Chapter 9

5 0 0
                                    

Chapter 9

Masaya ang araw ko, alam niyo nanaman siguro kung bakit :)

“nanay nandito na po ako!” bati ko sakanila pagdating ko sa bahay pero may kakaiba. Oo binabati naman nila ako pabalik pero parang may mali lalo na kay nanay, para siyang malungkot at may tinatago sakin.

“nay may problema po ba?” tanong ko kay nanay.

“wala naman nak sige maglinis kana ng katawan, tapos baba kana para makakain kana” yan lang sagot ni nanay kaya pumunta nako sa kwarto.

Habang nasa kwarto ako at nagbibihis aksidente kong nabunggo yung picture frame sa table. Pinulot ko yun at tinignan, napangiti ako. Si lola mercedes kasama ako at ang iba ko pang pinsan,ang saya namin sa picture na to’ tanda ko kinuhanan to last year nung 59th wedding anniversary nila ni lolo luis, malungkot man na kahit wala na si lolo 3 years ago, sinicelebrate padin ni lola mercedes ang anniversary nila ganyan katatag ang love nila sa isat-isa.

“hayy sa december break nga dadalawin ko ang favorite kong lola, namiss ko na din siya chaka namiss ko na din yung pancit niya, best pancit tinalo pa yung pancit ni aling betchay haha :)” binalik ko na yung picture sa dati niyang lugar at bumaba para kumain.

Pagbaba ko naghuhugas si nanay ng pinggan. nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng maalala ko. “ay nanay ilang buwan nalang din at malapit na magdecember break dadalawin ko sila lola mercedes sa probinsya ha, namiss ko na ang pancit ni mercedes haha :D” banggit ko kay nanay habang natawa pa, yung kasi ang bansag ko sa pancit ni lola.

Pero natigilan si nanay, nagkatinginan sila ni tatay na kasalukuyan nagkakabit ng gasul sa ilalim ng kalan medyo magkakalapit lang kami dahil ang mesa ay banda din sa kusina kung nsan andun ang lutuan at lababo. Nagtaka ako sa reaksyong ginawa ni nanay at tatay. Tama talaga ako ng hinala may mali talaga sakanila.

Maya-maya pa’t umupo si nanay sa tapat ko. “nak may sasabihin ang nanay, pero sana wag ka magalit na hindi ko agad nasabi sayo, mahirap din sa para sakin dahil hindi ko din alam kung pano sasabihin sayo alam ko kung gaano siya kaimportante sayo pero...” naputol ang sabi ni nanay dahil sa paghikbi niya. Hindi na talaga ako makatiis.

“pero ano nay?” tanong ko kay nanay hindi maganda ang pakiramdam ko sa nangyayari.

“pero kasi ang lola mercedes mo pumanaw kaninang madaling araw” sabi sakin ni nanay.

Nanlamig ako, parang umrong ang dila ko, nabuhusan ng yelo, nanigas at napatulala. Hindi ko ma-explain halo halong emosyon. Pero sa kabila ng yon parang hindi ko matanggap. “ano nay pakiulit nga baka nabibingi lang ako, ano ba tong tenga ko madumi na ata” yan ang nasabi ko kay nanay.

Naluluha si nanay kahit anong pigil niya may tumatakas padin na luha sa kanyang mga mata. “pumanaw na si nanay mercedes sabi sakin ng tito mo mabuti naman si inay pero netong mga nakaraang araw daw kahit hindi man sabihin ni inay napapansin ng tito mo ang pagtitig nito sa larawan ni itay luis, siguro nga namiss na niya ito, pero pagkatapos ng dalawang araw ng sabihin sakin yun ng tito mo, ay ito pumanaw na nga si inay natulog ito at hindi na gumising pa” wala akong nagawa kundi ang umiyak, parang kanina lang tuwang tuwa pa ako alalahanin si lola tapos eto ang malalaman ko.

Habang nag iiyakan kami nila nanay, lumapit si tatay upang yakapin at damayan si nanay. “sa susunod na araw ay uuwi tayo ng probinsya para sa lola mo, kaya meron ka pang bukas para masabihan ang guro mo na aabsent ka ng ilang araw” sabi ni tatay sakin tango lang ang naisagot ko sakanya.

Lumipas ang gabi na sobrang lungkot nakahiga ako dito sa kama at hawak ang picture namin kanina, buti nalang walang kaming homework kasi alam ko wala din ako sa konsentrasyon para magawa ang mga iyon. Hangang sa nakatulugan ko na ang kalungkutan pero tumigil nadin ako sa pag-iyak.

I am a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon