Throbbing Love 24

147 8 0
                                    

Doki ☆:  Strangers 

Raiden's POV 

"Miss ko na si Sam." Malungkot na sinabi ni Jake. 

"Miss mo? Diba nag uusap kayo?" Tanong ko habang nakatingin sakanya at siya naman nakatingin kay Sam na nasa kabilang bahagi nang klaseroom kasama sila Jhace. 

"Pano kami maguusap kung pag nagkikita tayong pito parang lang tayong invisible sa paningin nila? *Tingin kay Xavier* Kasalanan mo kasi to Xavier ee!" Asar nyang sinabi at binato si Xavier nang papel. 

"Tsk! Tumigil ka nga dyan. Kung gusto mo siyang kausapin e di kausapin mo. Parang pinipigilan ka naman namin." Pikon naman na sinabi ni Xavier at dinukduk yung ulo nya sa lamesa. 

4 days na kaming hindi pinapansin nang mga girls simula nang iannounce ni Pam na maging stranger na lang silang dalawa ni Xavier. Pati sa bahay hindi kami pinapansin at kung magkikita man kami lalagpasan lang nila kami na parang walang tao sa harapan nila. 

Tumingin ako kay Skye na kanina pang tahimik at tumitingin lang sa cellphone nya. Parang walang nangyayare sa paligid nya. 

"Hindi mo ba miss si Jhace, Skye?" Tanong ko sakanya. 

"Hindi." Sagot nya habang nakatingin parin sa cellphone nya. 

"Bakit? Akala ko ba mahal mo siya?" Nangilumbaba ako at tumingin lang sakanya habang sila Jake nagbabatohan nang papel. 

Binaba nya yung phone nya tas tumingin sakin. "Alam mo kahit na hindi mo ipakita na miss mo ang taong mahal mo mararamdam na nila yan. Saka ikaw? Miss mo na si Mika no?" 

"Hindi rin. Nagpapasalamat nga ako at walang nangiinis sakin ngayon." Ngumiti ako sakayan pero tinignan lang ako nang poker face. 

"Sinungaling." Mahinang sinabi ni Skye tapos bumalik sa pagtitingin sa cellphone nya. 

Sumilip ako sa kila Mika at nagtatawanan silang apat. Strangers lang nga ba kami sa inyo ngayon? 

Nag balikan na yung mga klasemate namin sa mga upuan nila nung pumasok na yung teacher sa klaseroom. Nagiba narin sila nang mga upuan nila kaya hindi na kami magkakatabi. 

"Good Morning Class." Bati ni Sir Twister. 

"Good Morning Sir." Bati namin pabalik. 

Tumingin si Sir saming apat nila Skye. "Bakit parang wala ata kayong katabi ngayon? *Lumingon kila Mika* Ms. DeCastro why are you all sitting in the back?" Takang tanong ni Sir. 

Napatingin naman kaming lahat kay Jhace nung tumayo siya. Hindi man lang kami pinansin o tumingin samin. 

"Sorry po Sir pero gusto po naming dito na lang umupo sa boung school year. Ayaw po kasi naming maging seatmate ang mga taong hindi namin kakilala." Sabi ni Jhace tas umupo na. 

See sabi ko na sa inyo na stranger na lang kami sa ka nila. Kasalanan kasi ni Xavier to ee! Pati ba kasi ang Ate ni Pam ginawang girlfriend tapos tawagin pang malandi si Pam at narinig pa. Gago kasi yang lalakeng yan ee. 

Jake's POV 

TT^TT Miss ko na si Sam! Ibalik nyo si Sam sakin!  Kasalanan kasi ni Xavier to ee! Pag hindi nya pa inayos to ihuhulog ko silang dalawa nang girlfriend nya sa bangil. 

"At bakit naman ayaw nyong makiupo saka nila? Di ba magkaibigan kayong pito?" Tanong ni Sir. 

Tumayo si Sam. "Sorry po Sir pero simula ngayon burahin nyo na po sa mga isipan nyo na naging mag kaibigan po kami nang mga palakang yan. *Tingin samin nang masama* Kasi para samin wala na sila sa buhay namin." Kalmadong sinabi ni Sam. 

Throbbing LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon