Chapter 3. The Bet

77 7 0
                                    

Chapter Three

"THE BET"

[ Rain's POV }

Im on my way to Death Road. May laban ako ngayon ng motor Racing. Death road ang tawag doon sa lugar kung saan ginaganap ang karera at kung saan ako ang hari. 

2 Years na ako ang defending champion at wala pang nakakatalo sakin pagdating sa motor racing. . May mga challenger pero wala silang binatbat. Pero ngayon ay excited ako dahil si Dragon ang makakalaban ko. Sa pagkakaalam ko Mike ata pangalan nya pero mas kilala sya bilang Draogon at balita ko sikat din sya sa kanila na magaling sa Race.

Andito na ako. Aba't katulad ng inaasahan madaming tao. Bigtime ata etong si Dragon. Akalain mong ipusta nya ang apartment nya,  at pati na rin yung motor na gamit nya. Sa pagkakaalam ko 3 yung pinusta nya e..Di ko lang alam kung ano pa yung isa. Pero excited na ako. Si Raven ang nagset ng laban. Well, ako pinusta ko ang title ko bilang champion at pagnatalo nya ako ay ibibigay ko rin itong motor ko sa kanya at sya na bagong hari dito. As if naman na magpapatalo ako.

Naglibot muna ako para hanapin ang mga kasamahan ko. Andito na sila at ang ilang mga taga suporta ko. 

"Goodluck tol!"- raven

"Galingan mo!"-Red

"Alam naman naming ikaw ang mananalo."- Cyrus

 (Si Red yung nasa picture sa gilid =============>)

Maya maya pa ay dumating na rin ang grupo ni Dragon. Mga 4 lang sila. nakita ko ang motor nya. Wow ganda ng motor nya. Mamahalin pa. Di bale..ilang saglit na lang ay mapapasakin ka na!!!

Inabot ni Raven ang isang papel. Actually, kontrata yun ng mga ipinusta namin. Pumirma ako. At ganun di si Dragon. Inanounce na rin ang rules ng laban at ang ruote namin. Well 2 lang naman ang rules e, Bawal mangdaya at unahan lang sa finish line. Madali lang di ba? Pero yun ay kung matiwasay ang daan. Ang kaso ay hindi e. Kaya nga ito tinawag na Death Road ay dahil dilikado dito. Dilikado ang daan sa karera. Well good luck sa kanya. At saakin din.  

Sumakay kami pareho ni Dragon sa motor namin at pumwesto sa starting line.

"On Your Marks....

Get set....

GO!!!" - Sigaw ng Starter sabay wave ng flag pababa. Signal na nafsimula na ang race.

Pareho kaming humarurot sa daan. palakasan kami ng inggay ng motor. nairinig ko pa ang hiyawan ng mga tao bago kami tuluyang makalayo sa starting line.

VROOOMMMMMM!

............................................................

[ Britney's POV ]

I know Rain will win. Andito ako sa finish line as a flag girl. Haha. Well kahit alam ko na delikado ang ginagawa ni Rain todo support pa rin ako sa kanya..kasi masaya ako kung saan sya sya masaya.

O sige ako na ang cheezy! (*O*)

Nagtext na si Red na nagstart na daw e. Sana manalo si Rain. Well no doubt kasi magaling naman sya e. 

5minutes later...

[ Britney's POV pa rin..]

Ayan na naririnig ko na ang tunog ng mga motor nila. Di ko pa sila matanaw kaya di ko pa sigurado kung sino ang nauuna sa kanila. Basta sigurado akong si Rain yun~

Maya maya pa ay anjan na! At tama ako. Mabilis ang pag arangkada ng dalawang magkalaban pero as expected...

Binaba ko ang flag na hawak ko sa left hand ko ng makarating si Rain sa finish line. Oo. Sya ang nauna! NAtalo nya yung kalaban nya!HURRAY! / (^___^) \

Hininto nya ang motor at inalis ang helmet nya. Ahooooooy..gwapo!

Tumigil na rin yung kalaban nya at tinangal ang helmet nya saka ibinato sa lapag. oooooo haha di sport si kuyang! Gigil na gigil sya dahil sa inis. 

"RAIN!!!!" - sigaw ko habang tumatakbo papunta sa kanya para bigyan sya ng congratulations hug!

 *Hugs*

"Uy ano ba...wag mo nga akong yakapin!"- reklamo ni Rain

.................................................................

[ Rain's POV ]

Kanina sa laban alam kong lamang ako. Naman. E ang pagong nya e. kala ko pa naman magaling sya. Wait baka nga naman di sya pagong..sadyang mabilis lang talaga ako!!!Pero ayos! Akin na ang motor nya...ang apartment nya..at ako pa rin ang hari dito..

"RAIN!!!!" - sigaw ni Britney na papalapit sakin.

  *Hugs*

"Uy ano ba...wag mo nga akong yakapin!"- reklamo ko

Ano ba tong babae na to. Bakit ganito suot nya?Nagdamit pa sya kung kita na halos lahat. Ang lamig kaya..ako ang giniginaw para sakanya.

Pilit ko syang tinutulak para bumitaw sa pagkakayakap sakin. Nakakailang kaya. Ang daming tao.

Nang kumalas na sya sa pagkakayakap ay nagsilapitan na nga ibang mga tao dito para purihin ang kagalingan ko..este, i congrats ako...di ba ganun din yun?

Inis na inis naman si Dragon. Well, this life. Minsan talo..pero ako, palaging panalo. HOHO

.....................................................

RAIN'S HOUSE...

KAkauwi ko lang at ang lapad ng ngiti ko. Naku! Kung nakita nyo lang itsura ni Dragon. Hahasobrang bwisit nya sa pagkatalo nya. Inasar pa sya ng mga kaibigan nya. tama ba yun? Imbes na icomfort e, pinagtawanan pa sya. Oh well I dont care pa rin basta panalo ako at may idadagdag ako sa mga collection ko ng motor. Ano kaya pwede ko gawin sa apartment nya. paupahan ko kaya sa iba..o kaya ibenta ko para may pera ako

Pagbukas ko n pintuan nakita ko ang mga maleta sa sala.

"Maaaaaaa!" sigaw ko

"O Rain anjan ka na pala.."

" Ano itong mga ito? "

" Maleta "

" Alam kong maleta ito bakit? ngayon ka na ba aalis? "

"Yup. Kanina ko pang umaga sinsabi sayo di ka kasi nakikinig. Tara hatid mo ko sa airport "

Ngayon pa la ang alis ni mama papuntang States. Alam ko naman na pupunta sya doon e kasi last year nya pa balak pumunta doo para daw magkasama na sila ni papa e pero bakit parang paki ramdam ko parang ang lungkot ko? Eerrrr!!! Never mind na nga lang!

Nasa labas na kami ng airport. Ayaw na akong papasukin ni mama sa loob at baka daw e maiyak ako. What the F.ck? Ano ako bata na.

" Sige na Rain..anak aalis na si mama..pakabait ka ah..tigil mo na lahat ng kalokohan mo ah...humanap ka na rin  ng girlfriend at ng tumino na yang buhay mo. I love you anak..uhuhuhu " - mama. 

Niyakap ako  ni mama. Naiinis ako sa mga pinagsasabi nya. Ano ba yan. May pa iyak iyak pa syang nalalaman dyan e kala mo di na kami magkikita. 

"Sige na ba bye na.."

At tuluyan na syang naglakad papasok sa loob. Naiwan lang ako dito sa labas st pinagmamasdan sya lumakad. Bakit ganito? Parang may masikip sa dibdib ko? Bigla na lang nasambit ng mga bibig ko ang salitang....

" I love you too mama...."

Eeeeeeeeeeeeeeee!!

Ano ba yanng punagsasabi ko. Makauwi na nga!

Be your GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon