Dimitri's POV
Alam ko naman na labag sa kalooban ni Dustin na isama kami dito halata naman sa kanya na napipilitan ito kanina na isama kami dito sa isang simple ngang restau. Hindi ko siya masisi kahit naman ako labag din sa kalooban ko na sumama dito at ang mas Malala pa ay kasama niya si Diwani. Kaya naman No choice ako na bantayan si Diwani kasi halatang halata naman kay Dustin na may pagtingin siya kay Diwani eh, Pero I feel sorry for him dahil sa akin si Diwani. I'm gonna win her and she's gonna be mine for the rest of my life.
Tahimik lang ang ambiance dito sa loob dahil wala ni isa sa amin ang naimik dahil hindi naman kami masiyadong close kay Dustin upang makipag hambugan sa trip nito, at besides ayoko siyang kausap. Mediyo awkward kaming dalwa nito dahil parehas kaming mataas ang pride, ramdam na ramdam ko na nakikipagpaligsahan ito sa taas ng pride ko. Pero dahil mas close kami ni Diwani mas mataas ang pride ko syempre. HAHA ako pa ba?
Tahimik lang akong nakaupo at nagmamasid. Ung dalwang bago naming kaibigan naguusap lang. mediyo hindi ko din sila kilala kasi nito lang naman itong dalwang ito sumama sa amin ni diwani eh. Pero halos lagi lang sila ang naguusap, kaya hindi nalang ako nakikisali sa kanilang usapan. Tinignan ko nalang si Diwani habang kausap niya si Dustin, hindi ko alam kung makikisali ako dahil sa nararamdaman ko sa dibdib ko. Hindi ko alam kung nagseselos ba ako dahil sa kausap niya si Dustin. Pero alam ko naman sa sarili ko na may gusto ako kay Diwani dahil hindi ko rin naman mararamdaman itong pakiramadam na ito kung hindi totoo ang pagtingin ko sa kanya. Hindi ko alam kung anung nagustuhan ko sa kanya bukod sa pagiging maganda nito. Siguro sa ugali nito dahil hindi naman siya agad agad nag kagusto sa akin nung nakita ako nito hindi katulad nung ibang babae dun sa loob ng campus na halos ipagkalandakan na ang sarili upang mapansin lang ang attention ko. But in this case? Diwani really did capture my attention, just walking in front of me. At ayun si Kupido naka pana nanaman ng mission nito.
"Good Evening sir, Here's your order for this night. Please enjoy your meal ma'am/ sir" sabi nung waiter na naghatid nung pagkain sa aming lamesa.
Hindi ko alam kung paano nila ginawa itong meal na ito. Dahil mukha talaga itong Italian course
Nag serve din yung waiter ng isang Lemonade juice filled with lots of lemonades sa loob nung magarbong style barrel pero ito nga lang ay gawa sa babasaging salamin.
"hm, Fancy" sabi ko nalang sa isip ko.
"You should eat up" biglang sabi ni Dustin na nakaharap kay Diwani
"Yeah, I'm just admiring the food. It looks delicious kasi kaya nag da-dalwang isip ako kung kakainin ko ba o hindi hahaha" sabi ni diwani
"maybe you shouldn't admire it, it makes you feel that you don't have to eat them, but basically you must" Dustin.
Ngumiti nalang si Diwani sa kanya at dahan dahang kinuha yung kutsara at kutsilyo na nakabalot pa sa tissue.
"Pssshh.. porket ikaw lang ang nag akit ngayon kay Diwani, it doesn't mean na sayo na siya? HUH ASA ka pre, " sabi ko sa isip ko.
"Diwani, it's getting late for this night. You should eat that up." Sabi ko sa kanya.
"oh yeah, we must hurry Dustin. We still have classes tomorrow morning, kaya we should not enjoy the rest of the evening" sabi ni Diwani kay Dustin.
Napatingin nalang si Dustin kay Diwani dahil sa sinabi nito sa kanya.
napangiti nalang ako dahil kahit naman papaano ay nasunod din pala sa payo ko itong si Diwani eh."oh ok, Then ako na maghahatid sayo Diwani after natin kumain. Is that ok?" sabi ni Dustin kay Diwani,
"ahmm, I think ako na mag hahatid sa kanya para hindi ka pa maabala sa biyahe at alam ko naman na for sure pagod ka din sa maghapong ito."
"Yeah, kay Dimitri nalang ako magpapahatid dahil alam kong pagod ka na dahil siguro inasikaso mo pa itong restau. Para makapagpareserve ka" sabi ni Diwani sa kanya sabay ngiti.
Ngumiti nalang si Diwani kay Dustin at dahil nakapagpasiya na si Diwani ay mapait na napangiti nalang si Dustin sa amin.
Nagpatuloy na kaming lahat sa pagkain nung kinakain namain pero, masasabi ko na kahit simple lang itong restaurant na ito ay masarap din ung foods nila dito.
Pagkatapos namain kainin ung nakahain kanina ay may lumapit agad na waiter tapos inimpis ung mga pinggan at dinalhan kami ng dessert.
"here's your dessert ma'am/sir, alaconte fluetu" nakangiting sabi nung waiter sa amin.
"thank you" sabi ni dustin
"Italian cuisine talaga ang sineserve nila dito." Sabi ko ulit sa isip ko.
Halos isang normal size na plato lang naman ung dessert na sinerve sa amin kanina, kaya madali na naming mauubos itong dessert na ito.
"WOOOOOOWWW" biglang sigaw ni Diwani sa amin, tapos pinanggigilan niya pa si Dustin. "Ang sarap nito Dustin, hoho sarap talaga" dag-dag na sabi pa ni Diwani kay Dustin.
"Haha, I ordered the main dessert here eh, you know. I don't want to disappoint you" nakangiting sabi ni Dustin habang nakaharap sa kanya.
"yeahh, you passed HAHAHA" masayang sabi naman ni Diwani sa kanya.
"Guys, it's already 8pm, and still have 1 hour drive to get home" singit ko sa kanilang dalawa, dahil totoo naman eh.
bigla namang napatingin yung dalawa sa sinabi ko.
"yeah, kelangan na nating bilisan kainin ito kahit ayoko dahil sobrang sarap" sabi ni Diwani sa akin sabay tingin niya kay Dustin.
ngumiti nalang din si Dustin sa kanya dahil sa sinabi ni Diwani. hehe akala niyo maeenjoy niyo itong gabi na ito hahaha NO WAY! sabi ko sa isip ko
binilisan na nila ang pagkain dun sa dessert na inihanda, pero kahit ako din binilisan ko pero masasasabi ko na ang sarap nga nito, nanghihinayang tuloy ako kainin ito.
mga ilang minuto pa ang nakakalipas ay tapos na kaming lahat kumain at nag si punta na kami sa parking lot upang pumunta sa sari-sarili naming kotse para makauwi na.
bago sumakay sa kotse si Diwani ay hinarap muna niya si Dustin at kinausap niya ito ng saglit.
"is that really necessary na kailangan niyang lingonin pa si Dustin ay andito naman ako" sabi ko sa isip ko,
"Bye-bye Dustin, thanks again sa treat mo hehehe, ang sarap nung foods at nag enjoy din naman ako hehe" sigaw ni Diwani bago as sumakay sa kotse ko.
pinihit ko na yung susi ng kotse ko para mag start at dali dali kung pinaharu-rot upang makaalis na agad kami sa harap nung kumag na yun.
"sarap nung Dessert no?" Diwani
"huh? yun lang ba? hahaha, ayan o pinag take out pa kita. " pinakita ko sa kanya yung nakabalot sa maliit na paper bag.
"WOWWWWW, grabe naman po ikaw ang bait- bait naman po. hihi thank you, thank you po talaga." tuwang tuwa siya dahil pinag take out ko siya nung dessert na hindi ko alam ang pangalan haha, kaya kanina ang tagal kong wala eh hehe tagal kasi mag served nung waiter bwisit.
pero lahat ng iyon ay ok na dahil napasaya ko siya,.
nag da-drive na ako at nakatutok ako sa daan ng bigla niya akong niyapos!
*****
-ImYourSideStory
guys hehehe natagalan ulit (lagi naman) hehehe sorry na busy sa training guys eh ahaha. pero itutuloy ko parin po ito. don't worry guys. thanks po sa mga solid reader ko diyan hehehe just stay tune sa mga pwedeng mangyare dahil malapit ko ng ilabas yung mga kakirehan niya de joke hehehe basta, abangan niyo nalang po thanks po ulit.
don't forget to leave a vote and please follow me po
BINABASA MO ANG
Kiring Diwata
LosoweSi Diwani ay isang diwata na tumuntong sa lupa ng mga mortal upang makipagkaibigan, dahil sa angking biyaya na naipagkaloob sa kanya ng kanilang kinikilalang dakilang panginoon ay siya ang naatasan na hanapin ang lalaking hindi iibig sa kanyang napa...