TWO
I parked my car infront of an old two-storey house. Para siyang abandoned house. Ang dilim pa ng ilaw ng lamp post. Para lang akong nag-ghost hunting. Kung bakit ko pa kasi naisipang gabi pumunta dito. Tinignan ko ulit yung address at baka nagkakamali lang ako. 1061. Tinignan ko yung numerong isinulat sa gate gamit ang pintura, 1061.
Paano nabubuhay sa ganitong lugar si Shina?
I got curious when I found out that she is my fiancee. Hindi ko naman inakalang ‘yung nakilala kong babae sa presinto ay siya. Ewan, coincidence. So yun, kinuha ko yung address niya sa papa niya and he was so happy when he gave me. >.<
Nag-buzzer ako sa gate. Walang sumasagot. Nakailang buzzer pa ako bago lumabas mula sa bahay yung matabang matandang babae. “Aba, maghintay ka at naghuhugas ako ng pinggan.”
“Pasensya na po sa abala,” sabi ko nung makalapit siya sa akin. “Andyan po ba si Shina?”
Tinignan niya akong mabuti. “Sino ka? Parang ngayon lang kita nakitang bumisita dito.”
“Ah opo. Kaibigan po ako ni Shina,” sagot ko. We’re not friends, kakilala ko lang naman siya at nagkataong ipinagkasundo ako ng mga magulang ko sa kanya.
“Ah wala dito si Shina. Nasa restaurant yun, kumakayod. Eh nanakawan itong apartment namin kagabi. Nanakaw yuung mga ipinundar niya.”
“Saan po ba yung restaurant?” Tumingin sa akin ng maigi yung matandan. Mukha ba akong di mapagkakatiwalaan? >.<
“Paglabas mo ng kantong ito, diretsuhin mo hanggang sa highway. Tanungin mo na lang kung nasaan yung Lobel’s.” Nagpasalamat ako tapos umalis na.
Teka, bakit ko nga ba siya pupuntahan? Ewan, gusto ko lang. Kakausapin ko ba siya kung nagkita kami? Ano sanang sasabihin ko? Hayyy, ewan din. Basta, bigla na lang akong naging curious sa kanya. I just want to know her better. Para kapag nagpakasal kami, kilala ko na siya. Diba?
Ang weird ko. Hayyyy.
Pumasok ako sa resto. Medyo maraming-taong kumakain. Umupo ako sa medyo gilid, yung hindi masyadong nasisinagan ng ilaw. Hindi ko mahanap sa paligid si Shina. Tama ba talaga itong napuntahan ko?
“Sir, ano pong order niyo?” lumapit sa akin yung isang waitress na naka-uniform.
“Ahhhh ... dito ba nagtatrabaho si Shina?”
“Po? Si Shina po?” I nodded tapos ngumiti siya. “Opo sir. Maya-maya lang po magpeperform na siya.”
“Magpeperform?” Hindi kaya night club itong pinuntahan ko? At si Shina, magpeperform? O.O
“Yes sir, gitarista po siya dito. May mini-acoustic concert po siya dito kapag gabi,” ngiti niya ulit. “So ano pong order natin sir?”
“Do you serve beer?” Tumango siya. “Dalawa.”
Pagkaalis nung waitress, umilaw yung stage tapos may babaeng umakyat dun. Si Shina, may hawak na gitara. Umupo siya dun sa stool then she smiled to everyone. Nagcheer ang mga tao.
“Kamusta kayo dyan?” panimula niya. “Kung tapos na kayong magdinner, marami pa kaming alak dito. Maglasing muna kayo bago kayo umuwi. Gusto niyo ng yosi? Madami din kami nyan.”
Nagtawanan ang mga tao. Dumating yung order ko.
“Itong kantang ito, alam na alam niyo ito. Sabayan niyo lang ako. Ligaya by Eraserheads!” Naghiyawan ang mga tao tapos nagsimula na siyang tumugtog. Sinasabayan siya ng mga tao.
BINABASA MO ANG
THIS GIRL HAS GONE FAR AWAY (short story)
Cerita PendekAng pang-MMK na love story nina Jarred at Shina. This is a love story how love conquers all. :)))