Chapter 4
Dumaan ang 3 araw, normal lang ang lahat papasok sa school, uuwe, at ngayon hindi ko na naiisip yung nangyari samin ni eric balik na ulet ako sa jolly bella, bakit ba !! ang mga princess na katulad ko dapat hindi nalulungkot ng matagal, ganda ko para malungkot (author: ehem tumaas naman ata confidence level mo bella) ganyan talaga author ako din naman ang dapat nagbubuhat ng sarili kong bangko hahaha :) walang klase ngayon pero na sa school kami nila ria chaka ilan sa mga classmate ko dinedesign namin yun wall dito, well im proud kahit slow ako sa math at science, pagdating sa arts, drawing, design keribles ko yan magaling ako sa field na yun, biniyayaan ako ni lord ng creativity :)
Break kami ngayon aba nakakapagod din ang magpinta ng pader ha. Nakaupo kami ni ria sa bench dito, yung mga kasama namin wala bumili ng mga chibog. Tahimik lang akong umiinom ng palamig, si ria naman panay ang kwento about sa movie na pinanuod niya, movie addict tong babae nato eh. “ tapos grabe yung bidang babae taray lang ang brave ginawa niya lahat para maging friends sila nung leading man niya kahit yung leading man gangster, the best yun haha” yan kwento pa ni ria. Bigla ako napaisip
(ting !! light bulb) napatayo ako sabay sabing “tama!!”. Nagtataka si ria “anong tama?” binaling ko yung atensyon ko sakanya “ang smart mo talaga ria, binigyan mo ko ng idea :)” sabi ko. “ uhhh? Anong idea?” tanong ni ria. “simula sa Monday pagpasok gagawin ko ang lahat, maging friends lang kami ni eric, titiisin ko yung kasupladuhan niya kung yun ang tanging paraan, kung kailangan nakabuntot ako sakanya palagi gagawin ko” ayan ang mahiwaga kong speech pero enggk! Binatukan lang ako ni ria “ang dami mong alam, kala ko kung ano na, bilib naman ako sa confidence mo, bahala ka, kahit naman sino kaibiganin mo okay lang sakin hindi ako selosa, may bond tayong dalawa na kahit hindi tayo laging magkasama alam ko kampi tayo, pero bago ang lahat mag-aral ka muna mabuti, parang ayaw ni eric sa babaeng slow eh” kanies tong si ria ang sama hindi nga ako matalino, pero masipag naman ako ah. Pero may point siya ang talino kasi ni eric huhuhu :( laslas na. pero para sa friendship na gusto ko mag-aarala ako mabuti para sa sarili ko at sakanya hohoho ....(*o*)/.....
So tatawagin ko tong operation be friend with my prince :))))
Nag-aaral ako ngayon weekend nag advance study pa kaya ready ako ngayon noh.
Monday na ngayon gotta go to school na, same old jolly bella here. Nanaginip ako kagabi ako daw si sleeping beauty then parating na yung prince na gigising sakin and si eric yun kyaahhh!! ..Echosera!! Duh! bella as if naman noh. Pero nevermind panaginip lang yun pag bigyan na. math subject na ulet, wag kayo active ako naka-ilang taas din ako ng kamay haha so great. Meron pa nga kanina nag pasagot si mam ng problem on board kami ni eric yung sumagot tig isa kami. Hayy kahit inabot ako ng 10 mins dun sa board at si eric jusko dayy 2 minutes lang ata. Keribels yan, wapakels naniniwala ako sa kasabihang slowy but surely boom!
Pagka-upo ko sa upuan ko, kinalabit ako ni ria. “aba seryoso ka talaga jan ha, pero ayos improving ka na :)” bulong niya sakin ngiting ngiti naman ako. Dumaan ang 2 araw na lahat ng subject ko nag paparticipate talaga ako, oh diba yan ang nagagawa ng inspired! =”> sana napapansin ni eric yung improvement ko huhu cross fingers sana talaga.
BINABASA MO ANG
I am a Princess
Fiksi Remajabreak muna sa mga serious lovestory, lets try the lighter side. so if you want that then read this. a puppy love story of two young people as they live and find the answer to the question do happy endings and fairytales exist?