EIGHT

30 4 2
                                    

EIGHT

Hindi kami magkasama ni Shina nung New Year. Nag-HongKong kasi kami, eh wala pala siyang passport. Gusto ko sanang magpaiwan na lang pero ayos lang daw siya. Nag-overseas call na lang kami araw-araw.

Nakakamiss siya. Ganun pala ang feeling kapag sobrang layo ko tapos wala akong magawa para makita ko siya. Bawat araw, yung boses niya lang yung energy ko. Gustong-gusto ko ng umuwi para lang makita ko na ulit siya, mayakap siya ganun. Nakakamatay kasi bawat araw na wala siya sa tabi ko. T________T

Pagdating namin sa bahay, dumiretso ako agad sa apartment niya. Hindi niya alam na darating na ako, gusto ko sana siyang sorpresahin. Hindi daw siya umuuwi dun sabi nung landlady niya. Nung pumunta naman ako sa Lobel’s, mula daw nung nag-leave siya nung ipinaalaam ko siya, di pa daw siya bumabalik sa trabaho niya dun.

Kapag tinatawagan ko siya nung nsa abroad ako, sabi niya ayos lang daw siya. Madami pa din daw tao sa Lobel’s at masaya ang lahat ng katrabaho niya nung ikinwento niya yung bakasyon namin. Bakit ganun? Anong nangyayari?

Ayokong mag-isp ng kung anu-ano. Ayokong maging negative thinker. Tatanungin ko muna siya kung may problema bang di ko alam.

Tinawagan ko siya. Nagring. Medyo matagal pa bago niya sinagot. “Honey!”

“Nasaan ka? Miss na kasi kita eh,” sabi ko.

“Ha?” gulat na nasabi niya. “Nakauwi ka na ba?”

“Oo. Gusto ko sanang makasama ka ngayon, miss na miss na kasi kita eh. Nagpunta ako sa apartment niyo at sa Lobel’s, wala ka. Ayaw mo ba akong makita?”

“Eto naman oh. Uuwi na ako.” She ended the call.

Pagkakita niya sa akin, hindi siya yung ganun kasaya kasi ako ang saya ko, ilang araw din kaming hindi nagkita at sobra ko talaga siyang na-miss. Niyakap niya lang ako tapos nagpakwento siya sa kung anong nangyari sa Hongkong pero hindi sya ganun kaintersado.

Nagtatampo ba siya dahil naiwan siya dito? Dapat ba nagpaiwan na lang ako? Eh sabi niya kasi ayos lang. Magpapaiwan naman talaga ako kapag sinabi niya eh. Bakit ba kasi ang gulo ng mga babae?

Hindi ko na maintindihan si Shina. Hayyyy. May mga ganitong point nga siguro sa bawat relasyon.

Gaya ng dati ang mga sumunod na araw. After ng klase ko, sinusundo ko siya sa apartment niya tapos ihahatid ko siya sa Lobel’s. Hindi ko na napapanood yung mga pagtugtog niya kasi medyo hassle na din ako sa school, ganito talaga kapag graduating sa high school.

Napadalas din yung mga free time niya eh hindi ako free kasi nagpapa-tutor ako. Si Mama naman kasi. Para daw makapasa ako sa mga magagandang college schools dito sa Pilipinas since ayaw kong mag-aral sa amerika tulad ni Jianna. Balak ko ngang mag-aral na lang din ako sa university na pinapasukan ni Shina. Ayaw ko kasing iwan dito si Shina, baka lalong magkalabuan kami. Di ko kakayanin yun.

“Shina, asan ka na naman?” inis na nasabi ko sa kanya. Free time ko kasi tapos wala siya sa apartment nila o kaya sa Lobel’s. Wala din naman siyang pasok.

“Bakit mo ako hinahanap?”

“You’re my girlfriend. Gusto kitang makasama.”

“Nawala lang ako saglit, namiss mo na ako ako. Teka, uuwi na ako,” she ended the call. Hayyy. >.<

Nagkakalabuan na ba kami?

Naging ayos naman ang lahat nung Valentine’s day. Hindi ako naki-prom sa school namin kasi naki-date ako kay Shina. Nagpunta na lang ako sa Lobels habang tumutugtog siya tapos binigyan ko siya ng bouquet ng bulaklak. Doon na din kami nagdinner tapos nag-duet kami sa stage. Madaming tao ang nandun para i-celebrate din ang araw ng mga puso. Nakailang kanta kami ni Shina. Ang dami ngang nagsasabi na bagay na bagay daw kami. Syempre, kami pa. ^_______^

THIS GIRL HAS GONE FAR AWAY (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon