Chapter 6

2 0 0
                                    

Chapter 6

Kahit papano nakaisip na ko ng bongga para sa painting. Yung kulay nalang tatanungin ko si eric kung okay sakanya. Gabi na ngayon tapos ko na lahat ng homeworks ko at naisipan ko magbukas ng FB sa phone. Hay hindi padin ako makapaniwala na kami ang partner nyahaha :) nanlaki ang mata ko! Pano kasi online si eric sa FB siggeee machat ko nga.

Bella: Hello eric good evening si bella to yung partner mo sa painting activity :)

Anuberrr ang tagal naman niya magreply...after 10 minutes harujuskoow ayan..

eric is typing

Eric: bakit?

Echosseerrrooo anung hindi kaya ko kaya, hayy bella be nice si eric yan just keep your thoughts i mind

Bella: itatanung ko lang kung okay na ba sayo na color blablabla yung gagamitin ko sa painting?

Eric: pwede na

Kinilig naman si bella, laking tuwa talaga niya nakakausap niya si eric. Kahit na man of few words ang peg nito

Bella: sige salamat

Pero bago pa niya ma-enter yun ay nag log out na si eric :(

Ayy nag out na siya sayang hindi man lang humaba yung convo namin.

Kinabukasan sa Paaralan ng San Martin. . . . . .

Wala namang masyadong bago, normal na araw para sa isang normal na estudyanteng katulad ko. Pero proud ako na active padin ako sa lahat ng subjects ko, naperfect ko nga yung quiz sa science kanina kahit na 15 items lang yun perfect padin nyahaha!!

Kung tatanungin niyo ko malapit ko na matapos yung painting kasi sa wed ibibgay ko na yun kay eric at gagawan pa niya ng paragraph ekek yun. Work with love ang gawa ko kaya sana the best yun.

Krrrrriiiiinggggggg!!!!!!!!!!!!! Tapos na ang klase uwian na kasabay ko pauwi si ria naglalakad na kami palabas ng school ng may biglang tumawag sakanya “ ria sandali lang hintay!” abahh anong kailangan sakanya ni justine. Huminto naman kami at kinausap siya ni ria “oh bakit?” bakit parang iritable naman ng konti ang sagot ng lukaret na to. “wag ka muna umuwi gawin natin yung project natin sige na” sabi ni justine sakanya. “tsk!” yan ang mahabang sagot ni ria kaya nagsalita nako “sige na ria ang tamad mo gawin niyo na yan si justine pala partner mo eh, uuna nalang ako ingat ka” sabi ko kay ria kaya ayun naglakad nako mag-isa.

Malapit nadin lumubog ang araw, pero hindi naman delikado para sakin, friends ko kaya yung mga pedicab driver chaka ibang tindero may back up ako in case haha. Nung palakad na siya papunta sa playgorund sa likod yun ng simbahan medyo tago yun madadaanan kasi ito pauwe sakanila. Napansin niya na may tatlong lalaki nasa edad 17 ata na uupakan yung isang lalaki na nakasalampak dun sa lapag tapos nakayuko.

“tsk kawawa naman si kuya, isa lang siya tapos tatlo yung mga epal na yun at mukhang kasing edad ko lang siya laban dun sa mga mas nakakatandang epal. Teka konsensya ko to, tutulungan ko na” yan nalang nasabi ko sa sarili ko pero mahina lang kaya ayun naglakad ako ng may ingat papalapit at nagtago ng konti sa slide malapit yun sakanila hindi nila ako kita kasi nakatalikod sila sakin, huh may hawak kaya ako kahoy nakita ko sa gilid. Tapos yun naghintay ako ng timing at nakinig nadin sa pinag-uusapan nila.

Epal 1: oh ano matigas ka eh, kung hindi ka nanlaban at binigay mo nalang ang wallet mo tsk!

Epal 2: edi sana hindi ka pa nasaktan! Weak.

Epal 3: tara na ang dami niyong satsat eh na sa atin na yung wallet oh

Boy: akin na yan ibalik niyo sakin yan!

Epal 2: aba may gana ka pa magsalita ha

Nung susuntukin ulet nung mga epal yung lalaki pinalo ko na sa likod yung dalawang epal isa nalang natira ayun kiniss na nung dalawang epal yung floor. 2 down 1 to go. Kaso O-ow!! “aba sino ka bang pakielamera ka ang tapang mo naman miss” nung gagantihan nako nung epal na yun napigilan siya nung lalaki sa paa nung susuntukin na siya biglang dumating ang isang malaking lalaki na may malaking muscles aba si mang kanor to ah tindero yan ng karne sa palengke suki ako nun kaya malaking muscles nun pano buhat ng buhat. Binitbit niya yung mga epal na lalaki at nagpaalam sakin na idederecho niya sa baranggay. Huh buti nga sakanila “salamat mang kanor” yan nalang nasabi ko habang naglalakad na siya palayo.

Pinuntahan ko na yung lalaki na pinagtulungan dala ang wallet niya. “kuya kaya mo pa ba? Eto yung wallet mo oh!” sabi ko sakanya, pero laking gulat ko nung pagtingala nung lalaki si eric pala o_o

"eric nako ikaw pala yan tara upo tayo dun” inakay ko siya paupo dun sa may swing. Mukha naman medyo okay na siya pasa at gasgas nalang ang masakit sakanya pero may sugat siya sa bandang kilay at kabilang pisngi. Kinuha ko yung mineral water sa bag ko kay ria yun eh binili niya kanina hindi pa yun bawas eh naiwan niya sakin kaya eto pinainom ko kay eric “oh eric inom ka muna ng tubig oh gamutin natin yang gasgas at sugat mo” hindi siya kumikibo pero ininom niya yung tubig, buti nalang may dala akong first aid kit kanina para kasi yun sa mapeh class under health oh diba girls scout. Kinuh ako yung bimpo sa bag ko at binasa yung ng koniting tubig at pinunasan yung mga sugat at gasgas niya chaka ko nilagyan ng betadine at band aid, nung ginagamot ko na yung sa mukha niya nakatingin lang siya sakin nawal nga sa isip ko na dapat kinikilig nako ewan ko ba “ouch!” daing ni eric. “ay sorry dahandahanin ko nalang” sagot ko sakanya at busy ako sa paggamot ng sugat niya. “ayan tapos na” sabi ko kay eric with all smiles then nag iwas lang ng tinggin sabay sabing “salamat”. Yiii eto na tinatablan nako ng kilig “ah wala yun ok na ba pakiramdam mo?” sabi ko sakanya habng nililigpit ko yung first aid. “oo” yung lang sagot niya sakin.

Okay na lahat nakaupo kami dito sa swing at nakatingin sa malayo, binasag ko ang katahimikan “dapat eric hindi kana nanlaban hinayaan mo nalang yung walllet mo kesa ayan napaaway ka” hindi siya agad sumagot “importante sakin ang laman non at hindi yung pera”. Napatingin ako sakanya “sabagay kung talagang importante ang isang bagay dapat nga talaga ipaglaban” with smiles. Umiwas nanaman siya ng tinggin “tsk tara na umuwe ka na din madilim na oh” sabi niya sakin at yun nga una siyang naglakad sakin sumigaw nalang ako ng “ingat ka babye” at tinaas lang niya ang isa niyang kamay habang nakatalikod.

I am a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon