Chapter 3

12 0 0
                                    

ERIC POV

Tsk, Eric Sanchez, first year 13 years old, matalino, suplado, tahimik. Alam ko naman, ganyan talaga ako, gusto ko ng katahimikan, nag-aaral ako sa mababang paaralan ng san martin, public siya oo, mayaman kami pero hindi naman aabot sa punto na may ari kami ng naglalakihan hotel atbp. May business ang mga magulang ko at sapat na yun. Nagtataka siguro kayo kung bakit kahit mayaman kami sa public lang ako. Ako rin naman ang may gusto para san pa at papasok ako sa pribado at magandang paaralan kung alam ko sa sarili ko na huling taon ko na to sa pilipinas, grade 5 ako ng malaman ko aalis kami pagkalipas ng 2 taon at magstay sa newyork for good, kung kelan naman ineenjoy ko ang pagkabata ko, madami naman akong kalaro sa dati kong school pero nung nalaman ko yun, nalungkot ako, iiwan ko din naman sila para san pa ang lahat. Kaya after nun lumipat nako sa public, naging mailap ako sa tao sa paligid ko, yan ang dahilan kung bakit wala akong kaibigan sa school ko ngayon ayokong maattach sa mga taong alam kong iiwanan ko din masasaktan lang kami pareho.

Feeling ko kasi para san pang nag-iipon ka ng pera kung sa huli alam mo naman palang nanakawin lang din. Parang ganyan feeling ko bakit ko pa kailangan mag effort eh temporary lang naman ang lahat ng to’ sa newyork talaga iikot ang buhay ko pag nag kataon makaalis na kami dahil sa business ng mga magulang ko. Nakuntento nalang ako sa pagbabasa ng libro, mag-aral, sumali sa quiz bee, at computer.

Nandito na ko ngayon sa bahay, walang nakakaalam sa school namin na mayaman ako, hindi ko naman tinatago, hindi ko rin naman pinamumukha sakanila, simple lang din naman kasi ako tulad nung mga normal dun kaya walang nakakahalata na angat ako compared sakanila. Nakahiga ako sa kama, pahinga lang ng konti, pero biglang sumagi sa isip ko yung classmate ko kanina, ano nga pangalan nun magdayao? Mandaluyong? Ahmm ayun manansala yun yung tawag ni ma’am sakanya kanina. Wala naman kasi akong paki sa name ng mga kaklase ko sus. Nahuli ko siya kanina titig na titig sakin, hay nako eh kung nag-aaral siya ng hindi niya napapahiya kaines ayoko sa low i.q na tao.

Hindi nako nagulat nung binigyan niya ko ng lolipop kanina, congrats daw kasi nanalo ako. Ok lang naman ang lolipop kaya tinanggap ko. Balato ko na sakanya mamaya umiyak pa yun konsensya ko pa. alam kong ang unmannered naman nung ginawa ko pero masisi niyo ba ako kalingan kong bakuran ang sarili ko, ayoko ma-attach sa mga tao masasaktan ko lang sila dahil iiwan ko din naman sila.

Pero kanina hindi ko sadyang marinig yung pinag-uusapan nila malapit kasi yung bench sa bintana nung quiz bee center eh nagkataon na andun ako kasi may inaasikaso ako kaya narinig ko. Bakit parang ang guilty ko naman. Tsk eric wag mo na pansinin dedma nalang.

I am a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon