUR-INFORMATION-MR. DIMITRI! Akin po iyang pizza na yan! Manigas ka sa KANIN!!!" Sabi ko sa kanya. Syempre in a sarcastic mode.

"Pfffttt...pft. pft. Pf-WAHAHAHAHA..."biglang tawa ni F sa harap ko. Napakapit pa ito sa kanyang tiyan sa kakatawa.

"Bakit ka natawa?" Sabay naming sabi ni Dimitri tapos nagkatingin pa kaming dalawa. Nagkatama ang aming mata tapos bigla nalabg akong napayuko kasi may naramdaman ako!

Kiring DiwataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon