AIRI"Ano pong color?"
"Color black po"
"Sige po, Ms. Airi, ihahanda ko lang po yung mga gamit" tumango naman ako habang nagscroll sa ig. Nandito ako ngayon sa isang salon at nagpapakulay na. Kasalukuyan akong nanonood ng mga videos about makeup. Balak ko kasing ibahin yung makeup ko, gagawin kong light yung makeup ko, madalas kasi dark okaya smokey. Madalang na madalang lang siguro ako maglight.
Pinindot ko naman yung parang explore yung sa tabi ng home, nagscroll lang ako ng nagscroll ng makakita ako ng mga pictures ko na puro stolen, yung iba namang magaganda ay binigyan ko ng heart. Habang nagsscroll, may napansin akong picture ko tas meron pang isang picture na lalake. Inopen ko yung at binasa yung nasa caption.
shihoshi Hoshi said in the interview that his ideal type is Park Airi! Omg I like Park Airi! Well, who doesn't? Nevermind the haters, they're just insecure 'coz Airi is a goddess❤ AiShi fighting! 💓
asuuen omg i'm starting to like them!
View 12345 more commentsNakatag pala ako dito? Sinong hoshi? Japanese? Tinignan ko naman yung lalake, mukha namang di masyadong japanese? Cute naman siya.
Nagscroll pa ako at madaming ganun yung mga napost, yung tungkol interview nung hoshi. Ilang minuto ay bumalik na yung babaeng nagtanong sakin, nandito ako sa may VIP room since dito ako dinala nung babae.
"Oo nga pala, ako pala si Ali Perez, owner neto. At dahil fan mo ako, ako na magkukulay ng buhok mo" masaya niyang sabi.
"Ay hahaha thank you! Sige" sabi ko at ngumiti. Ngumiti din naman siyang pabalik tsaka na niya sinimula yung pagkulay. Nagkwentuhan naman kami at masaya siyang kausap, promise.
"Oo nga pala, bakit ka pala magpapakulay? Ang ganda kaya ng buhok mo" sabi niya.
"Huwag mo pagsasabi ah? Magbabakasyon kasi ako saglit at para walang makakilala sakin kasi alam naman nilang iba kulay buhok ko, di nila ako marerecognize" tumango naman siya at pinagpatuloy na yung pagkulay. Bigla namang nagring yung phone ko kaya kinuha ko ito at sinagot.
"Hello?"
"Airiiiiii! I miss youuuuu" tinignan ko naman kung sino yung tumawag at si Bryan.
"Bakit?"
"Eyyyy bakit agad? Wala man lang I miss you tooo?" naiimagine kong nakapout tong bibeng to.
"Wala"
"Bat ang dry mooooo? Anyways, nasan ka?"
"Salon"
"Kain tayooo sa labaaas"
"I can't. Pagkatapos ko dito, madami pa akong aayusin sa bahay"
"O edi sa condo mo nalang tayo kumaiiiin"
"Okay"
"Byeee Loveee! See youuuu! Ilooooveeee-" hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya't pinatay ko na yung phone ko.
"Sorry po sa pagiging chismosa ko pero kayo po ba ni Bryan Mercado?" Tanong ni Ali sakin. Umiling naman ako.
"Hindi. Ganyan lang talaga kami"
"Parang kayo po! Bagay na bagay po kayo promise!" Nagsmile nalang ako sakanya. Ilang oras ay natapos na.
"Wow! Bagay na bagay po sainyo yung black! Well lahat pala bagay sayo. You're seriously a goddess!" pagpupuri sakin ni Ali. Nakatingin naman ako sa sarili ko sa harap ng salamin at oo nga, mukhang bumagay naman sakin at medyo nagiba yung itsura ko? Or di lang ako sanay na nakikitang black yung buhok ko? Madami na akong natry na ibang kulay pero di pa ako nagblack, yung natural kong buhok ay color dark brown.
Binigay ko na yung bayad kay Ali kasi sabi niya na siya nalang daw magbabayad kasi daw madami daw tao sa labas ng VIP room. Sa likod na din ako lumabas kasi may daan din dun kaya nakauwi ako ng mabilis.
Pagkapasok ko ng kwarto, nakita ko na si Bryan na nakaupo sa kama ko't nagpipicture. Nakita naman ako ni Bryan kaya basta nalang niya nilapag yung phone niya at sinalubungan ako ng yakap.
"Waaaaaah Airiiiii! Huwag mo na ako iwaaaaaaan! Mamimiss kitaaaaaaaaa"
"Ano ba Bryan? Parang kang bata. Saglit lang naman ako dun. Kung kailan ko gusto umuwi, uuwi ako basta di lalagpas ng 5 months" kinalas ko naman yung pagkakayakap niya kaya kita ko yung malabibeng niyang bibig.
"Mag-oorder ba tayo o magluluto ka?" pagtatanong ko.
"Mag order nalang tayo. Anong gusto mo?"
"Namiss ko na kumain sa Mcdo. Mcdo Double cheeseburger tsaka bff fries at coke float nalang akin" tumawag na siya sa mcdo at nagorder na din siya ng para samin. Humiga naman ako tsaka pumikit. Bukas na yung alis ko. Mamaya mag aayos na ako ng gamit. Naramdaman kong lumubog yung sa side kaya ibig sabihin ay umupo siya. Binukas ko yung mga mata ko't tumingin sa kanya. Nakahiga yung kalahati niyang katawan habang nakasandal sa edge ng kama yung kalahati. Ipinikit ko na ulit yung mga mata ko.
"Halika nga dito" sabi niya. Tinignan ko naman siya at parang nakahanda na yung mga kamay niya para yumakap. Gumapang ako papunta sakanya at humiga sa dibdib niya. Niyakap naman niya ako ng mahigpit.
"Hayyy ilang months ka ba dun? Mamimiss kitaa"
"Saglit lang ako dun, bibisitahin ko lang sina eomma"
"Huwag kang maghahanap dun ah!"
"Baliw hahaha" tumingin naman ako sakanya at napatigil ng makitang seryoso ang mukha niya.
"Totoo. Huwag kang maghahanap dun kasi nandito naman kami nina ate anne, baka makahanap ka na ng ibang kaibigan dun tas di mo na kami pansinin"
"Kahit madami pa akong makilala dun, di ko pa din kayo pagpapalit!" sabi ko't ngumiti.
"Buti naman kung ganun" may nagdoorbell kaya alam na namin na yung mcdo yun. Si Bryan na kumuha dun habang ako pumunta ng sala at umupo sa lapag. Inilapag naman ni Bryan yung mga pagkain kaya amoy na amoy ko. Lalo tuloy akong nagutom. Nagsimula na kaming kumain at nagkwentuhan. Pagkatapos, nagpahinga na kami tsaka pinagdesisyunan ko ng pauwiin si bryan kasi madilim na sa labas.
"PM me kung nasa korea ka na ha" sabi niya habang hinahatid ko siya sa pintuan.
"Opo" sabi ko sabay nagsalute.
"Call nalang pala, arasseo?" ang cute niya talaga magkorean haha tinuturuan ko kasi siya minsan, kasi gusto daw niya kaya ayan.
"Yes, Sir!" yinakap na niya ako at kiniss sa may forehead. Nagsmile naman ako.
"Sige bye! Ingaaat" sabi ko, ganun din siya at umalis na. Pumasok na ako sa loob at nag impake na ng gamit. Gusto pa nga ako tulungan ni bryan kanina pero sabi ko umuwi na siya kaya ayun. Pagkatapos kong mag ayos ay humiga na ako't natulog.
BINABASA MO ANG
My Wish // Hoshi
FanfictionI wish that someday, i'll have a chance to see her, hug her, and meet her in person again. -H ----------- HELLOO! YUNG MGA CARAT, HOSHI-STAN DYAN! MAGSILABASAN NA KAYOOOOOOOOOOOO