Throbbing Love 25

145 6 0
                                    

Doki ☆:   The Truth

Jhace's POV 

Nasa harapan ko ngayon si Yhanny at pikon na pikon siya sa tinawag ko sakanya. Totoo naman kasi ako ee. Malandi naman talaga kasi siya ee. 

"Alam mo Jhace tumahimik ka na lang kung ayaw mong masampal." Banta ni Yhanny sakin pero ngumisi lang ako. 

"Ako masasampal mo? Kapal nang pagmumukha mo. Hindi ako natatakot sayo Yhanny." Tinaas ko yung isa kong kilay. 

"Pwes matakot ka na. Kasi hindi ba ayan ang specialty mo? Maging matakot na masaktan." Sabi ni Yhanny. 

"Sa tingin mo ang isang taong nasaktan dati hindi magbabago dahil sa kalandian nang kaibigan nya? Kung dati natatakot ako sayo hindi na ngayon." Masungit kong sinabi. 

Yhanny hinding hindi na ako natatakot sayo ngayon. Dati oo takot ako dahil ayaw kong makuha mo si Riku sakin pero ngayon na wala na siya wala na akong kinakatakotan. 

"You B*tch" Sinabi nya at akma nya na akong sasampalin nang pinigilan ko siya . 

"Diba sinabi ko na sayo dati na hindi ako Aso pero alam mo kung ano ka? Isa kang ahas!" Tinulak ko siya papalayo sakin pero nasalo siya ni Xavier. 

"Walangya ka Jhace! Panira ka talaga nang buhay ko!" Galit nyang sinabi. 

"Hindi ako ang naninira sa buhay mo! Ikaw na mismo ang gumagawa nun!" Inis kong sinabi at tinginan siya nang masama. 

"Pwede ba tumigil na kayong dalawa! Saka ikaw Jhace wag mong ginaganyan ang girlfriend ko!" Sigaw ni Xavier. 

Ah so pinipili ni Xavier ang side nang babaeng malanding yan. Pwes sana magsisi ka Xavier. 

"Xavier naalala mo naman siguro yung payo ko sayo diba? Kung ayaw mong makagat nang isang ahas wag kang lumalapit saka nila kasi malay mo pinapatay ka na pala nya." Paalala ko kay Xavier. 

"So ano naman ngayon?" Tinignan ako nang masama ni Xavier. 

"Gusto mo bang malaman kung anong ugali nang babaeng yan?" Tinuro ko si Yhanny at nanlaki naman ang mata nya. 

"Tumahimik ka Jhace." Takot na sinabi ni Yhanny. 

"A-ano yun?" Tanong ni Xavier. 

"Sinabi ko na sayo kung anong kaya kong gawin Yhanny pag sinaktan mo ang kaibigan ko pero hindi ka nakinig instead pumunta ka pa dito para lang ipakita at iparinig kay Pam ang mga walang kwenta mong pagsasalita kay Xavier. Ngayon malalaman nya kung ano ba talagang ang ugali mo." 

Inayos ni Yhanny yung pagkatayo nya at tinginan ako nang masama pero binaliwala ko lang yun at tumingin kay Pam na nakatingin din sakin na parang sinabi na wag kong sabihin. 

"Sorry Pam. *Tingin kay Yhanny* Yang pinapakitang ugali ni Yhanny sayo ngayon Xavier hindi talaga siya yan kasi nang dahil sa ugali nya nawala ang pinakamamahal kong lalake sa buhay ko." Malungkot kung sinabi. 

"Anong ibig mong sabihin Jhace?" Takang tanong ni Skye. 

"Tumahimik ka Jhace!" Sigaw ni Yhanny. 

"Jhace sino ang nawala?" Takang tanong ni Sam. 

Ngayon na ang oras para masabi ko ang totoo. Kung bakit ba talaga ako bumalik dito at kung anong nangyare sa Korea habang andun ako. 

Throbbing LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon