Chapter 13. LOVErary

40 6 0
  • Dedicated kay Pobelen Dionio
                                    

Chapter twelve

"LOVERARY"

[ Rains POV ]

Pagkatapos ng laban ko sa pakshet na Ash na yun di ko na sya matunton. Pinapahanap ko sya kay Raven. Di naman daw kasi sya nagpapakita. Di naman kasi namin kilala kung sino ba talaga yung Ash na yun. Si Mac naman ang feeling na naghari harian sa Death Road na teritory ko. kala mo naman sya yung nakatalo sakin. Arggghhh!

Nab-bwisit talaga ako kaya nga lately si abnormal na Levy ang pinagtritripan ko. Ang sarap pala nya asarin. Dahil sa pang aasar ko sa kanya medyo gumagaan ang feeling ko. Naisip ko tulot ayos may pakinabang naman pala sya kahit puro sunog luto nya at least medyo natutuwa na ako pag inaasar ko sya. Ano kayang gagawin kong trip sa kanya mamaya? Agawin ko kaya ulit ung favorite nya stufftoy na Hello Kitty.

Naghihintay na ako sa library. Hinihintay ko si Ringgo, yung tutor ko. Ewan ko ba don at talagang pinagtytyagaan akong turuan. Well okey lang naman. May mga natutunan din naman ako sa kanya. Naalala ko na kung sino sya. One time kasi tinitigan ko sya ng husto kasi nga parang feel ko eh nakita ko na sya dati at ayun nga! Dahil sa matalino ako...Oh walang aangal...sapakin ko kayo...naalala ko na sya yung nerd noon na pinagtritripan. Yung umiiyak. Oo sya nga yun. Di ako pwede magkamali. Pero dati nerd sya eh bakit ngayon di na? Nag iba na itsura nya. Well not that much pero at least di na sya mukhang kawawa. Hmmff, asan na ba sya bakit sya ata ang late ngayon? malapit na mag 11. Nalaman ko nga pala kay Blue na type ata ni Cyrus si Ringgo. Ang chismoso talaga ni Blue. Oh well matanong nga si Ringgo kung single pa sya.

 ...........................................................................

[ Ringgo's POV ]

"Uy Ringgo..ano na?" - tanong ni May

"Anong ano na?"

"Anong balita sa inyo ni Rain?" 

"Wala naman.."

"Wala as in W-A-L-A? Di ba kayo naging close or something nung mga nakaraang araw. Aba't three weeks ka na nyang tutor ah. Wala pa rin bang nagyayare?" - May

"Eh ano bang dapat na mangyare?" curious na tanong ko e sa hindi ko siya gets eh.

"Duh? Wala man lang improvement? Di ka pa rin ba nya napapansin? Di pa rin ba kayo close? Wala pa rin? Di pa rin sya tinatablan ng ganda mo?" - May

Ano bang pinagsasabi netong si May. Nakakahiya tuloy.>.<

"Eh wala nga May wag kang magulo dyan. Hanggang tutor lang naman talaga ako. Yun lang yun. At isa pa imposible namang makagusto yun sakin eh..."

"Cheer up Ringgo. Wag muna mawalan ng pag asa."

Kyaaahhh. Si May talaga kahit kelan oh. Alam ko pinapalakas nya loob ko pero eh kasi naman, mali kasi na umasa ako. Sino ba naman kasi ako para magustuhan ni Rain. Eh naman eh. Sinusubukan ko na ngang tanggapin na wala akong pag asa tapos kung maka 'cheer up' naman tong si Mey eh.

"Uy 11 na Rinngo. Gora ka na dun sa LOVERARY." - sabi nya.

"Loverary?" - nagtatakang tanong ko.

"hehe e kasi yun yung place nyong dalawa ni Rain. Lagi kayong magkasama sa library at since doon kayo ehem nagkakamabutihan at nagkakasama.  kaya tawagin nating LOVERARY ang library.Oh gets? Kaya bilisan ang moves Ringgo para nga magkatoto ang LOVERARY!" - May

>.< Hay ikaw talaga May. Bakit ba di ka nagmana sakakambal mo na si June na tahimik lang.

Pumunta na ako sa library at nakita ko si Rain sa may isang table sa may bandang dulo. Wala naman masyadong tao ngayon.

Be your GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon