TEN

38 4 3
                                    

TEN

Jianna threw a cussion pillow on me. Inalis ko yung headphones ko. “James’ on the phone.”

Inihinto ko muna yung pinapanood kong movie tapos kinuha yung telepono kay Jianna. James was my first friend in college. It was hard for me to study abroad kasi baluktot din ang mga english ko. Well, I need to study abroad. Kailangan kong makalimot. Hayyy.

“I already asked Rodee. He said, he’ll try if he’s good enough for us,” sabi nito mula sa kabilang linya. “Now, we only lack of a drummer.”

“I know someone.” Agad kong ibinaba ang telepono tapos kinuha yung phone ko and called someone. Mayaman ako, overseas call ito. Hahaha. After a couple of rings, Maw answered it. “We’re forming a band. Naghahanap kami ng drummer.”

“Whatever bro pero sige. Kinukuha naman na din ako ni Ate dyan sa Amerika,” sabi niya then breathed heavily. “Ano bro, I was about to call you. It’s about... Shina.”

Nung narinig ko yung pangalan, sumikip yung dibdib ko. I never heard that name for a year now.

“Maw, alam mo namang---“

“Bro, what if mali yung alam nating niloko ka niya or whatsoever? What if she’s sick and lying in a hospital bed? What if she truly loved you?”

“Shet naman Maw, itigil mo na nga yan,” nabadtrip kong nasabi. “Wala na akong pakialam sa kanya. I already moved on. Ayos na ayos na ako.”

Narinig ko siyang huminga ng malalim. “Jarred, she’s dying.”

Of course, I was shock. I was thinking na wala akong pakialam kung anong kalagayan niya ngayon. She left me. She was the one who left me without any explanation why. But then a part of my heart wanted to see her.

“Jianna, uuwi muna ako sa Pilipinas.”

Habang nasa elevator ako, di ko maiwasang kabahan. Ready na ba talaga ako? Gustong umatras ng mga paa ko. Hindi ko nga narealize na darating ang araw na yun. Tinignan ko yung tinext na room number ni Maw, 623.

Nag-open yung elevator, 6th floor.

601. 603. 605. 607. ... 619. 621. 623.

Huminga ako ng malalim bago ko hinawakan yung door knob ng pintuan. You’ve waited this day Jarred. Kaya mo ‘yan.

Pagbukas ko ng pintuan, nakita ko siyang nakaupo sa kama pero nakatalikod siya sa akin. She’s wearing a hospital gown. Lagas na yung mga buhok niya. Yung mga braso niya, puting-puti parang wala ng dugo na ang papayat.

Hahakbang sana ako pero nanigas ang mga paa ko.

“Shi... Shina,” nasabi ko.

Napalingon siya sa akin. Inalis ko yung nerdy glasses ko. Halatang gulat siyang makita ako tapos unti-unti siyang nag-smile sa akin. “Hi Jarred, long time no see.”

Tumulo na lang ‘yung luha ko.

Dahan-dahan siyang tumayo tapos lumapit siya sa akin tapos niyakap niya ako. Nakangiti siya.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Namiss ko yung yakap niya. Dapat hindi ko na nararamdaman ang mga ito. Dapat wala na. Dapat.

“Nakakahiya naman. Nakita mong ganito ako,” tumawa siya nang punasan niya yung tumulong luha ko. Bumalik ulit siya sa pagkakaupo sa kama niya. “Madami akong naririnig sayo. Congrats Jarred. Ang layo na ng narating mo.”

THIS GIRL HAS GONE FAR AWAY (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon