Chapter 7

7 2 0
                                    


AIRI

Nagising ako dahil nasilaw ako sa sinig ng araw. Aish nakalimutan ko palang ayusin ang kurtina kagabi. Tumayo na ako at ginawa ang daily routine ko. Pagkatapos, kinuha ko na yung phone ko at lumabas ng kwarto para pumunta sa kusina. Naabutan ko si Kuya james na kakatapos lang maghugas ng pinagkainan niya.

"Goodmorning" bati ko.

"Goodmorning din. Magalmusal ka na, wala silang lahat dahil may trabaho sila pati din ako kaso mamaya pa" sabi niya. Tumango nalang ako at kumuha ng tinapay tsaka nilagay sa bread toaster habang si kuya naman pinanggawa niya ako ng Hot Chocolate at inilapag sa lamesa tsaka na nagpaalam na aalis na siya. Umupo na ako sa upuan at ininom yung hot chocolate na ginawa ni kuya james at naglagay ng bacon sa tinapay tsaka ko kinain. Habang kumakain, binuksan ko yung phone ko at nakitang nagmessage sakin si hoshi.

Fr: Hoshi

Airaaaaaa! Huwag mo kakalimutan bukas ah! Susunduin kita sainyo ng 10:00 am! See you! Hehehehe

Yan ang message niya sakin. Bukas? Tinignan ko kung anong oras siya nagtext sakin at kagabi pa pala siya nagtext. Tinignan ko naman yung oras at 9:02am na. Kumain na ako at pagkatapos nag ayos na ako. Pagkatapos ko mag ayos saktong may nagcall sakin. Tinignan ko kung sino tumatawag at nalamang si hoshi kaya sinagot ko.

"Hello?"

"Airaa! Ready ka na?"

"Oo. Nasan ka na?"

"Labas ka na dali! Ang init dito sa labas! Nasa harap ako bahay niyooo" nanlaki naman mga mata ko at kaagad na sumilip sa bintana kung nandun nga siya at tama nga siya. Bilad na bilad siya sa araw habang nakalagay ang phone niya sa kanang tenga habang hawak hawak ito. Agad kong kinuha mga gamit ko at bumaba ng hagdan tsaka lumabas ng bahay at lumapit kay hoshi. Nang mapansin ako ni hoshi, ngumiti naman siya sakin kaya lalong nawala ang mga mata niya. Jusme maliit na nga mata niya tas medyo lumiit pa dahil sa araw tas ngumiti pa siya kaya parang wala na siyang mata. Jusme sarap niyang ibulsa huehue ang cuteeee ehem ehem.

"Kanina ka pa?" tanong ko sakanya.

"Hindi naman. Medyo kararating ko lang" sabi niya at ngumiti sakin. Err ayan nanaman yung puso ko.

"Tara na?" tanong niya. Tumango naman ako at nagsimula na kaming maglakad papunta sa isang kotse? No actually van siya na nakaparada pero gumagana pa. May dala siya? Di ko napansin? Bakit di nalang niya ako hinintay dun para di siya mainitan? Pinagbuksan naman niya ako ng pintuan at pinauna na akong pumasok. Pumasok naman ako at umupo sa gilid habang siya pumasok na din at umupo sa tabi ko.

"Tara na po!" sabi ni hoshi dun sa driver.
Tumango naman yung driver at nagsimula na siyang magmaneho.

"Alam mo ba" paninimula ni hoshi.

"Excited yung mga kagrupo ko makilala ka" hala ano naman yung nakakaexcite dun?

"May makikilala nanaman kasi sila na bago" pagpapatuloy niya na parang nabasa niya yung nasa isip ko.

"Ah~" ang tanging nasabi ko. Well I did some research about seventeen at masasabi kong ang cute nilang lahat. Ang iba nakilala ko na like si Jihoon, Seungcheol, Mingyu, Jeonghan, Dino at Vernon. Ilang minuto ang lumipas at huminto kami sa harap ng isang building. Bago lumabas, sinigurado muna ni hoshi na nakadisguise kaming pareho at pagkatapos ay hinawakan niya yung kamay ko at hinila ako ng mabilis papasok ng building. Aray naman! Nang makapasok na kami, inalis na namin yung pagkakadisguise samin at nagsimula na siyang maglakad kaya sinundan ko siya. Kahit na may mga tumitingin na nagttrabaho dito sa building na to, dirediretso pa din ako pero nakayuko hanggang sa huminto siya sa isang pinto kaya medyo nauntog ako sa likod niya.

"Nandito na tayo" sabi niya sakin. Tumingin naman ako sakanya. Rinig na rinig ko ang mga ingay sa loob ng isang kwartong nasa harapan namin. Binuksan niya yung pinto kaya yung mga tao sa loob napantingin samin at napatigil sa mga ginagawa nila. Pagkatingin ko, may mga nakaupo sa lapag, naglalaro, sumasayaw, nagtatawanan at madami pa. Biglang tumahimik ng makita nila kami.

*Ehem* *Ehem*

"Let's introduce ourselves!" biglang sabi nung malalim na boses na lalake na sa tingin ko si seungcheol. Nagsiayusan naman yung mga lalake at nagayos ng linya.

"Hana dul set! Annyeonghaseyo! Seventeen-imnida!" sabay nilang sabi at nagbow. Nagbow naman ako pabalik.

"Annyeonghaseyo! Park Aira-imnida!"

"Tama nga yung sinabi ni Hoshi, kahawig mo si Airi" sabi nung isang lalaki. Syempre ako si Airi eh lmaoo

"Ay haha thank you" sabi ko at nagbow.

"Balita namin di mo kami kilala? Ayos lang haha di naman kami ganun kasikat tulad ng ibang group" sabi ni mingyu? Si mingyu nga ata.

"Sorry kung hindi ko kayo kilala. Pero nagresearch ako sa inyo at medyo may kilala na ako" sabi ko.

"Waaah! Sino?! Sino?!" sabay sabi ng iilan sakanila.

"Ituro mo noona!" sabi ni Dino.

"Ikaw si Dino diba?" sabi ko sabay turo sakanya.

"Tama! Tama! Waaah kilala niya ako!" at tumatango tango pa.

"Ikaw si jeonghan diba?" Turo ko dun sa may pinakamahabang buhok sakanila. Ngumiti naman siya at tumango.

"Ikaw naman si Vernon diba?" Turo ko naman dun sa kamukha ni Leonardo DiCarpio. Tumawa naman siya habang tumatango.

"Ikaw si Mingyu?" turo ko dun sa pinakamatangkad at tumango naman siya. Wow! Higante to! Hanggang balikat lang ata ako neto! Nanliliit tuloy ako sa sarili ko huehue

"Ikaw si Seungcheol? Leader?" turo ko sakanya. Nagsalute naman siya at ngumiti. Inilibot ko pa ang tingin ko sakanila at nahagilap ko ang isang tao na natingin sakin na may malalamig na tingin kaya di ko maiwasang maging uncomfortable.

"Ikaw si Jihoon?" turo ko sa lalaking pinakamaliit sakanila na may malalamig na tingin sakin. Nakapokerface siya at di siya nagreact na parang di niya ako narinig or di ako nageexist sa paligid niya. Mukhang nasesense ng iba na wala siyang balak sumagot kaya biglang nagsalita si hoshi.

"Ehem guys! Sa mga di pa kilala ni Aira, bakit di kayo magpakilala para naman makilala niya kayo?" bigla namang naglakad papalabas si jihoon at dahil nasa may malapit kaming pinto ni hoshi ay madadaanan niya kami. Bago siya nakalabas ng tuluyan, tinignan niya ako with his cold look, mula ulo hanggang sa paa, tsaka siya nag-tsk at tuluyan ng lumabas.

My Wish // HoshiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon