AIRI"Hello po Ms. Airi, kanina pa po kayo hinihintay sa taas, Hatid ko na po kayo" pagbati sakin ng isang babae pagkapasok ko palang sa building kung saan ako nakuha bilang isang model. Actually dalawa talaga ang building, mas nauna lang yung dito kaysa dun sa Pilipinas. Hay miss ko na Pilipinas, kung hindi lang talaga.
Binati ko din pabalik yung babae tsaka sumunod sakanya, may mga ilang nagttrabaho na nakakita sakin at mukhang nabigla dahil hindi nila inaasahan na nandito ako ngayon pero binabati pa din nila ako, di ko nga alam kung bakit binabati aeko eh, kung dahil ba isa akong model or dahil tito ko ang may ari at CEO dito. Oo yung Boss na sinasabi ko noon ay tito ko. Sumakay kami ng Elevator at may pinindot siya dun at pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na kami sa tapat ng kwarto ni tito. Kumatok naman yung babae at pinauna na akong pumasok tsaka niya sinara ang pinto at umalis. Nakita ko si Tito na nagbabasa ng mga kung anong papeles habang umiinom siya ng kape? Sa upuan niya, itinaas naman niya yung ulo niya at tinignan ako.
"Good morning Airi!" Sabi niya at sinalubungan ako ng yakap. Ganun din ang ginawa ko sa kanya at umupo na ako sa harap ng table niya samantalang bumalik na siya sa upuan niya.
"Ano bang ibabalita mo sa akin tito?"
"Nahanap ko na siya at nandito na siya sa South Korea kaya magsimula ka na"
__________________________
"Namiss ko ito" kasama ko si Woozi ngayon dito sa garden namin dahil gusto niya daw ako makabonding at dahil tapos na din daw siya magtampo sakin kailangan ko daw bumawi.
"Iniwan mo kasi ako eh" biro ko sakanya. Tumawa naman siya
"Kung may pera lang ako, di ako sasama sa paglipat ako wala haha walang akong pera nun"
"Ang galing mo pa din magtagalog tho may pagkaslang na haha ang cute padin"
"Hindi ako cute! Gwapo ako!" Sabi niya at sumubo ng Pizza. Tinawanan ko nalang siya. Ang cute kaya niya!
"Pero kamusta?" Tanong naman niya.
"Ayos lang, maayos naman yung trabaho ko, actually tama nga sinabi mo noon eh haha" kasi dati noon sinabi niya sa akin na balang araw, magiging isa akong sikat na model dahil daw ang ganda ko daw hahahaha
"Sabi na sayo hahaha may boyfriend ka na?"
"Akala ko ba updated ka sakin? Haha wala"
"Oh? O yung Bryan ba yun?" Bigla kong naalala ko Bryan, medyo matagal na din kami hindi nakapag usap nung lalaking iyon, kinalimutan na ata ako
"Si Bryan? Hindi ah! Siguro sa sobrang close namin, napagkakamalang kami, pero wala naman kami pake kung mapagkamalan kami or what kasi di naman kami masyado binabash o kaya naman di kami ganun kaimportante kaya ayos lang haha" medyo totoo yun. Kasi madalas nasa Idols yung focus ng mga tao.
"Oy hindi kaya! Alam mo bang sobrang dami ng mga nagkakagusto sayo na idol, babae man or lalake, tapos minsan nagbibigay pa sila ng mga message sayo. Lalo na si Hoshi jusme fan na fan ka nun! Loyal nga sayo yun"
"May mga nakikita nga ako sa Ig at sa Twitter ko na yung kaming dalawa ni Hoshi tapos minsan pinagsasama yung pangalan namin haha"
"Oo nga, kinikilig nga siya nun kasi may mga fans na nagshiship sainyo haha too bad di alam ni Hoshi na kasa-kasama lang niya yung idol niya" iling na sabi ni Woozi.
"Oo nga eh" sabi ko.
"Kailan mo ba balak sabihin sa kanya? May nakakaalam ba na nandito ka?"
"Di ko pa alam kung kailan, si Seungkwan at DK alam na nila at sinabi kong huwag muna nila pagsasabi"
"Teka bakit ka nga ba nandito sa South Korea? Diba madami kang sched sa Pilipinas?" Bahagya akong ngumiti atsaka tumingin sa mga bituin sa taas. Gabi na din kasi tho kaninang hapon pa kami ni Woozi dito, siguro sa sobrang miss namin sa isa't isa, di namin namalayan na naggagabi na kahit nasa labas naman kami.
"Alam kong alam mo kung bakit ako nandito"
_____________________________
Hi Guys! Kamusta?
BINABASA MO ANG
My Wish // Hoshi
FanfictionI wish that someday, i'll have a chance to see her, hug her, and meet her in person again. -H ----------- HELLOO! YUNG MGA CARAT, HOSHI-STAN DYAN! MAGSILABASAN NA KAYOOOOOOOOOOOO