SIX
“Aray!” napahawak ako sa gilid ng labi ko.
“Ayan ang napapala ng mga basagulero,” ibinaba ni Shina yung hawak niyang bulak. Nasa apartment niya kami ngayon, hindi niya ako pinauwi nang ikatid ko siya hangga’t di daw nagagamot ang mga sugat ko. “Ikaw ha, porque gagraduate ka na n highschool, ang angas angas mo na. Naku, sa susunod na makikipagbugbugan ka pa, bubugbugin din kita.”
“Sorry na Honey,” malapad akong nakangiti pero nakasimangot pa din siya.
Hayyy, eh kasi naman inabangan kami ni Maw sa daan. Kahit laging bilin ni Shina na wag ko na daw patulan eh ayun, nakapagsuntukan pa din ako. Na-late pang dumating yung back-up namin kaya medyo nabugbog kami. Syempre, nagalit si Shina nung nakita niya yung mga pasa ko. Paano daw kapag may nangyari sa akin? Hindi pa daw kami ikinakasal, mababalo na siya. >.<
“Sorry na talaga Honey,” niyakap ko siya.
“Si Maw, kamusta?” niligpit niya yung mga ginamit panlinis ng mga sugat ko.
“Nakauwi pa naman ng buhay sa kanila. Mas magaling pang umilag ng suntok yun sa akin.”
“Ikaw ha Jarred, pinag-alala mo ako. Akala ko na kung napaano ka,” nangingilid yung luha sa mga mata niya. “Kung makikipagbugbugan ka lang dyan, wag ka munang magpapakita sa akin ng ganyan. Ang dami-dami mong pasa oh. Hindi mo kasi alam ang nararamdaman ko---“
Kiniss ko siya sa lips pero dampi lang. ^____^V
“♫ Sorry na talaga sa aking nagawa. Tanggap ko na mali ako wag sanang magtampo. Sorry na. ♫ ”, niyakap ko siya ng mahigpit. “Sorry, pinag-alala kita. Sorry Honey, di na ito mauulit.”
Binatukan niya ako tapos malapad siyang ngumiti. “Pasalamat ka Jarred at mahal kita. Wag mo na akong paga-alalahanin ha?”
“Promise.” Kiniss ko ulit siya pero hindi na dampi syempre, bati na kami eh. Hahaha.
“Ikaw talaga. Halik ka ng halik. Naka-quota ka na. Hindi porque gagraduate ka na next year tapos ie-engage na tayo, kiss ka na ng kiss. Pero ayos lang. Hahaha. May naaalala ka ba ngayong araw na ito?” nakangiti pa din siya.
“Ha? Anong meron?” kamot ko sa ulo.
Tinalikuran niya ako. “Bahala ka na talaga sa buhay mo. Makipagsuntukan ka kung gusto mo. Do whatever you want.”
Natawa na lang ako. “Hindi ka na mabiro. Wala naman akong amnesia para makalimutan kong sixth monthsary natin diba?” May bigla akong isinuot na bracelet sa kanya. Napaharap siya sa akin, gulat na gulat tapos sobrang saya. “Sobrang mahal kita Shina.”
Tinignan niya yung bracelet.
“May kasama pa sana yang bouquet ng bulaklak kanina,” sabi ko. “Pero napagtripan nung hinarang kami ni Maw. Eh nagwala na ako nung sinira eh. Para sayo kaya yun tapos sisirain lang nung mga gagong yun.”
Nakita kong na-guilty siya. “Kaya ba nakipagbugbugan ka dahil sa bulaklak? Mas mahalaga namang ligtas ka eh.”
“Para kasi sayo yun eh. Dagdag surprise pa sana,” itinawa ko na lang. Ayoko namang sisihin niya ang sarili niya dahil sa pagkakabugbog namin ni Maw.
“Basta wag ka ng makikipagsuntukan ha. Ako talaga mismo susuntok sayo kapag nakipag-away ka pa. Teka, hindi ba mahal to?”
“Matagal ko ng pinag-ipunan yan. Ibibigay ko sana sa birthday mo next month pero may naisip akong mas magandang regalo.”

BINABASA MO ANG
THIS GIRL HAS GONE FAR AWAY (short story)
Cerita PendekAng pang-MMK na love story nina Jarred at Shina. This is a love story how love conquers all. :)))