Throbbing Love 16

159 6 0
                                    

Doki ☆: I Like You

Pam's POV 

(Finally Ako na rin ang may POV! Tagal mo Ms. Author ha! Sipain kita ee!) 

Ay naku yung dalawang yun talaga napaka kulit pero ang sweet sa isa't isa. Bakit kaya hindi na lang maging sila no? Ah! Si Sam at si Jake ang tinutukoy ko pala! 

"Grabe ka Pare lakas nang trip mo ha!" Inakbayan ni Xavier si Jake. 

"Ingit ka naman." Parinig ko kaya napatingin siya sakin nang masama. 

"Baka ikaw dyan." Inis nyang sinabi tas naglakad na. 

Kahit kailan talaga panira yang si PaXav na yan! Nakakainis! Alam nyo ba habang magpartner kami nang palakang yan wala nang ginagawa kung di pag tripan ako sa harapan nang mga tao! Nakakainis hindi na tuloy ako sumakay nang mga rides baka pag sumakay pa ako patayin pa ako nang palakang yan. 

"May pa takbo pang nalalaman si Sam. Kahit kailagan talaga ang cute nya pag nahihiya siya." Rinig ko kay Mika. 

"Haha! Kaya nga siya yung pinakamamahal nating bunso ee sating apat!" Tawa ni Jhace. 

"Tama! Diba Pam?" Masayang sinabi ni Mika at pumunta sa harapan ko pero ako naman nakatingin lang kay PaXav na parang kinukulam ko siya. 

"Baka matunaw si Xavier nyan." Tukso ni Jhace kaya napatingin ako sakanya nang masama. 

"Tsk! Tumahimik ka nga dyan!" Inis kong sinabi. 

Tong babaeng to talaga lakas nang pangtrip ee. Nahawa na ata dun kay Skye pag magkasama sila. 

"Ayaw ko nga. Saka aminin mo nga samin Pam may pagtingin ka na ba Xavier?"  Sabay akbay nya sakin. 

"Sira! Tumigil ka nga dyan sa pangarap mong nyan! Ako mag kakagusto sa PaXav na yun? Yuck! Kadiri!" Sabi ko at nag act pang nadidiri ako. 

Totoo naman kasi ee! Nakakadiri naman talaga pag ako nahulog sa isang PaXav na yun. Parang mageexplode yung boung mundo pag nangyare yun.

"Weh! Kadiri daw. Baka mamaya kainin mo yang sinasabi mo Pam." Singit naman ni Mika. 

"As if naman! Saka hindi ba dapat nasa side ko kayong dalawa? E bakit ngayon parang kinakampihan nyo yang PaXav na yan?" Nagpout ako. 

"Aigoo.. Eto naman wag ka ngang ganyan hindi mo bagay." Tukso ni Jhace. 

"Hahaha! Tampo naman to kaagad." Tawa naman ni Mika. 

Mga best friends ko ba talaga to? Bakit parang ang lalakas nang mga trip nila kesa nung kaming apat lang? Nasapian ata sila nang mga Palakang yun. 

Tinanggal ko yung pagkaakbay sakin ni Jhace at hinarap ko silang dalawa. 

"Alam nyo matagal ko nang nanotice to ha! Pero bakit parang ang lalakas na nang trip nyo? Nahawaan na ba kayo nang mga palakang yun?" Tinuro ko silang dalawa. 

"Hala! Hindi kaya malakas ang trip namin! Same lang kaya kami!" Sagot ni Jhace. 

"Oo! Saka kami mahahawa sa mga yun? Never!" Sagot ni Sam. 

"Yeah right! As if naman maniniwala ako sa inyo. Especially ikaw Jhace! Aminin mo sakin sumakay ka sa roller coaster no?" Napatingin kaming dalawa ni Mika sakanya at yung bruha umiwas nang tingin. 

Throbbing LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon