Throbbing Love 14

180 8 0
                                    

Doki ☆ Amusement Park :>

Jake's POV 

"Kung anong number man ang lumabas dito sa cellphone sila ang kapartner nyo sa boung araw. Walang pakialamanan. At walang KJ." Sabi ni Xavier at tumango naman kaming lahat. Pinaandar nya na yung cellphone nya para lumabas yung mga number. 

Ang unang number na lumabas 4, so bale si Jhace at si Skye yun. Ang sumunod na number na lumabas 1, si Pam at si Xavier. Haha! Kakatawa nga yung reaction nilang dalawa ee. Tapos sumunod naman kaming dalawa ni Mimi. Shyt! Sa dami nang babae dito sa group namin siya pa ang ka partner ko. Tapos yung kapartner naman ni Sam si Raiden kaya naman na partner si Mika dun sa boyfriend ni Pam. 

"Teka! Ayaw ko neto!" Angal ni Mimi. 

"Wag kang magalala hindi ko rin gustong maging partner ka!" Masungit kong sinabi. Mas gugustuhin ko pang kasama si Sam kesa sa babaeng to. 

"Ako rin ayaw ko neto." Napatingin kami kay Raiden. 

"Wow sakit naman Raiden." Nagpout si Sam. 

"Hahaha! Sorry peace tayo." Nginitian nya si Sam. 

Psh! Wag mo ngang nginingitian si Sam. Teka lang ha! Di ako nag seselos ayaw ko lang magkagusto si Sam sakanya tapos masasaktan lang. Alam nyo naman yang tipo ni Raiden. Babaero kaya ayaw kong mapalapit si Sam sakanya. 

"See! Ayaw din ni Babe kaya pwede ba isip bata palit tayo nang partner?" Sabi ni Mimi. 

"Kapal nang pagmumukha mo! Sa tingin mo magpapalit ako nang partner after tawagin mo kong isip bata? Hindi no!" Tas binelat ni Sam si Mimi. 

Hahaha! Gustong gustoko talaga ang pang sasagot ni Sam kay Mimi ee. Heheh! Priceless lol!!

"Tsk! Tirisin kita dyan ee." Inis na sinabi ni Mimi. 

"Bleh! Paki ko. Nga pala Mika palit tayo nang partner. Ayaw ko na kay Raiden." Tinulak ni Sam si Raiden kay Mika kaya napasalo mode siya. 

"Te-teka Sam ayaw ko! Okay na ako sa partner ko." Angal ni Mika. 

"Bleh! Wala akong paki!" Tas tumakbo na siya. 

Sumunod naman yung iba at natirang nakatayo kaming apat nila Mika, Raiden, at yung boyfriend ni Pam. 

"Hoi! Tara na!" Sigaw ni Mimi. 

"Tsk! Shyt naman sa malandi pa talaga ako napunta." Bulong ko sa sarili ko at naglakad na rin. 

-FASTFORWARD!- 

Ang dami na nila sigurong nasakyan habang ako ni isang sakay wala akong nasakyan dahil kay Mimi. Bwiset na babae napaka arte. Ayaw man lang sumakay sa roller coaster, favorite ko pa naman yun. Kaya eto kami ngayon naiwan habang yung iba nag ikot ikot na. 

"Bilisan mo nga! Bwiset!" Inis kong utos sakanya. 

"Teka lang.. Ang bilis mong mag lakad." Hingal nyang sinabi. 

Paki alam ko sa babaeng to. Talaga dapat nakipag palitan nalang ako nang partner kay Zynie bwiset. Kesa naman mastuck ako sa babaeng to. 

Naramdaman kong humawak siya sa braso ko kaya tinignan ko siya at nakangiti siya nang malapad. 

"Bitawan mo nga ako. Hindi tayo close para hawakan ako nang ganyan." Inalis ko yung hawak nya sakin pero binalik nya ulit at this time pinatong nya pa yung ulo nya sa braso ko. 

Throbbing LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon