Chapter 8

1 0 0
                                    

Chapter 8

ERIC POV

Alam naman natin na mayaman kami kumpara kela bella, syempre kayo lang mga readers, si author, at ako ang nakaka-alam nun. At dahil sa maganda naman yung painting ni bella at success yung project namin ako na ang nagbayad nung iba pang kinain namin, nakakahiya man aminin ako yung mas madaming nakain tingi lang yung kay bea kaya mura lang nagastos ko sakaniya chaka kahit suplado ako alam ko na lalaki padin ang dapat magbayad noh.

Ayun nga hindi ko na idedetalye pa yung buong food trip namin pero magshare ako ng ilan. After namin sa fishballs, hinatak niya ko sa palamig madami pagpipilian may gulaman, buko pandan, coffee jelly, buko, orange juice.

“manong isa nga pong buko pandan, eric ikaw pili kana ano gusto mo?” tanong sakin ni bella since hindi ako pamilyar ginaya ko nalang din yung sakanya well masarap naman. Nung aabot ko na ni bella yung bayad inunahan ko ng mag abot kay manong ng bente para wala ng sukli sukli.

“teka eric eto na yung 10 oh !” pilit sakin ni bella pero hindi ko siya pinansin, iniinom ko lang yung palamig ko hangang sa nafeel niya siguro na dedma ako sakanya kaya iniba niya yung topic.

“oh ano kaya pa ng chan mo? Tara sa dirty ice cream naman tayo” aya ni bella sunod lang ako kung san siya nagtuturo. Tulad kanina inunahan ko siya mag abot ng bayad. Nag sorbetes kami, dun pamilyar pa akong kanin, tapos pahinga konti, nag scramble naman kami chaka yung mais na may cheese, tapos nun naglibang lang sandali hangang sa napdpad kami sa ihaw-ihaw sinubukan ko yung isaw chaka tenga may masarap siya ha lalo na pag sinawsaw sa suka pero sabi ni bella wag ko daw dadalasan kain nun kasi masama din pag nasobrahan.

Basta nag enjoy ko sa food trip na yon, karamihan first time ko lang matikman, salamat kay bella. Grabe ang saya lang to be with her, ang gaan na ng pakiramdam ko sakaniya. Matapos ang food trip bumalik na kami sa school malapit na mag 5pm naupo kami sa isang bench habang umiinom ng mineral water kanina pa kami tira ng tira ng matamis mahirap na ma-diabetes.

Katahimikan yan ang nangyari nung naka-upo kami at maya maya lang nagsimulang magsalita tong si bella, what do you expect from her hindi niya ata kaya tumahimik sa loob ng 30 mins. Blabla. Ayoko na idetalye yung pinag usapan namin pero nagtaka ako na hindi ako iritado sa kakatanung at kakakwento niya, actually sinasagot ko pa yung ilang tanung niya sakin. Weird of me.

Maya maya lang tumunog phone niya. “hello---talaga tapos na---oo nakaupo ako sa bench dito—sige pupunta nako bye” yan may kausap si bella sa phone samantalang ako nakatingin lang sa malayo habang siya bigla ng tumayo.

“ah eric tumawag na si ria eh tapos na daw sila magpresent uuwe na kami puntahan ko na siya ha, salamat nga pala sa oras at sa libre kahit ayaw mo aminin na libre yon” sabi ni bella sus kung makangiti naman to’

“geh” yan lang sagot ko sabay nod hangang tumalikod na siya at naglakad nang humarap sakin at kumaway ulit chaka tuluyang lumakad. Habang sinusudan ko siya ng tingin nasabi ko nalang sa sarili ko “sa nangayari ba ngayon magkaibigan na ba kami? Dapat ko bang hayaang may pumasok na bagong tao sa buhay ko?” ahhh hindi ko alam, basta masaya siyang kasama nakakalimot ako sa pag alis ko yun ang sigurado ako.

BELLA POV

Ok paano ba ito, hindi ko alam kung san magsisimula grabe lang yung nangyari hindi ako makapaniwala, buti nalang nilakasan ko yung loob ko ayain siya kung hindi wala ng mangyayari sa operation be friend with my prince.

Basta yun nag food trip kami kung san san, grabe lang madami dami din siyang nakain ha. PG lang haha :D

Pero ang pinagtataka ko inuunahan niya ako magbayad sa mga kinainan namin, pag inaabot ko yung bayad ko sakanya dinidedma ako. Ayoko naman kulitin baka magalit sakin at mag walk out kaya hinayaan ko nalang, mamaya nalang siguro pag tapos na kami mag food trip.

Malapit nadin 5pm kaya bumalik na kami ng school, alam kong bawal kami lumabas ng campus pero halerr sa tapat lang yun ng school ilang tawid lang basta malapit lang ilang lakad lang chaka bumalik naman kami ulet sa loob kaya huehue wala ng makakahalata nun.

Umupo kami sa isa sa mga bench dito, grabe katahimikan...common bella isip ka ng mapag uusapan baka sabihin ang boring mo kasama.

“ahhm eric magkano lahat ng nakain ko babayadan ko na” pero poker face lang siya at hinarap ako “bakit sinabi ko bang bayadan mo?”

“eh kung ganon nilibre mo pala ako wow ha thank you” sabi ko naman.

“sinong may sabing nilibre kita, hindi libre yun” –eric

“eh kung hindi libre yun anong tawag don?” -ako

“wala, wag kang makulit” –eric

So ayun nga hindi ko nalang siya kinulit about dun pero since sumsagot naman siya sa mga tanong ko lubusin ko na.

“eric alam ang galing mo kanina grabe, chaka alam mo sobrang saya ko ngayon kasi kahit papano kinakausap mo ako, nakakahiya lang alam kong hindi naman ako katalinuhang student dito compare sayo at sa mga nakakasama mo sa quiz bee” pero nakatingin lang siya sa malayo, kahit ganon alam kong naririnig niya ako, ganito lang kami nag uusap pero hindi magkaharap.

“anong favorite color mo?” –ako     “ grey”  -eric

“mahilig ka ba sa games?”  -ako    “oo” –eric

Hay bella ano ba yan mga tinatanung mo nakakahiya ka, pero ok nadin atlis may alam na ko sakaniya mahilig siya color grey at games.

“ahm eric alam ko medyo personal to pero bakit mailap ka sa mga classmates natin hindi ka masyado nakikipag friends?” –ako

Pero hindi siya sumagot hangang sa tumunog yung phone ko si ria tumatawag . “hello---talaga tapos na---oo nakaupo ako sa bench dito—sige pupunta nako bye”. Kaya ayan hindi na nasagot ni eric pero ok nadin parang mulagpas nako sa limit ko, sumobrang tanong ata.

Tumayo nako at magpapaalam sakanya “ah eric tumawag na si ria eh tapos na daw sila magpresent uuwe na kami puntahan ko na siya ha, salamat nga pala sa oras at sa libre kahit ayaw mo aminin na libre yon” with all smiles pa yan uy :)

“geh” yan lang sagot ni eric with nod naman improving kesa pinopoker face lang niya ako tinitignan atlis may voice na oha. !! after ko magpaalam kumaway pa ako ulet chaka tuluyan ng pinuntahan si ria.

RIA POV

Tinawagan ko na si bella uwe na kami ayoko na magtagal pa dito kasama ang justine na to’. Okay naman presentation namin sa wakas tapos nadin, makakapagrelax na ako. Maya maya lang.....

“rrrrriiiiiiiyyyyyyaaaaahhh” si bella ayan na kaso nung meron sa babaeng to nasapian ata parang nalutang lang oh.

“oh anyare sayo tara uwe na tayo gusto ko na magpahinga” –ako

“eh madami ako kwento sayo, nag food trip kami ng prince ko emerged” –bella

“wow ha na-ifood trip mo yung supladong yun, galing mo din ah, tsk ewan ko ba kung pano mo napapag chagaan yun ang pipe naman minsan” –ako

“hoy ano ka improving na siya no kahit paisa isa nag sasalita siya at sinasagot niya yung mga tanong ko” –bella habang kinikilig pa

“talaga lang ha?” –ako

“oo kaya, ahem favorite niya ang color grey at mahilig siya sa games” –bella

“aba aba getting to know each other ang peg ah, sana pinaulanan muna ng tanong sa slum book nahiya ka pa eh!” –ako

“eeh basta ang saya nafifeel ko magiging success ang operation na ituu, chaka alam mo ba bessy siya yung nagbayad kahit ayaw pa niya aminin na libre niya yun” –bella with matching inaalog pa ako at syempre kinikilig.

“naku tara na umuwe na talaga tayo at mukhang malakas yang kilig after shock mo” –ako

“eee sige na nga tere ne” –bella

I am a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon