EPILOGUE

35 5 6
                                    

EPILOGUE

“Can you have a word to all your Filipino fans?” sabi nung host, nakatingin siya sa akin. “Jarred?”

Siniko ako ni Maw. Napalingon-lingon ako sa paligid ko. Nakatingin silang lahat sa akin.

“Ahhh ... yes,” itinapat ko yung microphone sa akin. “There are still tickets for our tomorrow night’s concert. Let’s rock Arena! Mabuhay ang Pilipinas!”

Naghiyawan ang mga audience sabay sabing “We love Rusty James.”

“Thank you Rusty James,” nagsmile yung host sa amin, we smiled back. “Mga kababayan, palakpakan po natin ang Rusty James. Sa pagbabalik ng Music Loop, magpeperform ang bandang Down Karma.”

Tumugtog yung isang kanta namin. Tumayo na yung host tapos nakipagkamay sa amin. Sabi pa nga niya, manonood daw siya ng concert namin bukas ng gabi. Nagbow na kami sa mga fans namin. Naghihiyawan pa din sila kahit nung nasa backstage na kami.

“Wala ka yata sa sarili mo kanina,” sabi ni Maw sa akin nung nakarating na kami sa van. “Ayos ka lang ba?”

I nodded. “Naalala ko lang siya.”

He tapped my shoulder and smiled bitterly. “Proud na proud yun sayo. Panonoorin niya tayo bukas tapos siya ang may pinakamalakas na sigaw.”

“I just wish Maw... I just wish she’s still here.”

Nagpahinga sila nang makarating kami sa hotel room. Hiniram ko kay James yung nirentahang kotse niya. Naghood ako saka nagsuot ng nerd glasses para hindi ako makilala ng publiko. Mapapagalitan ako ng manager namin kapag may gulo akong nagawa.

“Asan si Shina?” tanong ko kay Maw pero nagtatakang tinignan niya lang ako. “Yung gitara, Maw.”

“Tinakot mo naman ako dun bro,” sabi niya sabay nguso sa isang guitar case sa sulok. “Anong oras ka babalik?”

“Saglit lang ako,” sabi ko saka umalis.

Dumaan muna ako sa flower shop. Tingin ng tingin sa akin yung tindera. Nung tinignan ko kanina yung repleksyon ko sa salamin, di ko na nga nahalata yung sarili ko eh.

“Are you a filipino?” sabi nung tindera nung iniabot niya sa akin yung bouquet.

“Yes,” tango ko sabay bayad sa kanya.

“Akala ko kanina foreigner ka o kaya artista, ang puti kasi ng balat mo. Saka ano, kamukha mo yung bokalista ng Rusty James, sumali ka kaya sa Kalokalike.”

I smiled. “Everyone say that.”

Pagdating ko sa heaven’s garden something, agad kong sinaladuhan nung guard. Sinenyasan kong wag siyang maingay. Nagpa-autograph pa siya, para daw sa anak niyang fan na fan ng banda.

Dire-diretso akong naglakad, sa dating nilalakarankapag dating bumibisita ako. Tapos huminto ako sa pamilyar na dalawang puntod na magkatabi.

“Kapag namatay ako, gusto kong ilibing dito sa tabi ni Mama.”

“Eh baka mauna pa akong mamatay sayo.”

“Mas matanda kaya ako ng dalawang taon. Sabi kong tawagin mo akong ate eh.”

“Honey!”

“Kamusta ka na Shina?” ipinatong ko yung bulaklak sa puntod niya. “Sorry ha, natagalan pa bago ako makabisita sayo.”

Umupo ako sa damuhan. Napapikit ako. Sana kasama ko ngayon si Shina. Kapag inaalala ko ang mga nangyari, ang sakit pa din. Hindi ko pa din matanggap na ganito ang nangyari sa amin. She was my life. Kulang ba ang pagmamahal ko sa kanya kaya maaga siyang kinuha sa akin? Nagsisi naman ako diba? Hindi ba sapat yun para pagbigyan akong makasama siya ng mas matagal pa?

Inilabas ko mula sa lalagyan yung gitarang ibinigay niya sa akin. “Tinupad ko na yung gusto mo Shina. Tama nga yung sabi mo nun, pwede akong maging bokalista ng banda. May banda na ako ngayon pero sayang, di mo man lang kami napakinggan.”

Huminga ako ng malalim. “Alam kong namiss mo itong mapakinggan.”

“♫ Everytime I look at your eyes, it reminds me of this love. This love you gave that no one can ever have. Everytime I see your smile then everything’s okay. And I keep telling myself, I want to be with you everyday. ♫”

Nang matapos akong kumanta, pinahid ko yung mga nangingilid na luha. How could this happen to us? I just can’t believe she’s gone. Minsan iniisip ko na panaginip lang lahat ng ito pero sasampalin ako ng realidad na wala na si Shina, sa alaala ko na lang makikita yung ngiting yun.

“Shina, I can’t keep my promise,” may kinuha ako mula sa bulsa ko tapos inilapag ko sa puntod niya, yung singsing. “You have my heart. I just can’t love another girl. You’re the only girl I want to be with everyday.”

Habang naglalakad ako sa pathway palabas ng sementeryo, may nakasabayan akong babae. Naka-hoodie nga din siya eh tapos naka-pajama. Reminds me of Shina when I first met her. Nung napatingin ako sa kanya, nagsisindi siya ng sigarilyo. Bakit ang dami na ngayong nagyoyosing babae?

Tapos bigla siyang napatingin sa akin.

“Gusto mo?” Iniabot niya yung pakete ng yosi pero umiling ako. “Wala ka naman sigurong asthma.”

Napahinto ako. Narinig ko na din yung mga yun dati ah.

“Uhm, may nasabi ba akong mali? ” huminto din siya sa paglalakad tapos napakamot siya sa ulo niya. “Ikaw si Jarred ng Rusty James noh?”

Nagulat ako pero hindi ko ipinakita tapos tumawa siya pero nung napansin niyang poker face pa din ako, tumigil siya tapos ngumiti na lang siya.

I saw that smile again... it’s been a very long time.

“Wag kang mag-alala, di ko ipagsisigawan na andito ka. Nakakaintindi ka naman ng Tagalog diba?” Tumango lang ako. “Dehins ko alam mag-english eh.”

Nakatingin pa din ako sa kanya. It’s the same impression I had with Shina then. Ang walastik lang. Nakakaewan lang. Hahaha.

“Sorry ah, pangkanto ang ugali ko eh. Nakakahiya naman sayo.” Itinapon niya yung yosi niya saka ipinunas niya yung kamay niya sa damit niya tapos iniabot sa akin sabay ngiti niya, “Ako nga pala si Shiela.”

© GirlWithPeculiarName

---------------------------------------------------

GWPN’S MESSAGE:

Salamat po sa pagbabasa kahit ang cliche na netong kwento. Alam kong napakawalang-kwenta kong feelingerang writer pero na-flattered akong may nagbabasa pala neto kaya sobrang salamat po. Akalain niyo yun, napagtiyagaan niyong basahin itong kwento? Congrats! Naka-survive ka sa ka-boring-an neto. Hahaha.

Sino bang in-love dyan? Taas kamay! I-enjoy niyo ang bawat segundong kasama niyo yung taong mahal niyo dahil baka mamaya... ipinagpalit ka na. Hahaha. Biro lang. Mga pards, di kasi natin alam ang buhay eh. Kung ayaw nating magsisi sa huli, ipakita natin sa mga taong mahalaga sa atin kung gaano natin sila kamahal. Aprub?

Salamat po ulit sa lahat ng nagbasa ng kwento nina Jarred at Shina. Dahil dyan, hinihiling ko sa mga mahuhulog na shooting stars na pagpalain kayo ng masayang love life. Hahaha. Kung crush life ang meron ka, eh di sana mapansin ka na ng crush mo. Basta galingan mo lang umarte kapag binangga mo siya. ^_^V 

THIS GIRL HAS GONE FAR AWAY (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon