Chapter One
"DAMSEL IN DISTRESS"
[ Rain's POV ]
KRIIIIIIIIIINNNNNNNNGGGGGGG!!!
Aray ang sakit naman sa tenga nitong alarm clock na to. Anong oras na ba?
okey 7 AM na pala. maya pa pasok ko..tulog muna ako.
"RAAIIIINNNNNN!! HOY GUMISING KA NA DYAN! WAG MONG SABIHING DI KA NA NAMAN PAPASOK!!!!"
Napatakip ako ng unan sa tenga. Sigaw na naman si Mama. BAhala nga sya dyan. Ayokong
pumasok.
"RAAIIIN ISA PA! PAG DI KA TUMAYO DYAN BUBUHUSAN KITA NG MAINIT NA TUBIG!"
F.ck! oo na sige na tatayo na. Bwisit na buhay to. Bakit ba kasi kelangan ko pang pumasok sa
school.
Naligo na ako, nagtoothbrush at nagbihis. Bumaba ako sa kusina para mag breakfast. Kasabay ko si mama kumain at as usual, puro talak na naman.
"Hoy ikaw Rain, ayusin mo naman yang buhay mo. Kelan ka ba magpapakatino? Sana man lang bago pumuntang America ay magbago ka naman kahit konti!"
Blah.Blah.Blah. Bakit ba ang iingay ng mga nanay? Pagkatapos kong kumain ay lumabas na ako ng bahay at sumakay sa motor ko. Papasok na ako.
*sa Quince University*
Ipinark ko ang motor ko at naglakad na ako papasok ng University. Sinalubong ako ng mga kaibigan ko.
"Oy dudes!!!" - Red
"Oy"
"himala at pumasok ka." - Raven
"Si mama kasi"
"Mama's Boy?" - Red
"PAtawa ka. Gusto mo bangasan ko mukha mo?" - ako
"Joke lang naman pare e..." - Red
Naglakad na ako at pumunta sa classroom ko. umupo ako sa upuan ko at pumikit. Bumilang ako ng tatalo..
isa...
dalawa......
tatlo................
"Hi Rain! " - sabi ni Britney sabay pulopot nga kamay nya sa braso ko. Sabi ko na nga ba. Bakit ba ganito sya? Kung makapulupot daig pa ang linta sa sobrang kapit. Di ba sya aware? Babae sya at kapatid pa ni Raven na kaibigan ko. kahit papano ay iginagalang ko sya.
"What do you want?" - tanong ko without looking at her
"Hmm..You. I want You!!" - sabi nya sabay giggle
I just looked at her with my cold eyes.
"Can I sit beside you?" - tanong nya
E ano pa nga ba ang magagawa ko eh kahit palayasin ko sya sa tabi ko ay di naman sya susunod. Nagtanong pa.
........
Pag katapos ng walang kwentang discussion, Yun ang first subject ngayong umaga at meron pang kasunod pero ayoko ng pumasok. Pinapasukan ko lang naman ang subject na to dahil kaibigan ni mama ang teacher ko.
Naisip kong pumuntang rooftop. mabuti naman at hindi ako nasundan ni Britney. Nasa may 3rd floor pa lang. Nasa 4th floor pa kasi ang rooftop. Naglalakad ako ng bigla akong napatigil. MAy maiingay sa may isang room sa side ko. Narinig kong may nagtatawanang babae sa loob. Nakasarado ang pinto kaya di ko alam kung sino sila.
"Hahaha..look oh...you look ugly freak!" sabi ng isang babae
"Ikaw kasi..kasalanan mo yan! Di mo ginawa ng mabuti yung assignments namin. Ayan tuloy, mababa nakuha namin!" sabi pa nung isa.
At patuloy ang tawanan sa loob. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng may narinig akong..
PAAAAKKKK!!!!!
Isang malakas na sampal at pagkatapos ay nagtawanan ulit ang mga babae sa loob.
Ang inggay naman nila. Pumasok ako sa loob ng room at nakita ko ang tatlong babaeng nakatayo at sa harap nila ay nakaupong babae na may malaking eyeglasses at magulo ang buhok na parang sinabunutan. Nakahawak sya sa may kanang pisngi nya na namumula. Alam ko na to. malamang sya yung sinampal at pinagtripan naman sya ng mga babaeng ito.
"Rain?" sabay sabay na sabi ng tatlong babae.
Tinitigan ko sila ng masama.
"Kung wala kayong magandang magawa, magpakamatay na lang kayo!" sabi ko. Natakot ata sila kaya tumakbo sila palabas ng room. Naiwan yung nerd. Yumuko sya at itinago ang mukha sa mga palad nya at saka sya umiyak.
"Hoy Ikaw..."- sabi ko sa Nerd
Di nya ako pinansin at nagpatuloy lang sya sa pag iyak.
"Kung iiyak ka na lang dyan habang buhay..magpakamatay ka na rin.." - sabi ko at pagkatapos ay tumalikod na ako at naglakad palabas ng room. Narinig kong bago ako tuiluyang lumabas na nagthank you sya sakin pero di ko pinansin yun.
(Mamang Author: Ayan picture ni Nerd sa gilid -->)
*Sa Rooftop*
Umupo ako sa sahig at sumandal ako sa pader. Ang sarap naman ng hangin ngayon. Sarap matulog. ipinikit ko ang mata ko tapos..tapos bigla kong naalala yung babae kanina. Napamulat ako bigla. Naalala ko kasi bigla yung itsura nya. Ang gulo ng buhok nya. Siguro sinabunutan sya ng mga babae kanina. tapos yung kanang pisngi nya namumula. Mukha syang kawawa. Naiinis ako. Bakit ba ang weak ng mga nerd? Bakit ba ang papel nila ay palaging inaapi? She looks like a damsel in distress kanina. Huh! Baka isipin nya iniligtas ko sya dahil ako ang knight in shining armor nya. YUCK! Ayoko lang naman kasi ng maiingay e ang inagy kasi nila kanina. Matutulog na nga lang ako.
BINABASA MO ANG
Be your Girl
Teen FictionMy name is Rain...and four confessions changed my life. What will I do? Who will i choose? The nerdy ? The Quirky girl? the flirt? or the boyish one?