Yung mga naka text nagsasalita na silang korean dyan at kapag text ibig sabihin, nagsasalita sila ng korean dyan pero bumubulong lang sila or kapag medyo malayo sakanila yung nagsasalita.
---------------------
Airi's POV
Nilagyan ko na ng lip balm ang labi ko. Done! Light makeup, check! Damit, check! Contact lense, Check! I'm ready to goooooo
Sinuot ko na yung face mask ko at nagsuot spectacles, pati na din yung hand bag tsaka ko hinila yung dalawang maleta ko palabas. Nagpresinta naman yung bodyguard na magbabantay sakin sa malayo kapag nasa korea na siya nalang daw yung maghila ng mga maleta. Dumaan kami sa likod kung saan yung parking lot at sumakay sa kotse ko. Pagkarating sa Airport ay bumaba na ako kasama yung bodyguard ko. Ibinigay lang niya sakin yung maleta nung paalis na ako. Ngayon, nasa eroplano na ako at nakaupo. Makatulog nga muna.
“Waah namiss ko ditooo” pagkababa ko palang ng eroplano, yan na ang nasabi ko. Nagtungo na ako kung saan ko kukunin ang mga maleta ko. Naglakad na ako palabas nang makita ko sina Kuya Aldrin. Dumeretso ako sakanila at niyakap sila. Pinalibutan naman nila ako kaya medyo uminit ka.
“Namiss kita dongsaeeeng” sabi ni Ate Yeri.
“Nagpakulay ka?” tanonong ni kuya james sakin. Tumango naman ako.
“Oo. Para di ako marecognize dito”
“Kapag ganyan mukha mo saeng, iba talaga mukha mo haha pero cute ka pa din” sabi ni kuya Aldrin. Si kuya talaga oh
“Naman” sabi ko't tumawa.
“Tara na, hinihintay ka nina eomma sa bahay” sabi ni Ate Yeri. Hinila naman nina kuya aldrin at kuya james yung mga maleta ko at dumeretso kami sa kotse. Nagkwentuhan kami buong biyahe hanggang sa makuwi na kami sa bahay. Lumabas na ako at dumeretso sa loob. Waaah namiss ko talaga dito.
Nakita ko sina eomma na nasa kusina kaya tumakbo ako sakanila at sinalubungan sila ng yakap.
“Lalong gumanda ang bunso ko” sabi ni eomma.
“Aba syempre naman! Mana sa eomma niya” sabi naman ni appa. Nako nako
“Ikaw talaga!” sabi ni eomma kay appa.
“Kain naaaa” pag aya ni Ate Yeri. Umupo na kami sa lugar namin at kumain na.
“Mamayang dinner mag ayos kayo. Kakain tayo sa labas” sabi ni eomma. Tumango naman kami.
Tagal na din namin hindi kumakain sa labas. Pagkatapos naming kumain, nagprisinta si kuya james na siya ang maglilinis ng mga pinagkainan namin since kararating ko lang at pagod daw ako. Umakyat na ako sa kwarto ko at naligo. Pagkatapos ay nagbihis na ako, sinuot yung contact lense, at spectacles. May araw pa naman kaya pupunta muna ako sa Cafenkim, coffee shop namin.
Pagkapasok ko ng Cafenkim, bumungad sakin ang mga nakapilang tao at halos wala ng vacant seats para sa mga bagong dating. Bago pa man ako makapasok ng kusina, may humawak sa braso ko.
“You're not allowed to go inside miss, para lang po yan sa mga nagttrabaho at may ari. Kung magccr po kayo, dun po sa kabilang daan” pagpipigil sakin nung security guard.
“Kami ang may ari neto” simple kong sabi. Kumunot naman yung noo nung security guard. Bigla namang lumitaw yung bodyguard ko at may binulong dun sa security guard, nanlaki naman yung mata nung guard at di kapani-paniwalang tumingin sakin.
“Oo nga no?” rinig kong bulong ng security guard. Nagbow naman sakin yung security guard.
“Sorry po. Sige po pasok na po kayo. Welcome po pala” sabi niya na parang kinakabahan siya. Nagsmile naman ako kaya parang narelax yung mukha niya.
BINABASA MO ANG
My Wish // Hoshi
FanfictionI wish that someday, i'll have a chance to see her, hug her, and meet her in person again. -H ----------- HELLOO! YUNG MGA CARAT, HOSHI-STAN DYAN! MAGSILABASAN NA KAYOOOOOOOOOOOO