Throbbing Love 1

548 11 2
                                    

Doki ☆: The New Transfer Students

Mika's POV

"Yah! Yah! Narinig niyo ba?" Excited kong tanong.

"Narinig ang ano?" Takang tanong ni Pam.

"May limang bagong estudyante daw ngayon! Galing Italy at Korea daw," sagot ko.

"Italy at Korea? Naks naman! Siguro gwapo o maganda sila. Sana lang lalaki sila," ngiti ni Pam.

Hahah! Player talaga 'tong babaeng 'to. Hindi na nahiya at talagang lalaki ang hinahanap. Ako nga pala si Vernadett Mika Bazic at siya naman si Pamela Joy Hernandez ang aking best friend. Apat kaming mag bestfriends kaso nga lang ngayon kaming dalawa lang ang andito.

"Gaga! Mahiya ka naman sa lahi mong babae!" Natatawa kong sabi kay Pam. Abnormal, lalaki ba naman ang hanap e paano kung babae pala sila? 

"Oi maka gaga ka naman dyan parang hindi mo hinihiling na lalak sila," inistick out nya yung dila nya sakin. Ugh! So childish na talaga ang bruhang 'to.

"Wow kapal ng pagmumukha! Wag mo nga akong igaya sayo," inirapan ko siya't suminghal ng malakas. 

Asa naman. Ayaw ko kaya sa mga lalake. Nakakadiri kaya sila tapos mga player pa kainis lang sa buhay!

Napatingin kami sa likod namin nung may narinig kami boses na familiar. Si Sam pala kararating lang at binabati ang mga klasemate namin.

"O andito na pala yung bruha," nangalumbaba habang nakatingin kay Sam na papunta samin.

"Late ata siya ngayon. I mean usually siya ang nauuna satin," sabi ko at napalingo sa gawi ni Sam. Abot sa tenga ang ngiti ng bruha, pero ano ba ang dahilan para maging ganyan ang ngiti niya?

Ayan naman si Samantha McParil yung isa pa naming best friend. Palagi siyang nauuna samin pag sa school kasi may pagkanerd yan e kaso nga lang ngayon late siya. Nagkaboyfriend ba siya kaya ang lawak ng ngiti at late siyang pumasok? Isa pang abnormal.

Nung nasa harap na namin si Sam agad siyang umupo sa upuan niya at ang bruha ang lapad ng ngiti. May boyfriend siguro talaga 'tong babaeng 'to. Tumingin ako kay Pam at tumango lang siya.

"Hoi Bruha bakit ang saya saya mo?" daing ni Pam dun kay Sam.

"Oo nga! Saka bakit ka late ha! Usually masmaaga ka pa samin pumasok," saad ko  naman  sa kanya.

"Heheh!" Ayun lang sinabi at nag peace sign. Magsasalita pa sana kami pero bigla na lang may sumigaw na dumating na si Sir kaya nag si balikan na kami sa mga upuan namin.

"Hindi pa tayo tapos Sam. Pag katapos nang klase kailagan mong sabihin samin kung bakit ka ganyan," pagbulong ko sa kanya at tinignan niya lang ako habang nakangiti.

Ang weird talaga nya ngayon promise. May nakain siguro yang babaeng 'yan na gayuma para maging ganyan 'yan. Freaky xD

"Good Morning klase," bati ni Sir.

"Good Morning Sir Dulfin," bati naming lahat. Oo, Dulfin ang pangalan ni Sir. Yung parang dolphin na lumalangoy at marunong tumalon-talon sa tubig. Ayon nga lang hindi marunong si Sir lumangoy.

"Today meron tayong limang estudyante na magaattend ng ating klase kaya please everyone maging mabait kayo saka nila. Come on New Students," sabi ni Sir at napatingin naman kaming lahat sa pintuan.

Throbbing LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon