Throbbing Love 28

65 1 5
                                    

Aleyn's POV 


Excited akong gumising ng maaga ngayon. Hindi pa rin kasi ako makapaniwalang matatanggap ako kahapon e. Ang buong akala ko, out na ako kaagad at ang babaeng nauna sa'kin ang makukuha pero tignan mo nga naman ang tadhana-- Ako ang pinili nila! 

And the award goes to Aleyn Elizabeth Ocampo! Hahaha! 

Tumayo ako papaalis ng kama ko't pumunta sa banyo. Ginawa ko ang kailangang gawin saka bumababa na sa second floor. 

Amoy na amoy ko ang niluluto ni Mamang na sinigang na hipon! Ang paborito kong kainin kahit umaga pa lang. Wala e. Kahit ano kakainin ko sa umaga basta luto ni Mamang. 

"Good Morning Mamang!" bungad ko sa kanya sabay yakap sa likuran niya. 

Sumilip saglit si Mamang sa'kin. "Maganda ata ang gising ng anak ko," nakangiti niyang sinabi. 

Ngumiti naman ako. "Syempre naman po Mamang. Natanggap po kasi ako kahapon kaya pwede na akong mag relax," sagot ko. 

Ibinaba ni Mamang ang sandok at humarap siya sa'kin. Tinanggal ko ang yakap ko kay Mamang pero nakangiti pa rin ako sa kanya. 

"Congratulations. Alam ko namang makukuha mo yan e," she said proudly. "So ano ba ang gusto mong regalo dahil natanggap ka?" dagdag niya. 

Ganyan si Mamang pag may naaccomplish ako sa buhay. Nag ooffer siya ng regalo pero wala akong maisip na pwede kong hiningin since sapat na ang binibigay sa'kin ni Mamang at Papang. Hindi dahil sa mayaman sila. Kung 'di dahil wala na akong pwedeng hiningin pa sa kanila. 

"Mamang naman. Alam niyong hindi ko po kailangan ng regalo." 

"I know that anak pero pag bigyan mo naman ako kahit ngayon lang," she pouted. Ang cute ni Mamang. "Lagi kang tumatanggi sa alok ko e." 

Mas lumawak ang ngiti ko kay Mamang. "Sige na nga Mamang. Kayo na lang bahala kung anong gusto niyong ibigay sa'kin." No choice naman na ako e. 

Malapad na ngumiti si Mamang sa'kin. Niyakap ako ni Mamang ng mahigpit kaya gumanti rin ako sa kanya. Seeing her smile is enough for me. 


Pagkatapos naming kumain ni Mamang kanina. She suggested that me and her go to the mall para daw makabonding naman kaming dalawa since gusto niya daw bumawi sa mga oras na busy siya sa kompanya. 

Hindi ko na siya tinanggihan pa dahil sa totoo lang, miss na miss ko na rin si Mamang. Ang tagal na kasi naming hindi nakakabonding. Si Papang naman, hindi pa siya pwede dahil madami siyang tinatapos kaya ayon. 

"Ang kaibigan ko ang mayari ng mall na 'to. So get whatever you want and I'll pay for it, alright?" ngiting sinabi ni Mamang. 

"Opo Mamang hahaha," tawa ko naman. 

Sabay kaming pumasok ni Mamang sa loob ng mall at wow lang ha! As in wow! Ang daming tao ang andito ngayon. Halos hindi mo na makita ang ibang store sa kadamihan nila. Tapos ang mga daladala nilang bags... Mukhang binili nila ang buong store sa kadamihan. 

"Mamang sino po ba ang kaibigan niyong may ari ng mall na 'to?" tumingin ako sa gilid ko. "Ang dami naman ata ng tao dito ngayon," dagdag ko. 

"Well, her son actually runs this mall along with three of their company. Sa pagkakaalam ko, may isa pang kompanyang inaalagan ang anak niya kasama ng mga kaibigan niya," sabi ni Mamang. 

E 'di siya na ang magaling sa paghahandle ng ganito. Tao pa ba siya sa ginagawa niya? 

"E 'di matalino pala ang anak ng kaibigan niyo Mamang," I saw her smile.

"He is." 

Tumango ako. "Imagine niyo, nagawa niyang patakbuhin ang mall na 'to at tatlong kompanya nila. Yung sa mga kaibigan niya dagdag lang," pag puri ko dun sa lalake. 

"He did graduate as rank 1 in college. He gotten scholarship kahit hindi niya kailangan at pumunta siya sa pinakakilalang school. All the people around him were amazed by how smart he is. Everyone wanted him to be part of their companya. Lahat ng tao gusto siyang makasama sa isang project." 

"Hmm..," sagot ko. 

"But to him, he wasn't good enough yet," ani ni Mamang. 

Napatigil ako sa paglalakad saglit tapos pinagpatuloy ko ulit. "Bakit naman po Mamang? He has it all pero hindi pa rin sapat para sa kanya ang lahat ng yon? Matinde siya ah." 

Pumasok kaming dalawa ni Mamang sa isang store at tumingin-tingin ng mga damit pero habang ginagawa namin yon patuloy pa rin ang kwentuhan. 

"Ang sabi sa'kin ng Mama niya-- He had a girl he loves so much." 

"Anong kinalaman ng love life niya?" 

"She is and was the reason why he did all of those." 

"Ah. E 'di kung ganun, proud yung babae sa kanya dahil sa dami na naaccomplish niya." 

Umiling-iling si Mamang sabay tingin sa'kin. Nagtaka naman ako sa iling niya kanina. Naguguluhan kumbaga. I mean, naging motivation niya ang babaeng mahal niya pero hindi proud yung babae. Ang sakit naman nun. 

"So hindi proud yung babae?" dagdag ko. 

"It's not that she's proud of him," pasuspense na sagot ni Mamang. 

"E 'di ano?" taka kong tanong. 

Napansin kong naging malungkot ang mata ni Mamang. "She died before he can show her all his accomplishment." 

Nagulat ako sa sinabi ni Mamang at para bang may mabigat na bagay sa loob ko. Nanahimik kaming pareho at nabitawan ko ang damit na kinuha ko. 

Mas masakit pa pala ang rason.. Hindi ko naman kasi inaasahang namatay pala si babae kaya hindi pa sapat ang nagawa niya. Kahit ako hindi makukuntento pag nangyare yan sa'kin. Isipin niyo, nawala sa kanya ang babaeng mahal niya. 

Bumuntong hininga ako. "Masakit pala ang rason niya.." comment ko. 

Tumango si Mamang bilang sagot. 


Dahil sa mabigat na usapan namin kanina ni Mamang kanina, we decided not to talk about it anymore pero hindi pa rin ako makaget over sa sinabi niya. 

"Hmm.. Mamang pwede ko po ba kayong iwanan?" 

"Bakit naman?" takang tanong ni Mamang. 

Kinamot ko ang noo ko. "May bibilhin po sana ako sa bookstore. E malayo po dito sa food court at ayaw ko na kayong mapagod. So kung okay lang po sana sa inyo--  Gusto ko sanang puntahan muna habang kumakain kayo," paliwanag ko. 

"Ganun ba. Sige basta bumalik ka pagkatapos mo ah," sabi ni Mamang. 

"Opo Mamang," sabi ko at humalik sa pisngi niya saka iniwan siya sa food court. 

Minadali kong mag lakad papunta sa book store kaso sadyang madaming tao kaya halos hindi ako makalakad ng maayos. May daanan pa naman silang tinitira pero palusot-lusot lang ako dun ngunit nadudumog din ako. 

Ang pinakamahirap pa e yung pabango nila. Pinaligo ata ang pabango nila e. Masakit sa ilong grabe! Saan na ba ang waterhose para naman mapaliguan ko ulit sila gamit ang dove na sabon. Grabe kasi sila magpabango e. 

Tinakpan ko ang ilong ko kaso walang effect. Mas lalo ko lang  naamoy ang mga pabango nila. Pakiramdam ko magkakasakit ako dahil sa kanilang lahat. 

"You'll become ugly if you make that kind of face," biglang may bumulong sa'kin. Amoy mint candy siya. 

Agad kong nilingon ang taong niyo kaso nabigo ako dahil wala na siya. Pati ang mint candy na amoy niya e napalita sa mga amoy ng pabango. 

Sino kaya ang nag sabi nun?


-----------------

a/n: Waah! Sorry sa late ud. Hindi ko alam kung anong isusulat ko e xD hahaha! Sana magustuhan niyo :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Throbbing LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon