Chapter Eight
"LOVE AT FIRST SIGHT"
[ Briney's POV ]
Asan na naman kaya si rain? After the class eh bigla na lang nawala. Lunch time na ah...
Naglakad lakad ako para hanapin sya tapos nakita ko si Cyrus kaya tinanong ko sya.
"Uy Cy nakita mo si Rain?"
"Di eh..."
"Ah okey. palagi yun nawawala pag ganitong oras. San kaya nagpupunta yun?"
"malamang tinataguan ka. Hahahaha"
"Che!"
"oh pikon ka na naman..hahahaha"
(Picture ni Cyrus on this side===================>)
Ambwisit talaga etong Cyrus na to kahit kelan oh. Hinigit ko ang kamay nya at kinalakadkad. Mwahaha..pambawi man lang..
"Uy Britney san mo ko dadalhin?" reklamo nya
"Samahan mo ko sa canteen, hanapin natin si Rain dun."
Sa canteen....
Nasa may entrance ng canteen kami ni Cyrus. Nagpalinga linga ako para hanapin si Rain. San kaya yun? Text ko nga muna.
Kinuha ko yung cp ko sa bag at nagsimulang magtype ng message. Sasabihin ko kay Rain na hihintayin ko sya dito sa canteen.
"Uy Britney.." - Cy
"Bakit?' - ako habang nagtetext
"Britney..."
"Bakit nga?" nasa cp pa rin ang mata ko dahil nga nagtetext ako tapos itong Cy na to kulit kulit, Niyuyugyog ako.
"Paki pulot..." - Cy
Pakipulot? This time tumingin ako sa baba para tignan kung ano man yung sinasabi ni Cy na pulutin ko daw e wala naman kaya bumalik na lang ako sa pagtetext
"Britney...Pakipulot .." - Cy
Napindot ko na yung send. Ayan natext ko na rin sa wakas si Rain. At eto namang Cyrus na to...
Tinignan ko sya ng masama.
"Ano bang pupulutin ko?" - galit na tanong ko
"Paki pulot..nahulog...." - Cy
"Ano? Anong nahulog e wala naman! " -galit na sabi ko sabay tingin na naman sa baba para tignan kung meron ngang nahulog e kaso wala naman talaga. Naku..babatukan ko na etong Cyrus na to e. Binalik ko ang tingin ko sa kanya at pansin ko na nakatulala sya. Anyare?
"Britney.........nahulog.........nahulog yung....
puso ko...paki pulot..." - Cy
WHAT? Anong pinagsasabi neto? Tumingin din ako sa direction na tinitignan nya at nakita ko sa isang table sa may dulo ng canteen ang isang babae. Hmmmm simple lang naman sya. Okey lang yung itsura nya, pero taob pa rin sya sa alindog ko no.
Wait lang...kasama ba nya si Rain ko? Grrrrrrrrr. Whats the meaning of this?
Naglakad ako papunta sa table nila Rain at yung babae na tinignan ni Cy. Kakalbuhin ko yung babaeng yun makikita nya
"Hi Rain..' - bati ko
Napatingin naman si Rain sakin at yung babae.
"Can i join you?" - tanong ko pero umupo na rin ako sa tabi ni Rain bago pa sila makasagot sa tanong ko.
"Andito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap.." - sabi ko kay Rain sabay pulupot ng kamay ko sa braso nya. Nakita ko naman na umiwas ng tingin yung babae. Huh!

BINABASA MO ANG
Be your Girl
Fiksi RemajaMy name is Rain...and four confessions changed my life. What will I do? Who will i choose? The nerdy ? The Quirky girl? the flirt? or the boyish one?