Chapter two
"BRITNE'Y FIRST LOVE"
[ Britney's POV ]
Waaaaah!! Wala na naman si Rain ko. nag cut na naman sya. Sayang di ko sya nasundan. Asan na Kaya yun?
Oh well hello sa inyo i'm Britney Spears..hehe joke...Britney Spencer po...18 na po ako at kung nagtataka kayo kung bakit ko po ako dikit ng dikit kay Rain e dahil po sya ng first love ko. i'll repeat,,,sya ang first love ko. Kaibigan sya ni Kuya Raven. Yup kuya ko po yun. Nakilala ko si Rain dahil kay kuya. At dahil gwapo si Rain ay nagustuhan ko sya agad. pero di lang naman iyon ang dahilan e kasi ewan ko ba dun. Sya lang po kasi ang lalaking di tinatalaban ng beauty ko no. Sabi nya ayaw nya daw sakin e. E bakit kaya? Maganda naman ako ah, at saka sexy at saka maganda, at saka mayaman, at saka maganda at saka sweet at saka maganda. Hehe. Ulit ulit yung MAGANDA...e sa maganda naman talaga ako e. look at my pic sa gilid---->
O di ba? Marami nga ang nagkakagusto sakin e bakit si Rain ayaw sakin? Oo minsan may pagkaflirt ako pero dahil din naman sakanya yun e. gusto ko kasi mapansin nya ako. As in! Ewan ko ba kung bakit ako nagtityaga sa kanya e andami namang may gusto sakin. Rain is so different kasi. Hindi sya yung tipo ng lalaki na nagtatake advantage. Kahit nagsusuot ako ng mga daring clothes, kahit kita na hinaharap ko e di sya nagtatake advantage no. Di nya nga ako tinitignan kapag ganun ang mga suot ko. And i find it so CUTE! Kung sa iba yun malaman sinunggaban na ako. Hihihi. Yan ang malanding tawa ko.
May mga naging bf na rin ako, pero si rain talaga gusto e so ayun, di kami tumatagal ng mga nagiging bf's ko.
O eto pa alam nyo ba na magaling sa motor racing yan si Rain. Oo! AStig yan e. Dtan nga sila nagkakilala ni kuya kasi mahilig din dun ang kuya ko. Nga pala, Si Rain lang naman ang defending champion nila. Wala pa kasi nakakatalo sa kanya. May mga nanghahamon pero wala. Taob sila. So ayun, minsan pinapanood ko laban nya pero ayaw kasi akong payagan ni kuya so kelangan ko pa tumakas. Minsan nakakalusot, minsan hindi.
At eto pa.hihi sige ako na tsismosa...pero I'm just telling kung pano ko nagustuhan si Rain e.
So eto nga, he saved me. Sya ang knight in shining armor ko. Nung 15 kasi ako muntik na ako noon makidnap ng mga nakaaway ni Kuya Raven. Tinambangan ako ng mga pangit na lalaki noon sa likod ng school tapos biglang dumating si Rain para iligtas ako. I can still remember yung time na yun...
*FLASHBACK*
"Sino kayo? Ano ba bitawan nyo nga ako!!!" pilit akong nagpupumiglas sa mga pangit na lalaking nakahawak sakin.
"Ikaw yung kapatid ni raven di ba? halika sumama ka saamin. may utang yung kapatid mo at ikaw ang magbabayad noon! "- sabi nung isang pangit na lalaki
"Ano ba!!!"- sigaw ko
Nagtatawanan sila habang pilit akong kinakaladkad pasakay sa isang van.
"TULONG! ANO BA!! BITAWAN NYO AKO!! TULOOOOOONG!" - sigaw ko
"Let her go! "
Biglang napatingin ang lahat sa lalaking nagsalita.
"At sino ka naman?" - tanong nung pangit number 2
""I said let her go" - sabi nya
"Abat keyabang naman pala nito e. Gusto mo upakan ka namin ha?" Sabi nung pangit number 3
"Puro ka satsat "- sabi nung lalaki.
Napikon yung mga pangit na kumikidnap sakin binitawan nila ako at sumugod sila doon sa lalaki. Pinagtulungan nila yung lalaki pero wow lang ha. grabe ang lakas nya. Suntok dito. Suntok doon. At maya maya pa ay tulog na lahat ng mga pangit. Akalain mo yun? Mag isa nya lang tapos natalo nya yung 6 na pangit. Bigla akong napatakbo at yumakap sa kanya.

BINABASA MO ANG
Be your Girl
Teen FictionMy name is Rain...and four confessions changed my life. What will I do? Who will i choose? The nerdy ? The Quirky girl? the flirt? or the boyish one?