Wala padin bago, at dahil sa isa akong dakilang estudyante, kaya papasok ako. Normal na umaga tulad kahapon buong saya kong binati ang lahat. Thats my way to start my day :). “nay alis na po ako” paalam ko kay nanay. Eto padin ako at ang glass shoes ko, sasakay sa karwaheng tulad kay cinderella, at papasok sa mababang paaralan ng san martin. “good morning ma’am!” bati ko habang papalakad sa corridor nakasalubong ko yung teacher namin sa math ata yun.
Pumasok na ako sa room namin, kaway kaway lang sa ibang kaclose ko habang papunta sa trono ko dun sa upuan kong malapit sa bintana. Nang makaupo nako sabay kalabit naman sakin ni ria. “ayos ha on time tayo ngayon, may homework ka na sa math?” tanong niya sakin, okay lang magdaldalan wala pa namang teacher eh. “math?! Aah diba 5 problems yun, sinubukan ko sagutan kaso grabe puputukan nako ng ugat sa utak, may sagot ako sa number 1 pero malay ko ba kung tama inabot ako dun ng isang oras” sagot ko kay ria. “loka ka, isang oras sa isang number iba ka! Teka meron nakong sagot kaso compare ko pa sa iba para sure” sabi naman ni ria, buti pa siya nasagutan niya yun, nag-aaral naman ako kaso anong magagawa ko kung hindi ako ganun kabilis pumick up lalo na math, ang slow ko na sige kayo na smart, tm ako eh. “buti ka pa paturo ako ha” yan nalang nasabi ko kay ria mabait yan tuturuan niya ko sa abot ng pasensya niya. Tumango nalang si ria kasi bigla ng dumating yung teacher namin.
Dumaan yung first 2 subjects namin, okay naman sakin, nakakasagot nga ako chaka nagtataas ako ng kamay, oh diba active to, sipag lang ang puhunan :). Eto na math na subject namin sunod neto science. Tsk yan ang mga tagilid ako eh! “okay class how to convert from decimal notation to scientific notation ” tanong ni ma’am cherry sa klase namin. Katahimikan ang namayani, aba mga walang nakakaalam, hehe ako din naman shhh!! Pero ano pa nga ba, sino bang niloko ko, sa kabila ng lahat may isang nagtaas ng kamay at alam kong alam niya ang sagot, bakit? Simple lang kasi matalino siya. “sige eric what do you think?” ayan tumayo siya at nagsasasagot, well ako nangalumbaba at super stare sakanya kulang nalang ata maglaway ako. Siya lang naman si eric ng buhay ko, isa siyang lalaki syempre! Nakasalamin siyang mejo malaki at makapal yung frame, yung buhok straight na bagsak, lagi yan may hawak ng makapal na libro. Shemay alam ko naman nerd siya at alam kong gets niyo nadin yun. Pero kahit ganyan yan gwapo siya hindi lang halata dahil nerd niyang porma pag inayusan yan sure ako boom na boom pak na pak mister pogi ang look niya, kaso dahil nga sa matalino siya nakakahiya lapitan ng slow na katulad ko, suplado pa siya, walang permanent friend yan dito, ang tahimik lang niya, minsan may mga nakikita akong kausap niya pero feel ko dahil lang yun sa mga quiz bee, o pangmatalinuhang usapan, crush ko na yan grade 6 palang, kaya laking tuwa ko classmate kami ngayon. Habang titig na titig ako sakanya hindi ko maiwasang kiligin waaahhh siya na sana yung prince ko, okay lang kahit siya palang at yung prince na nakasalamin na alam ko basta lakas ng crush ko jan, crush lang naman, bata pa kami noh alam ko ang limitasyon ko masama bang humanga kasi ang talino niya talaga.
Nawala ako sa pag momoment ng madinig ko ang pangalan ko “Miss manansala! Miss manansala! Kanina pa kita tinatawag if your brain is flying somewhere then wag ka nalang muna pumasok sa klase ko i need you all to be 100% present both mind and body” yan sabi ni ma’am shemayy nakakahiya tinatawanan tuloy ako ng mga kaklase ko nagsorry nalang ako kay ma’am sabi ko hindi mauulet, napatingin ako sa paligid ng mapatingin ako kay eric shocks nakakahiya nakatingin siya sakin nung magtagpo yung mata namin umiling lang siya nag tsk tapos humarap na ulet sa board. Ano ba yan bella manansala nakakahiya ka, bawas ganda points yan :(
Kkrrriinnnggggggg!!!!!! (school bell tumunog) yan buti nalang nagbell na hudyat para sa recess, wala na bella tapos na yun, next time bawi ka nalang. Nagpaalam na si ma’am at nagsitayuan nadin mga classmate namin kasi nga bibili na yan ng pagkain, kaso naalala ko may iaabot ako kay eric, waah bad timing pero ano pa ba sukatan lang ng tapang yan kahit aaminin ko sobra kong kaba. Kinuha ko kagad sa bag yung lolipop tinalian ko pa yun ng ribbon na blue then nakasabit yun maliit na papel may name ko at kay eric, congratulations lang naman yun nakalagay dun. Nanalo kasi siya sa contest kahapon kaya wala yan sa klase.
Iilan nalang kami natira dito sa room si ria ako, eric chaka yung 3 girl at isang bakla kong classmate mga ka close ko naman yun. “ria wait lang ha!” paalam ko sakanya dinalian ko na kasi palabas na ng room si eric. “eric sandali” sabi ko nakatalikod na kasi siya ready to exit na,huminto siya sabay harap sakin shemay slow mo yung pagharap kinakabahan ako sobrang lakas ng loob to’. Eto ako hawak yung lolipop gamit dalawa kong kamay habang nakastrech sakanya at nakayuko, pagtingala ko, nakatingin lang siya sakin. Eto na to bella wala ng atrasan. “ahmm eric bigay ko sayo, lolipop masarap yan isa yan sa favorite ko eh, congrats pala sa pagkapanalo mo kahapon” sinabi ko yan with a big smile pero siya poker face.
Tsk. Yan lang ang nadinig ko then hinablot lang niya yung lolipop nilagay sa bulsa para bang napilitan, walng energy or emotions then yun lumabas na siya. Nakakalungkot :( okay lang yan bella atlis tinanggap niya diba kesa naman sa binato niya yun sa harapan mo o kaya tuluyan ka nalang dinedma. Ayun nga bumalik nako kay ria at parang trying hard ang peg maipakitang okay lang ako.
“alam kong hindi ka okay bella, bakit kasi chagang chaga ka jan kay eric eh daig pa non ang babae pag PMS” sabi sakin ni ria habang nakaupo kami dito sa bench. Malalim na buntong hininga yung lumabas sakin hayy buhay parang life. “ano ka ba tinanggap naman niya okay nako dun :)”sabi ko with pilit na smile. “tinanggap nga nya eh nagthank you ba, tsk kapal ha” sabi ni ria. “okay nga lang wag na natin pag-usapan okay alam mo naman kung bakit tapos ganyan ka pa jan” tumahimik nalang si ria at kumain, well alam naman niya na crush ko yung si eric crush lang chaka alam na alam niyang gusto ko maging friends kami ni eric kaya kahit ganun yun, wapakels.
After ng mahaba at nakakalungkot na araw ayun umuwe na kami ni ria, pagdating ko sa bahay ginawa ko yung mga dapat gawin, linis ng katawan, gawa homework, tulong sa gawaing bahay. Jan natapos ang araw ko.
BINABASA MO ANG
I am a Princess
Fiksi Remajabreak muna sa mga serious lovestory, lets try the lighter side. so if you want that then read this. a puppy love story of two young people as they live and find the answer to the question do happy endings and fairytales exist?