Dimitri's POV
Kakarating ko lang sa bahay namin at nag deretso na ako sa kwarto ko, wala naman kasing tao sa bahay namin kasi sobrang busy ng parents ko sa kakatrabaho.
Pagdating ko sa kwarto ko, napahiga nalang ako sa sobrang pagod kanina, kahit wala naman talaga kaming ginawa masiyado dahil kumain lang kami dun sa restaurant."hayyyy, sarap ng buhay" taim-tim kung sabi
habang nag-iisip ako ng mga nangyare kanina, hindi ko mapigilan na mapangiti dahil dun sa ginawa sa akin kanina ni Diwani.
Flashback.... kanina habang pauwi kami (sa loob ng kotse)
nag da-drive ako habang siya naman tuwang tuwa dun sa Dessert na ipina-take out ko.
tinitikman na niya yung Dessert habang ako naman, pasimpleng sumu-sulyap sa kaniya dahil ang sarap niyang pag masdan habang tuwang-tuwa siya dun sa kinakain niya.
"Ang, Sarap nito Dimitriiii, whoo thank you talaga." sabi niya, habang nasubo nung Dessert
Napangiti nalang ako habang nakatingin sa kaniya ng kauntian, baka kasi makita niya ako na nakatingin sa kanya eh.
pasul-yap sulyap na gawain ko ngayun habang nag da-drive, dahil medjo malayo at magiging matagal ang biyahe namin, tamang siya nalang muna ang magiging sight-seeing ko.
habang nag da-drive ako natahimik na siya habang nakasandal sa upuan ng kotse.
"oh, bakit ka natahimik jan?" tanung ko sa kaniya
"wala lang, masaya lang ako ngayun araw na ito, hehe" sabi niya sabay tingin sa akin.
"masaya?" ako
"oo bakit naman hindi?" siya
"wala lang hehe, masaya din naman ako eh"
"masayang masaya dahil anjan ka sa tabi ko" sabi ko sa isip ko
"o diba, ang saya natin haha" sabay tawa niya.
napatingin ako sa kanya habang siya at natawa, yung pakiramdam mo na nag slow-mo ang lahat nung napatingin ako sa kanya dahil lumingon din siya sa akin.
everything is just in place para lumigaya din ako ng ganito.
"huy, salamat huh," sabi niya habang nakatingin sa akin. napatingin naman ako sa kaniyang mata, dahil sobrang lapit pala niya nung nagpasalamat siya. "huy, bakit ka namumula?" bigla niyang sabi sa akin
"huh?, hindi ah!" sabi ko tapos biglang lingon dun daan.
"ayan oh namumula ka ohhh, may sakit ka ba?" tanung sa akin sabay lagay nung kamay niya sa leeg ko. shettee, pakiramdam ko lalagnatin ako lalo nito eh
umiwas ako ng konti sa ginawa niya upang hindi ako lalo mamula nito, lintek ngayon lang nangyare sa akin ito eh. bakit naman kasi ngayun pa?
umatras siya ng kaunti sa kanyang upuan tapos bigla nalang niya akong....
"anung ginagawa mo?" sabi ko sa kanya
"wala, ah nakayapos lang sayo hehe bawal ba?" sabi niya sa akin tapos mas hinigpitan niya pa ng kaunti yung pagkakayapos niya sa akin.
WHoooooo, pinagpapawisan ako ng malamig, hindi ko alam ang gagawin ko kung papaluyin ko ba siya oh ihihinto ang kotse.dahil sa takot ko na baka maaccidente kami ay inihinto ko ang kotse sa isang tabi at hinawakan ko ang magkabila niyang balikat. tiyaka ko siya unti- unting inilayo sa akin pero nakatingin ako sa kaniyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Kiring Diwata
RandomSi Diwani ay isang diwata na tumuntong sa lupa ng mga mortal upang makipagkaibigan, dahil sa angking biyaya na naipagkaloob sa kanya ng kanilang kinikilalang dakilang panginoon ay siya ang naatasan na hanapin ang lalaking hindi iibig sa kanyang napa...