Chapter 8

9 2 0
                                    


AIRI

Ha? Napano siya? May nagawa ba ako? Ayaw niya ba sakin? Bakit mukhang galit siya sakin? Hala jusme Hate at first sight? Ganun?

“Wala lang siguro sa mood si woozi hyung” sabi sakin ni mingyu. Ngumiti naman ako sakanya.

“Bakit di pala tayo magpakilala ng maayos kay Aira?” sabi ni seungcheol, scoups nalang pala para mas maikli mehehehe

“Oo nga oo nga!” sabi nila. Nagpwesto naman sila atsaka nagpakilala sakin. Pagkatapos nilang magpakilala ay nagkwentuhan kami para mas makilala namin ang isa't isa. And nahanap ko na ang new best buddy/friend kooo! Si Diva Boo Seungkwan! Napansin ko din na malinis dito sa dorm nila, ang ganda sa mata hahaha umabot na ng lunch at napag isipan naming kumain sa labas nang maabutan namin si jihoon.

“Woozi hyung! Gusto mo sumama? Kain tayo sa labas?” tanong ni the8. Binigyan niya naman ako ng cold look bago tumingin kay the8 tsaka umiling.

“Hindi na” sabi niya at pumasok na sa kwarto niya? Nila? Basta kwarto yun!

“Tara na!” sabi ni scoups, nagsimula na kaming maglakad at sumakay sa van nila. Si Scoups yung driver at si Jeonghan naman yung nasa passenger seat. Katabi ko sina Wonwoo, Hoshi, Dino, Jun at nasa likod naman yung iba.
Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na kami sa isang restaurant. Gusto sana nila na sa kimncafe kaso umayaw ako hahaha para naman matry kong kumain sa iba hahaha kamusta biyahe namin? Sobraaaaaang ingay namin! Sumasabay kami sa kanta na tumutugtog dito sa kotse lalo na si seungkwan jusme wala siyang pinapalagpas! Pati mga high notes tinitira niya!

“Tabi tayo Airaa!” excited na sabi ni seungkwan at nagcling sakin habang papasok.

“Hindi! Tatabi siya sakin!” sabi naman ni dk at nagcling sa kabila kong braso.

“Hindi! Sakin!” tumigil naman sa paglalakad si seungkwan, at dahil nakacling siya sakin ay napatigil din ako at ganun din kay dk.

“Sakin!” hinila ako ng mahina ni dk palapit sakanya.

“HINDI! SAKIN SIYA TATABI KASI AKO  BESTFRIEND NIYA!”

“KAHIT NA! AKO ANG TATABI SAKANYA!”

“AKO NGA SA—“

“Tumahimik nga kayong dalawa! Di niyo ba napapansin na madaming tumitingin sainyo? Mahiya nga kayo! Sakin tatabi si Aira” medyo pasigaw na pabulong na sabi ni scoups at hinila niya ako kaya nauna na kaming naglalakad sakanila. Di na ako lumingon kina seungkwan kaya di ko nakita reaction nila.

Pumasok kami sa may private room para di sila napapaligiran at komportable silang kumain. Nagtataka kayo kung bakit di sila napaguguluhan? Nakadisguise kasi sila kaya ganyan. Gaya ng sabi ni scoups, magkatabi kaming dalawa, sa kabilang side ko si the8, katapat ko naman si Wonwoo. Nagsimula ng mag order si scoups, siya kasi yung magbabayad haha at ilang minuto ay dumating na ang mga pagkain, nagorder din ng samgyeopsal si scoups kaya si jeonghan yung nagluto kasi mas malapit siya sa may lutuan. Habang kumakain biglang nagsalita si DK na nasa dulo.

“Bakit kaya di sumama si Woozi hyung?” hay ramdam kong ayaw sakin ni Woozi. Sa mga tingin palang niya alam ko na.

“Baka pagod siya kasi diba alam mo na? Nagcocompose siya ng mga kanta” sagot naman ni Vernon sakanya. Ay oo nga pala! Sina Vernon at Joshua ang mga kaclose ko din dahil sa english haha

“Sabagay” sabi nalang ni DK at nagpatuloy na. Kinalbit naman ako ni Scoups kaya humarap ako sakanya, may samgyeopsal na nakatapat sakin.

“Oy! Hyung! Anong ginagawa mo niyan?” pagrereact ng iba.

“Welcome to the family, Aira!” sabi niya. Nagsmile naman ako at isinubo niya sa akin yung samgyeopsal.

“Madayaaaa! Airaaa! Say aaaaah!” sigaw ni dk at iniaabot sakin yung samgyeopsal. Natawa naman ako at kinuha ko sakanya yung samgyeopsal kaso ayaw niya ibigay.

“Hindi! Gusto ko susubuan din kita para mas sweet!” sabi niya.

Natawa naman kaming lahat dahil ang seryoso ng mukha niya habang sinasabi niya yun. At dahil malayo kami sa isa't isa dahil nasa dulo siya, medyo tumayo kami ng konti para makain ko yung samgyeopsal. At dahil dun, andami na ding nagbibigay sakin ng samgyeopsal sabay bati ng samgyeopsal. At yung iba naman nagpapasubo sakin kaya sinusubuan ko din sila. Ang saya ng araw ngayon kahit na medyo malungkot dahil kay woozi. Hayy

My Wish // HoshiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon