Throbbing Love 20

182 7 0
                                    

Doki ☆: Dense?

Sam's POV 

"ANDYAN NA SIYA!!!!!!!!!" Sigaw ko sa klaseroom at napatingin ang mga klasemate ko sakin pati yung pito. 

"Sinong andito Sam?" Tanong ni Jhace habang tinatanggal nya yung headphone nya sa tenga nya. 

"Sino ba ang hindi natin nakita nang 3 years at pumunta sa America?" Lumapit ako saka nila na naka ngiti nang malapad. 

Napatayo si Mika at mukhang gets naman nya. "What! Andito na siya! Diba next year pa?" 

"No no no! Hehehe! Nakauwi na siya!" Nagtatalon ako. 

Finally! Nakauwi na rin siya! 3 years din kami nag hintay para bumalik si Uncle! Oo ang Uncle namin pero hindi totoong Uncle kasi the same year and age lang kami. Pumunta kasi siya sa America kasama yung kapatid nya pero ngayon nakauwi na siya! 

"Teka nga sino ba yang tinutukoy mo Sam?" Tanong ni Jhace na hindi parin gets kung sino ang sinasabi ko. 

"Yah! Sino ba sa isipan mo ang pumunta nang America?" Pinagsusundot ni Pam yung ulo ni Jhace kaya sinampal ni Jhace yung kamay ni Pam. 

"Wag mo ngang sinusundot ulo ko!" Tinignan nya si Pam nang masama. "Si Renzy ba yung sinasabi mo?" Tinignan nya ako. 

"Opo!" Ngiti ko sakanya. 

"Renzy? Sino yun? Boyfriend mo?" Biro ni Xavier at tinignan si Jake kaya napatingin naman ako sakanya. 

Yung expression nya parang may tanong pero di ko nga lang alam kung dahil ba kay Uncle o dahil hindi nya masolve solve yung math na ginagawa nya. Hindi kasi gumawa nang homework kaya yan gumagawa ngayon. 

"More than pa no! Sobrang close kaya nila." Pang bibiro rin ni Pam. Well di naman biro yun since close naman talaga kami pati narin saka nila. Di ko lang alam kung bakit ganyan sila. 

"So you mean parang mag asawa sila? Ganun ka close?" Pangsingit ni Skye.

Sasagot na sana ako nang bigla naman akong inagawan ni Jhace nang pagsasalita at nagulat ako sa sinabi nya. 

"Asawa? Hehehe! Oo asawa nga nya! Mag iistay nga siya sa bahay ee." Tinignan ni Jhace si Jake. 

AJHDKASHASHA! Tokwang yan! Anong asawa?! E uncle ko lang naman si Renzy ee! Lakas nang trip nila. Saka bakit sila panay tingin kay Jake? Anong meron sakanya? =__="

Bumukas yung pintuan kaya napatigil ako sa pagiisip. Pag tingin ko well namin kung sino napatakbo kaming apat sa may pintuan at niyakap si Uncle. 

"Uncle!" Una kong bati. 

"Puti miss na kita." Niyakap nya ako. 

"Bro gwapo natin ha!" Sabi naman ni Pam at niyakap na si Uncle. 

"Syempre ako pa. Ikaw Sis blooming ha." Sabi ni Uncle. 

Tawagan pala nila sa isa't isa ay Bro at Sis pero sakin Uncle kasi masmabata ako saka nila by 2 months pero the same age parin kami. 

"Ako blooming? Bro naman hindi ko na kailagan yang blooming na yan no! Sa ganda kong to." Mahingin na sinabi ni Pam. 

"Yeah right maganda daw. Alis ka nga dyan! Ako naman miss ko na rin si Bro no." Tinulak ni Mika si Pam nang mahina. 

Throbbing LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon