Chapter Thirteen.
"MAY PUSANG DUMAAN"
[ Rain's POV ]
Uwian na. Hay sa wakas. After ng tutorial sakin ni Ringgo, naglunch lang ako saglit kasi gutom na ako at saka may pupuntahan ako eh. Bibili pala ako ng regalo para kay Britney kasi birthday nya bukas. Ayoko sanang pumunta kaso baka magwala naman yun so pupunta na lang ako. Ibibigay ko lang yung gift tapos uuwi na rin ako. Hahanapin ko yung Ash na yun kahit anong mangyari. Babawi ako sakanya.
Susunduin ko sana si Levy para sya na lang sana kasama ko bumili tutal babae sya baka makatulong sa pagbili ng gift kaso eh wag na lang. Baka may ipabili nanaman sya eh. Parang yung gitara na pinabili nya sakin, kala ko naman marunong sya gumamit di naman pala. Ang mahal pa naman ng bili ko dun. Hay kaloka kasi kasama yung abnormal na yun e..So sino ba pwede ko isama. Si Blue kaya? Eh kaso kanina ko pa sya hinahanap eh di ko sya mahagilap.
"Ringo!"
Nakita ko si Ringgo na naglalakad. Ewan kung ano pumasok sa isip ko at tinawag ko bigla.
Lumapit sya sakin.
"Rain...bakit?"
"May gagawin ka ba ngayon?"
"Ha?"
"Samahan mo naman ako may bibilhin lang ako."
"S-sige.."
Ang bait naman neto. Pumayag sya. Well okey na to. Sya na lang papi[piliin ko ng magandang gift tutal babae naman sya.
........................................................
Sa mall..
"Ano magandang pang gift?" - tanong ko
"Ha? sa boy ba o sa girl?" Ringgo
"Sa girl.." -ako
"ah.." - sya.
Psh. problema neto? Bakit lumungkot mukha nya?
......................................................
[ Ringgo's POV ]
Ayos ang saya ko talaga. Eh sinama ako ni Rain dito sa mall eh kaso...
"Ano magandang pang gift?" - sya
"Ha sa boy ba o sa girl?" tanong ko
"Sa girl.." -sya
"ah.."
Ewan pero nalungkot ako kasi sabi nya eh sa para sa girl yung bibilhin nyang gift. Nililigawan nya kaya. Haist. Sarap magpakamatay.
"Tara dun sa mga damit." sabi nya.
Pumasok kami sa isang botique. Ang daming magagandandang damit. Tumingin tingin ako. Ganun din sya. Nakakita ako ng isang pink na dress. Ang ganda.
"Uy Ringgo.."
"Bakit?"
"Sukat mo nga to."
Tapos ay ibinigay nya sakin yung mga damit na napili nya. 3 yun eh.
Pumasok ako sa fitting room. Sabi nya sukatin ko daw eh. Una kung sinukat yung yellow dress na tube. Fitted sya at di ako kumportable.
Lumabas ako safitting room at nahihiyang humarap sa kanya. >__<
"Sukat mo pa yung iba" sabi nya
Oh di sinukat ko naman yung isang violet na dress na sleeveless pero knee level naman. Lumabas ako at ipinakita sakanya.

BINABASA MO ANG
Be your Girl
Teen FictionMy name is Rain...and four confessions changed my life. What will I do? Who will i choose? The nerdy ? The Quirky girl? the flirt? or the boyish one?