Throbbing Love 18

174 6 0
                                    

Doki ☆: Ako? Nagseselos? Asa!

*Yawn* Hay Monday na naman. Kailagan na pumasok ulit at umupo sa mga boring na klase. Sana wala sila Sir at Ma'am para makatulog ako sa klase nila.

"Hoy Jhace yung pagkain mo lumalamig na!" Sigaw nang malaking bunganga ni Mika.

"Oo bababa na!" Sigaw ko pabalik.

Grabe ang bunganga parang nakakain talaga ang megaphone. Pano kaya yun bumulong? Lol! Tinatanong ko pa ba yun kung ako ang bestfriend? Hahaha! Oo tinatanong ko!

"Kain na Jhace." Aya ni Pam.

Umupo ako sa upuan ko. Nasa kusina na pala ako at kaming apat palang ang andito. Yung mga lalake? Malay ko kung nasaan sila. Basta ang alam ko lang gusto ko nang kumain.

"Hindi nyo ba yayain yung mga lalake?" Tanong ni Pam kaya napatigil kami sa pagsusubo at tinignan siya.

Ang aga aga kailan pang makisama yung mga yun? Di ba pwedeng kaming apat muna ang magsama? Panira lang kasi sila ee.

"Oh bakit ganyan kayo makatingin?" Bajataas tybg dalawang kilay ni Pam.

"Wala." Sabi ko at sumubo ulit.

"Mika yung ketchup nga." Utos ni Sam.

"Eto oh. Paki pasa nga yung bacon Jhace." Utos naman ni Mika sakin habang inaabot nya yung ketchup kay Sam.

"Yan oh!" Inabot ko naman yung bacon.

"Tsk! Yan na naman kayo sa iwas." Sabi ni Pam.

"Lam mo Pam hindi kami umiiwas." Pang eexplain ni Sam habang kinakaway kaway yung tinidor sa kamay nya.

"Kung hindi kayo umiiwas ba't di nyo matawag yung mga lalake para kumain?" Sabay inom nya nang juice.

"Hindi ba pwedeng tayong apat muna ang mag sama?" Tanong ko.

Diba? I mean palagina lang kasi pasingit singit yung mga yun ee pag gusto naming mag moment nang mga bruhang to.

"Pwede pero para saan pa ang school kung hindi tayo pwedeng mag spend nang time dun?" Aish! Dami namang alam ni Pam ngayon.

Nahinto kami sa pagsasalita nung may narinig kaming humikab at naglalakad papunta samin. Nung nakita namin kung sino napatayo ako habang hawak hawak yung plato ko at pumunta sa living room.

"Oh Jhace san ka punta?" Tanong ni Mika.

"Living room ayaw kong kumain kasama ang palaka." Sabi ko at pumunta na sa living room at umupo sa sofa.

Si Skye pala yung tinutukoy kong palaka. Hindi ko siya iniiwasan ha! Ayaw ko lang kumain dun baka mawalan ako nang gana. Para bang ang sama ko ngayon? Well meron kasi ako at pag nakakakita ako nang palaka instand kill kaagad ang ginagawa ko.

"Skye kain na." Rinig kong inaya ni Pam si Skye.

"Salamat. Gisingin ko lang yung iba." Sabi ni Skye at narinig ko siyang naglalakad sa likuran ko pero eto lang ako nageenjoy kumain.

"Hmm! Sarap naman netong bacon nato." Masaya kogn sinabi at isusubo ko na sana nang biglang may kumain. Tinignan ko kung sino si SKye kya napatayo ako.

"Yah! Pagkain ko yan ha!" Tinuro ko siya.

"Oo nga masarap nga." Sabi nya at ngumisi pa ang loko.

Throbbing LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon