Chapter 10

24 4 4
                                    


AIRI

“Hello?”

“Airiiii nasan ka?”

“Chanyeol? Nandito sa bahay bakit?”

“Okay! Otw na kami!”

“H-ha? Bakit? Kami? Sinong kayo? Sinong kasama mo?”

“Secret hahahahahaha sige byeee”

“Oy teka—AY BASTOS NA BATA” bastos na bata! Binabaan ba naman ako? Kapag nagkita kami niyang chanyeol na yan, mababatukan ko talaga siya! Kasalukuyan akong nanonood ng tv at kumakain or kumakain lang? Hahahaha

“OH SHYLLEEEEEEEEE!” hala sino yun?

“SHYLLLEEEEEEE BUKSAN MO YUNG PINTOOOO! NASUSUNOG NA BALAT KOOOOOO” Automatic na napatayo ako at napatakbo sa pinto tsaka binuksan ang pinto at nakita ko dub ang dalawang magsyota ay este dalawang lalake na nasa labas.

“Chanyeol? Baekhyun?”

“Alam naming astig ang pangalan namin pero jusmiyo pabukas yung gate niyo at papasukin niyo na kami kasi nasusunog na ako!” reklamo ni baekhyun. Aba't!

“Wow ha!” sigaw ko at pinagbuksan sila ng gate. Tuloy tuloy naman silang pumasok sa bahay.

“Wow bahay niyo? Ang baho niyo! Amoy araw kayo!” Pero syempre joke lang yun. Ang bango na nila eh hahahahahaha kahit na nababad na sila sa araw.

“Bango ko kaya! Baka si Chanyeol yun!” pagdepensa ni Baekhyun sa sarili niya. Bigla namang nagdikit ang mga kilay ni Chanyeol sa narinig.

“Aba! Pinasa mo sakin ang kabahuan mo!”

“Parehas lang kayong mabaho!” Pagsabat ko sakanila. Sabay naman silang umirap saka umupo sa sofa at nilipat ang channel sa tv. Wowwww

“SHYLLEEE! NAMISS KITAAAAA!” biglang sigaw ni Baekhyun sabay yakap sakin.

“Ngayon mo lang sinabi yan? Masyado kang late” sabi ni Chanyeol kaya nakatanggap siya ng masamang tingin kay Baekhyun.

“Heh! Wala lang pake!”

“Baka gusto mo bumitaw, baek?” sabi ko. Nakayakap pa din kasi siya sakin. Kumalas naman siya.

“Ito naman! Wala man lang I miss you too?”

“O edi I miss you too”

“WOW AIRI AH! NUNG AKO NAGSABI NG NAMISS KITA DI MO MAN LANG SINAGOT YUN! NAKAKATAMPO KA! YA HURT MA FEELINGS HUEHUE” nagulat ako sa biglang sigaw ni chanyeol. Eh sinong di mabibigla kung biglang sumigaw yung nasa tabi mo tas ang lalim pa ng boses?!

“Namiss ko na kayong lahat! Happy?” sabi ko. Sabay naman silang tumango kaya napaface palm ako.

Ilang oras din silang nandito at wala kaming ibang ginawa kundi kumain, manuod at mag asaran. Namiss ko yung ganitong kulitan namin katulad ng dati kaya sobrang gaan sa pakiramdam na nagkasama na kami ulit. Sa ngayon, nandito ako ngayon sa labas, hinahatid sila kasi may schedule pa pala sila. Bago pumasok si Chanyeol sa loob ng van nila, niyakap niya muna ako. Syempre yumakap din ako pabalik.

“Maglock ka ha? Yung kalan niyo tignan mo ha baka di mo alam nasusunog na pala bahay niyo” natawa naman ako dun dahil di man namin ginamit yung kalan haha natawa din siya.

“Opo” jusko daig pa niya nanay ko hahaha

“Sama ka na kaya samin?” napaface palm naman ako.

“Yeol, huwag na, dadating na niyan sina Ate Yeri, tsaka ang OA mo! Hahahaha ganito din kaya ako sa Pilipinas” narinig ko siyang napasigh at naramdamang tumango.

“Osige na nga. Basta mag ingat ka ha” sabi niya.

Tumango naman ako at kumalas na sa pagkakayakap niya sakin. Bumitaw na din siya at pumasok na sa loob ng van nila. Nagwave muna siya kaya nagwave din ako pabalik. Nang umalis na yung van, tumalikod na ako para pumasok sa loob ng bahay ng may tumawag sakin. Tumigil ako sa paglalakad at sinagot ang tawag. Niloudspeaker ko na dahil sure naman ako na wala namang makakarinig sakin dahil wala namang tao sa labas.

“Ri, may rumor na sayo na umalis ka dito sa Pilipinas, sa ngayon, may mga fans na nasa labas ng condo mo, kaya ngayon, mas mag ingat ka dyan, alam mo naman yung mga fans mo dyan sa korea, medyo mga wild. Wala pa man din ako dyan”

“Oh? Osige sige, Salamat sa balita”

“Nga pala, pupunta ako dyan pero secret na kung kailan para surprise haha” eh? Edi sana di na niya sinabi para mas surprise hahahahaha

“Sige haha kapag pupunta ka na dito, pambili ako ng dried mango, mas gusto ko yung gawa ng mga Pinoy haha miss ko na eh”

“Oo sige. Ingat ka dyan Kim Airi Shylle!” yep, that's my real/full name.

“Ang ganda talaga ng pangalan ko hahaha”

“Kapal! Sige bye! May aayusin pa ako!” at ienend ko na niya. Aba! Di man lang ako hinintay magbye din ahue maglalakad na sana ako ulit papasok ng bahay ng may narinig akong nagsalita sa likod ko.

“Airi? Kim Airi?” napatigil naman ako dun at biglang nanlaki ang mga mata ko. Lagot!  I'M SO DEAD

My Wish // HoshiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon