VI. Most FAQ's

4.8K 87 9
                                    

Naisipan ko lang ulit gumawa nito. These are the most frequent asked questions sa radyo, sa t.v o kaya yung mga friends natin na humingi ng opinyon natin. Honestly, matagal na akong kating-kati na itype ang portion na ito. Nagdadalawang-isip lang ako noong una pero tinuloy ko na rin ngayon. Hahahahaha!

Scenario 1: Mahal na mahal daw ni girl ang boyfriend niya kaya kahit ilang beses ng nagloko yung guy pinapatawad niya pa rin ito.

        Yan tayo eh, alam niyo ba na sa isang relationship kahit saang anggulo mo pang tingnan yung mga babae yung pinakakawawa. Mga babae ang palaging agrabyado. Sa mga lalaki kasi kapag nagbreak sila ng girlfriend niya nakakabawas lang yun ng ego niya. Pero sa mga babae mas matagal pa ang moving on portion kaysa dun sa panliligaw nung lalaki. Ang masasabi ko lang sa mga babaeng ginagago na ng boyfriend pero go pa rin sa relasyon nilang dalawa, ang tanga tanga niyo. I know na wala ako sa lugar para sabihin iyon pero parehas lang tayong babae. I know how you feel. Ipinanganak ka sa mundong ibabaw na hindi naman kasama iyang lalaking iyan kaya wag na wag mo akong babanatan ng "I can't live without him." o kaya naman "Mamamatay ako kapag iniwan niya ako."  

        Girl! Wake up! Ang mga ganyang klaseng lalaki hindi karapat-dapat mahalin. Sila din yung dahilan kung bakit dumadami ang mga babaeng bitter ngayon. Ang mga babae unang-una sa lahat nirerespeto ang mga iyan hindi tinatarantado. Maraming mga bagay ang magpapasaya sayo. Kaya wag mong hayaan na isang tao lang ang magiging rason ng kalungkutan mo. Isipin mo na lang kung masaya ka pa ba sa set-up niyo. Imagine, palagi na lang siyang ganyan. Parang naglolokohan na lang kayo. Ang pag-ibig parang chocolate lang iyan. Matamis sa umpisa pero tandaan mo may expiration date din yan. Huwag kang maging martir. Wala ng ganyang tao ngayon. Ang huling tanda ko ng dahil sa pagiging martir kaya namatay si Rizal. Kaya huwag kang tumulad sa kanya. Sa mundo ngayon, bilang na lang ang lalaking seryoso. Kung nasaktan ka man ngayon, wag kang magmukmok. Marami kapang chance para mainlove. Like duh! Hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Tandaan mo, what doesn't kill you can make you stronger.

Scenario 2: Yung lalaking ka MU mo lang ngayon, hindi na nagparamdam. 

        Ang MU maraming meaning iyan.

Pweding Mutual Understanding, yung tipong may pagtitinginan na kayo sa isa't isa pero wala nga lang kayong pinanghahawakan.

Pwede ring Malabong Ugnayan, yung tipong more than friends but less than lovers. Eh ano ba talaga?

Magulong Usapan, yung bang parang kayo pero hindi naman talaga kayo. Parang kayo pero WALANG kayo.

Malanding Ugnayan yan yung nagsasabihan kayo ng 'I love You' atsaka 'I Miss You' kahit hindi kayo. Tungunu. Ang landi nga! Hahahaha!

Multiple Understanding yan yung gulong-gulo ka na kung ano ba talaga yung relasyon niyong dalawa.

At ang pinakamasaklap sa lahat MU ibig sabihin Mag-isang Umiibig. Di mo gets? Ibig sabihin imbes na mutual dapat yung feelings na nararamdaman niyo para sa isa't isa pweding siya lang o kaya naman ikaw lang yung may gusto sa kanya.

TIPS PARA GUMANDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon