Throbbing Love 11

195 8 0
                                    

Doki ☆: Tagaytay Pt. 3- Masakit

Mika's POV 

Kakagising ko lang at ang aking mga mata magang maga sa kakaiyak kahapon. Hindi ko talaga alam kung bakit ako ganito pero alam ko na kailagan kong iwasan si Raiden at yung babaeng Lintang yun. 

Bago ako pumunta sa banyo kinuha ko muna yung phone ko at tinignan ko kung may nag text o tumawag. Wala naman kaya dumiretsyo na ako sa may banyo at naghilamos at nag toothbrush. Pagkatapos nun tinitigan ko lang ang sarili ko sa salamin. 

"Kaya mo to Mika. Iiwasan mo lang siya kagaya nang ginagawa mo dati." Pangaalala ko sa sarili ko tapos umalis na ko sa banyo at umalis na rin sa kwarto para bumaba. 

Habang pababa ako nagring yung phone ko kaya chineck ko kung sinong tumatawag at si Ian pala. 

[Hello Vernadett?] 

"Oh Ian napatawag ka?"

[Yeah.  Good Morning. Yayayain sana kitang mag breakfast pwede ka ba?] 

"Breakfast? Yeah pwede ako. San ba tayo magkikita?" 

[Sa *TOOT TOOT* Restaurant na lang.] 

"Sige kita kits na lang. Bye." 

Binaba ko na yung phone ko at kinuha ko yung bag at susi ko na nakahang lang sa may pintuan. Tulog pa ata sila kaya aalis na lang ako at hindi na magpapaalam para hindi ko sila maistorbo. 

Palabas na sana ako nang bahay nang marinig ko yung boses ni Raiden na parang kanina pang kakagising. 

"Mika ang aga mo atang lalabas." Rinig ko sakanya. 

"Yeah. Geh Bye." Sabi ko at nang akma ko nang bubuksan yung pintuan narinig ko na naman siyang nagsalita. 

"San ka pupunta?" Wag mo nang sasagotin Mika at umalis na lang. Iwasan mo siya. 

Hindi ko na siya inimik at lumabas na lang. Kailagan ko na talaga siyang iwasan para hindi na madevelop ang kung ano man tong nararamdaman ko. 

Naglakad ako sa kotse ko at pumasok sa loob. Tsaka ko pinaandar at nag drive na papaalis nang park way namin.  The same parin yung kotse na ginamit ko since eto lang ang meron ako ngayon.

Sobrang bilis kong magdrive pero wala akong pakialam. Wala pa naman masyadong kotse kaya okay lang basta makaalis lang ako nang malayo sa bahay na yun kung saan ayaw ko na ngayong bumalik pa. 

Nakarating na ako ngayon sa restaurant na sinabi ni Ian. Hinihintay ko lang siya ngayon natraffic daw siya since masmalayo siya sa lugar nato. 

"Good Morning Ma'am what can I get you?" Tanong nang Waitress. 

"Ah mamaya na lang ako magoorder hinihintay ko pa yung kasama ko." Sabi ko.

"Okay po Ma'am. Tawagin nyo na lang po ako pag gusto nyo nang magorder." Sabi nya at umalis sa harapan ko. 

Nilabas ko yung salamin kong maliit at sinout ko yun, buti na lang nga at palagi kong dala ee kung di kitang kita na ang pagkamaga nang sobra nang mata ko. Kahit na kunti lang gusto ko mawala yun. 

Nakaramdam ako nang tapik sa braso ko at pagkatingin ko si Ian na pala kasama nya yung Ate nya. 

"Ate Cherish! Long time no see!" Bati ko sakanya at tumayo pa talaga. 

"Long time no see Mika. Gumaganda ka ngayon ha!" Kiniss nya ako sa pisngi ko. 

"Naku Ate dati pa akong maganda." Sabi ko naman sabay tawa. 

Throbbing LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon