Chapter 4

13 4 3
                                    


AIRI

5:30am palang ay nagising na ako kaya nag ayos na ako at napagdesisyunan kong pumunta ng Kimncafe at tumulong kung pwede. Naglakad na din ako papunta dun since mga taong may lakad, trabaho o nagjojogging etc ang mga nakakasabay ko.

Nang makarating na ako dun, binati ako ng security guard atsaka yung mga iilan na nagttrabaho. 4 am palang kasi ay nagbubukas na ang kimncafe at 11 am naman nagsasara.

Nang makita ko ang isang nagttrabaho na mukhang nahihirapan sa paghawak ng tray, kinuha ko na iyon sakanya kaso ayaw ibigay.

"Hindi na po. Kaya ko na po" sabi niya. Nakita ko yung nametag niya sa gilid ng damit niya. Jin.

"Ako na. Gusto kong tumulong. Tsaka bago ka lang ba dito?" sabi ko.

"Opo. Ako po si Choi Jin" sabi niya at nagbow.

"Ako na magbibigay niyan sa customer, punta ka sa private room, maguusap tayo dun" sabi ko tsaka kinuha yung tray sakanya. Tinignan ko naman kung ano yung number kung kanino ko ibibigay itong mga inorder sa gilid ng tray at tsaka ko hinanap yung may number na 10.

"Here's your order sir! Enjoy!" sabi ko ng mahanap ko na yung nag order. Nakahoodie siya ng malaki kaya natatakpan ng hoodie yung mukha niya plus nakaface mask pa siya. Siguro isa tong celebrity? Inangat naman niya yung ulo niya kaya nakita ko yung mga mata niya.

"Thank you!" sabi niya at ngumiti? Kasi sumingkit yung mga mata niya. Parang pamilyar yung mga mata yun. Cute. Nagsmile naman ako at naglakad na papunta sa private room para makausap na si Jin. Nakita ko siya na nakaupo sa upuan sa harap ng table. Umupo na ako sa harap niya.

"Diba bago ka lang dito? Ilang taon ka na?" pagsisimula ko.

"16 years old na po ako at opo bago lang po ako dito"

"So working student ka?"

"Opo. Sa katunayan po first time ko lang po magtrabaho. At di po ako masyado marunong magbalance sa tray kaya medyo nahihirapan po ako pero po pag aaralin ko naman po agad atsaka pwede po muna ako sa kusina tutal marunong naman po ako magbake ng onti tsaka pwede po ako kahit tagahugas po ng pinggan basta huwag niyo lang po ako sisisantihin kasi po kailangan ko po talaga makaipon para po sa pag aaral ko kasi po ayoko na po nakikita sina eomma na nahihirapan magtrabaho at mabgutang lara lang po sa pang aral naming magkakapatid" sabi niya at malapit na siyang umiyak kaya bigla akong nagpanic kaya nagbend ako sa harap niya at hinawakan yung kamay niya.

"hindi naman kita sisisantihin or ipapasisante, actually gusto kitang tulungan at turuan para mas kung sakaling ayaw mo na dito at magttrabaho ka sa iba, magagamit mo yun at maiiprove yung skills mo"

"Ay di po ako aalis dito! Gusto ko po dito! Mabait po si Mrs. Kim tas po idol ko po yung anak niya! Si Ate Airi po" aygrabe siya haha

"Paano kung nasa harap mo na si Airi?" tanong ko sakanya.

"Ihuhug ko po siya ng sobrang higpit tsaka po mas lalo ko pong aayusin yung trabaho ko po!" sabi niya at parang nagtwinkle yung mata niya. Tinignan naman niya ko at parang biglang may inaalala siya. Tinignan ko naman siya pabalik.

"Teka po! Parang pamilyar po yung mukha niyo? Parang kamukha mo po si Ate Airi ng onti pero iba po yung kulay ng buhok at mata niya tsaka di ko pa po siya nakitang nakalight make up at nakasalamin?" natawa naman ako ng mahina sa sinabi niya. Tumayo ako sa harap niya at nagbow. Nagtaka naman siya.

"Hi! I'm Kim Airi! Thank you for being one of my fan" sabi ko sa english. Nakita ko naman yung pagkabigla sa mukha niya at bigla niyang tinakpan yung bibig niya.

"omg ikaw si Ate Airi?" bulong niya pero narinig ko. Ngumiti naman ako sakanya at tumango, bigla naman niya akong niyakap kaya napaupo kami sa sahig.

"Waaaah! Hindi niyo po alam kung gaano ako kasayaaa! Grabe! Kanina ko pa pala kausap yung idol kooo! Kaya pala pati boses familiar! Waaaah" niyakap ko naman siya pabalik at napansin kong humahagulgol siya, ibig sabihin, umiiyak siya.

"Hala huwag kang umiyak!" pagpapanic ko, bigla naman siya kumalas sa yakap at pinunasan yung luha niya. Nagsmile naman siya bago magsalita.

"Masaya lang po ako kasi akala ko di ko na po kayo makikita at makikilala sa personal"

"Syempre hindi impossibleng di tayo magkita kasi dito talaga kami nakatira" sabi ko at tumawa, tumawa din naman siya.

"Ay oo nga ne? Haha pero busy po kasi kayo sa ibang lugar kaya baka po wala na po kayong time pumunta dito"

"Dibale! Waaah ang ganda mo po talaga sa personal! Ang swerte po talaga ni Bryan sa inyo" bat nasali yun?

"Paano naging swerte si Bryan?"

"Kasi po nakakausap ka niya kung kailan niya gusto, nakakasama ka niya, etc"

"Hindi lang naman siya ah? Pati naman ikaw"

"Oo nga po eh. Ako na po siguro yung pinakamasaya at pinakaswerte na fan haha pero bakit di man po ata nabalita na uuwi po kayo dito?"

"Sikreto ang pagpunta ko dito para makapagbakasyon ako ng maayos. Yung walang sumusunod sayo"

"Ah kaya po ba kayo nagpalit ng kulay ng buhok, at nagcontact lenses tsaka yung disguise mo po?" tumango naman ako.

"Ah osige po. Diba po tuturuan niyo po ako? Kailan po tayo magstart?"

"Gusto mo ba ngayon na?"

"Sige po! Di na po ako magtataka kung bakit madaming nagkakagusto sayo Ate Airi! Napakabait, matalino, maganda, nasa iyo na ang lahat!"

"Mambobola ka pa! Tara na" tumayo na kami at nagpunta sa labas ng Private Room tsaka ko siya tinuruan.


My Wish // HoshiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon