Beauty Hacks

2.7K 42 10
                                    


Inhale....


Exhale. . .


MUST READ ^_^

Hi! After so many months na hindi ako nakapag-update, humihingi ako ng pasensya. Sorry sa mga nagmessage at nagcomment dito na hindi ko nabigyan ng pagkakataon na mareplyan. Every girl experiences their own problems and struggles that hinder them to continue their journey in life. In my case, I've had problems and issues about myself.


Let me share you my story.


Last October, I had a major acne break-out on the right portion of my cheeks. Nagtataka talaga ako kung bakit sa part lang na iyon ako tinigyawat. So sa part ko bilang babae talagang biglang bumagsak yung self-confidence ko. Nung highschool kasi ako masasabi ko talagang makinis yung mukha ko kaya nung bigla akong tinigyawat ng sobrag dami, tuluyan na ngang bumagsak yung self-esteem ko. Lahat ng mga kakilala ko kapag nakikita ako parang nanlulumo tsaka nagtataka kung anong nangyari sa mukha ko. In that scenario, sino pa ang gaganahang lumabas ng bahay di ba?


Pati sa school namin napansin iyan ng mga kaklase ko. May pagkamaputi kasi ako kaya masyadong halata yung mga tigyawat ko lalo na nang-iiwan pa sila ng katakot-takot na pimple marks, ang mas malalala yung iba may scars na. To be honest, I literally cried in frustrations and I had experience self-pity. Sobra akong nanlumo to the point na sobrang naging insecure ako. Madali na akong mainis kapag napupuna nila ako. Tapos kapag may napapatingin sa akin naiisip ko agad na kinukutya na nila ako sa isip nila.


Dati kasi kapag may nakikita akong taong maraming pimples agad kong naisip na wala silang proper hygiene. Doon ko lang naisip na mali pala yung perception kong iyon. Nakakalungkot kasi nung time na iyon palagi kong tinatakpan iyong mukha ko. Tapos may one-time pa na nag-recite ako sa klase naming yung prof ko sa Comparative Anatomy napansin na din yung pimples ko. Sabi pa niya, "Nakakapagtaka naman yung pimples mo bakit sa kabila lang tumutubo, yung kabila mo naming pisngi napakakinis."


Nagtawanan pa yung mga classmate ko pero sa loob-loob ko medyo na-hurt ako. Lahat naman kasi ginawa ko na. Lahat ng pampaalis ng tigyawat na alam ko nabili ko na. Kumain ako ng maraming prutas, uminom ng maraming tubig, gumamit ng iba't-ibang brands ng mgaanti-acne pero wala pa rin. Hindi na nga din ako kumain ng mga junk foods at sweets.


Until one time, naawa na din siguro yung nanay ko sa akin. December yun nung naisipan niyang ipa-checkup na sa dermatologist yung mga pimples ko. Hindi ko na sasabihin yung price pero gumastos ng halos ilang libo yung nanay ko para sa akin. Inaamin ko na medyo naguilty ako dahil doon. Bumili ng mga gamot na napakamahal para lang maalis yung mga letseng tigyawat na dumapo sa mukha ko.


After siguro ng mga ilang months, unti-unti ng nawawala yung mga tigyawat ko. Pasulpot-sulpot na lang at nakakaya ng maagapan. Thankful ako kasi ngayon mga pimple marks na lang ang mine-maintain kong alisin. Halos nawala na yung bakas ng bangungot ng mga tigyawat na iyon.


Bottomline is, siguro nagtataka kayo kung bakit ang dami kong daldal sa part na ito. Pero gusto ko lang i-share sa inyo yung natutunan ko after that. Alam ko sa sarili ko na may kasalanan ako kung bakit nangyari iyon sa akin. Masyado kasi akong nagpadala sa iba't-ibang mga produkto sa mukha na pinapahid tapos papangakuan kang kikinis ang iyong mukha. Ang dami ko ng natry pero ano ang napala ko? Lalo lang lumala.

TIPS PARA GUMANDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon