FIVE
Naging okay naman ang mga araw sa relasyon namin ni Shina. After ng klase ko, sinusundo ko siya sa apartment niya para ihatid ko siya sa Lobel’s. Tatambay muna ako doon para panoorin siya tapos sabay kaming magdidinner after niyang magperform. Medyo todo aral siya ngayon, malapit na din kasing matapos ang sem. Last week na din kasi ng sem kaya puro exam.
“Kamusta ang school?” tanong sa akin ni Shina habang kumakain kami. Parang nanay ko lang. Hahaha. “Masusuntok kita kapag may pinopormahan ka dun.”
“Wala ah, ang selosa ng honey ko,” tawa ko. “♫In-love ako sa isang kolehiyala, di ko maintindihan. ♫ ”
“Anong di mo maintindihan ha?” kahit may laman yung bibig niya ay nagsalita siya. “Kung di mo maintindihan ang relasyon natin, we better----“
“Hep hep,” tigil ko sa kanya.
“Hurray?” nasabi niya saka kami nagtawanan. Ang cute niyang tumawa. Ang sarap sa tenga nung tawa niya. “Kapag nakipaghiwalay ka sa akin, kakalbuhin ko yung ipapalit mo sa akin.”
“Ikaw lang ang one and only ko. I love you Honey.”
“I love you too,” sabi niya. Kapag sinasabihan niya akong mahal niya ako, di ko mapigilang hindi kiligin. Hahaha.
Bahagya akong nagpapadyak. “Inaakyat na tayo ng langgam dahil sa sobrang sweetness natin.”
“Ikaw kasi eh, hinawaan mo ako ng mga kakornihan mo,” sabi niya sabay subo.
“Ano... ano Honey, paano kapag next month na ang engagement party natin?” out of the blue ay nasabi ko. Bigla ko kasing naalala na pinaplano na ng mga magulang namin yung engagement party next month. Kasi nga, summer na din next month. Walang klase kaya di kami busy sa pag-aaral. Pursigido sila lalo pa at alam na din nilang kami na at mahal namin ang isa’t-isa.
“Sus, eh di kahit bukas pa yan.”
“Talaga?” masaya kong nasabi. Di ko ineexpect na ganun ang magiging reaksyon niya. Akala ko kasi magsusungit siya kapag sinabi ko. Ayoko pa man din kaming mag-away.
“Mag-graduate ka muna ng highschool bago yang engagement party na yan,” tawa niya. Grabe talaga siya magbiro. “After mo mismong kunin ang diploma mo, ayos na ayos sa akin yan.”
“Next year pa yun eh,” nag-pout ako.
“Eto talaga,” she curved my lips into smile. “Mag-smile ka nga dyan. Pangit ka kapag nakasimangot ka. Hahaha. Test din yun sa relasyon natin. Syempre, yung time na yun, sure na sure na tayong di na tayo mapaghihiwalay kahit ng end of the world.”
Huminga ako ng malalim. “Ang korni na nun pero ayos lang ... masayang maging korni pagdating sa pag-ibig.”
She smiled. Isang taon pa para maka-graduate ako. Kaya yun ng relasyon namin ni Shina. :)))
That night, sinabi ko sa mga magulang ko ang napag-usapan namin ni Shina. Ayos lang naman sa kanila na i-move pa next next year ang engagement party, sure naman na daw silang kami na talaga ni Shina ang para sa isa’t-isa. Supportive talaga mga yan pagdating sa amin ni Shina lalo na si Jianna.
Kapag free time nilang dalawa, sabay silang nagku-cooking lesson. Gusto kasing matuto ni Jianna na magluto bago sila ikasal ni Kester. Next year na yata ang kasal nila. Ayos naman na, graduate na silang pareho ng college. I wish them the best. Papunta na sila sa happily ever after, ilang taon pa at doon din ang tuloy namin ni Shina.

BINABASA MO ANG
THIS GIRL HAS GONE FAR AWAY (short story)
ContoAng pang-MMK na love story nina Jarred at Shina. This is a love story how love conquers all. :)))