AIRIKasalukuyan kaming nandito sa isang korean restaurant at as usual, kumakain nanaman. Pagkatapos kasi namin magkwentuhan, nag aya nananaman si Seungkwan na kumain kaya dito ang bagsak namin. Tinawag na din ni DK sina Scoups, sabi nga niya “The more the merrier!”.
“Ang tagal naman nila, magluluto na nga ako, bahala sila! Mag order nalang sila ulit!” asar na sabi ni Seungkwan at mararamdaman mo na gutom na gutom siya sa mukha niya. Binuksan na niya yung maliit na paglutuan at ilang minuto ay naglagay na siya ng pork belly at niluto na niya yun.
“Sa tingin mo, kapag nalaman ni Hoshi hyung na ikaw so Airi, ano magiging reaction niya?” tanong ni DK.
“Syempre magugulat muna sya pero pwedeng magalit siya or matuwa” sabi ni Seungkwan habang hinalaw galaw yung tongs.
“Siguro magagalit yun. Kasi tinago ko eh. Pwede ko naman sabihin sakanya pero di pa ngayon” sabi ko. Ilang saglit lang habang nagkkwentuhan kami, may pumasok na grupo nakadisguise na paling linga na parang may hinahanap. Nang tumigil yung mga mata nila sa amin, tumungo sila papunta samin at nalaman namin na sina Joshua iyon. Ang nakakagulat pa ay kasama nila si Woozi.
“yow yow yow!” pagbati samin ni Joshua. Nagsiupo na sila at katabi ko sina Mingyu at Wonwoo. (Meanie❤)
“Mag order pa kayo! Kulang satin itong mga naorder namin” sabi bigla ni Seungkwan habang puno na yung bibig niya ng samgyeopsal.
“Grabe ang bastos mo naman! Kaya ang taba taba eh! Baboy!” pabirong panlalait ni Hoshi.
“ANONG SABI MO?! GUSTO MONG IKAW ANG ILUTO KO AT KAININ KO DYAN?!” biglang sumigaw si seungkwan at tsaka binigyan ng nakakamatay na tingin si Hoshi.
“hehehe syempre joke lang yun, ang payat mo na nga oh! Kain ka pa heheheheheh-- ABA'T! MAS MATANDA AKO SAYO! GALANGIN MO AKO UY!” nagroll eyes nalang si seungkwan habang kumakain tsaka nagpatuloy sa pagkain.
“ADJDNSJAI ALAM NIYO BA GUYS NA UMALIS DAW NG PILIPINAS SI AIRIMYLOVES?!” biglang bulyaw ni Hoshi matapos ang mahabang katahimikan. Ganyan talaga kapag gutom. Galit galitan hahaha pero ano daw? SAN NIYA NAPULOT YAN?! Nanlalaking matang tumingin naman sakin sina Seungkwan at DK.“San mo naman napulot yan?” tanong ni DK.
“Nabasa ko lang dun sa isang fan account, rumor daw”
“Alam mo hyung, huwag ka masyado nagpapaniwala sa mga rumor rumor na yan” sagot naman ni Seungkwan sakanya. Nagshrug naman si Hoshi at nagpatuloy nalang sa pagkain niya. Woah thank you DK at Kwan!
“Guys uuwi na ako! See you next time!” sabi ko at nagsimula ng tumayo. Ilang oras na din kasi ang lumipas.
“Hala wait! Woozi! Hatid mo na si Aira sa bahay nila tutal tapos ka na din kumain” utos ni scoups. Why coups whyyyyyyyy alam niyo naman na ayaw sa akin ni Woozi tas ipapahatid niyo pa ako sakanya! Pustahan tatanggi y---
“Okay” sabi niya at tumayo na. Nanatili pa din akong nakaupo habang nakatingin sakanya at nang mapansin yata ako ni woozi at tumingin siya sakin.
“Ano? Titingin ka nalang ba dyan?” aba ang taray! Tumayo na ako at nagpaalam ulit kina Scoups. Nagpaalam na din sila sakin at sasama na sana si Hoshi sa paghatid kaso gutom pa daw siya kaya ayun. Mas importante daw kasi ang pagkain kaysa sakin. Joke hahahahaha ano ba tong pinagsasabi ko!
Tahimik lang kami nakatayo dito sa may waiting shed ni Woozi, naghihintay ng bus. Nakayuko lang ako at tinitignan ang sapatos ko.
“Tara na, andyan na” napaangat naman ako ng tingin at nakitang may papadating ng bus, nang huminto ang bus sa harap namin ay sumakay na kami. Saktong dalawa nalang ang bakante kaya dun ako kaagad umupo sa may bintana, sumunod naman si Woozi sakin at umupo sa tabi ko. Buong byahe nakatingin lang ako sa labas, medyo sumasakit na nga leeg ko kasi di ako gumagalaw eh. Si Woozi na din ang nagbayad sa konduktor.
Nang makadating na kami ay bumaba na kami at nagsimulang naglakad. Nagdadalawang isip ako kung kakausapin ko ba siya or hindi kask gusto kong itanong kung bakit ayaw niya sakin. Dahil sa pagkakaalam ko, wala pa naman akong ginagawang masama sakanya.
“Woozi, bakit ayaw mo sakin?” ayun nagsalita na ako.
“Sinong nagsabing ayaw kita?” malamig niyang sinabi. Tumingin naman ako sakanya kaso sa harapan pa din siya nakatingin kaya tumingin nalang din ako sa harapan.
“Wala namang nagsabi pero yun ang pinaparamdam mo” bigla siyang huminto kaya huminto na din ako. Napasigh naman siya.
“Naiinis ako sayo” sabi niya. Well di naman ako nabigla dun since ramdam ko naman.
“Bakit?”
“Seriously? Di mo ba ako natatandaan?” napakunot naman yung noo ko. Anong natatandaan? Kailan?
“Ha?” ang tanging nasabi ko.
“Di mo ba talaga ko natatandaan? Airi?” nanlaki naman ang mga mata ko dun. So kilala niya ako? Ay tange syempre kaya ngatinatanong kung natatandaan ko ba siya kasi ako natatandaan niya.
“K-kilala mo ko?” Napasigh nalang siya ulit tsaka tumingin sa mga mata ko. Wait? T-those eyes
“Uji?” nasambit ko nalang bigla. Ngumiti naman siya sakin tsaka ako niyakap.
“Akala ko di mo na ako matatandaan” sabi niya habang yakap pa din ako, yumakap naman ako pabalik. Marunong pa din siya magtagalog.
“OMG UJI IKAW PALA YAN! HUHUHU BAKIT DI MO AGAD SINABI?! NAMISS KAYA KITA!” sabihin niyo man akong OA pero shemay namiss ko talaga tong si uji. Malay ko bang si Woozi o Jihoon at si Uji ay iisa. Siya kasi yung una kong naging kaibigan. Mas nauna pa siya kaysa kina Chanyeol. Naging kaibigan ko aiya nung bagong lipat lang sila malapit sa bahay namin tas ayun palagi kaming magkalaro tas bigla nalang isang araw lumipat na pala sila. Palagi kaya ako umiiyak nun.
“Di man halata haha di mo man nga ako namukhaan eh” sabi niya at kumalas na sa pagkakayap tsaka nagpatuloy sa paglakad, sinundan ko na din siya.
“Syempre di ko masyado tinignan yung itsura mo, nakakatakot ka kaya palagi mo akong binibigyang ng masama okaya malamig na tingin” pageexplain ko. Totoo naman kaya!
“Kasi di mo ako namukhaan kaya medyo nainis ako sayo”
“Pero buti ako namukhaan mo ako?” tanong ko sakanya.
“Syempre, bago ka pa ipakilala samin ni Hyung, kilala na kita. Updated kaya ako sayo” sabi niya at tumawa. Tumawa na din ako
“Grabe uji namiss kita!” tumawa naman siya at ginulo yung buhok ko.
“Yung buhok ko!” sabi ko at inayos yung buhok ko.
“Andito na tayo! Text text nalang tayo! Pakikamusta ako kay Tita! Goodnight” sabi niya at niyakap ako. Niyakap ko na din siya pabalik at kumalas na sa pagkakayakap. Nang makaalis na siya, pumasok na ako. Wala pa siguro sila kasi tahimik pa din. Dumeretso na ako sa kwarto ko at naghilamos at nagtoothbrush pagkatapos ay natulog na ako. Natulog akong may ngiti sa labi.
BINABASA MO ANG
My Wish // Hoshi
FanfictionI wish that someday, i'll have a chance to see her, hug her, and meet her in person again. -H ----------- HELLOO! YUNG MGA CARAT, HOSHI-STAN DYAN! MAGSILABASAN NA KAYOOOOOOOOOOOO