Dedicated ito sa kakambal ko sa kagandahan ni Tiffany! Hahaha! Miss you kambal ppany! ^^
II. Boys World
Falling in love is the best feeling in the world.
Okay, let’s face it girls. Kahit saang point natin tingnan, may ibang mundo ang mga lalaki na sila lang ang nakakaintindi. Yung bang kapag may pinag-uusapan sila madalang lang sa madalang na nagegets natin yung kung ano man ang pinag-uusapan nila. Kaya as a girl, mahirap malaman kung may gusto ba sa iyo ang isang lalaki o may attraction din sa iyo si crush. Parang tayo lang iyan, yung mga guys may iba’t ibang personality din na dapat muna nating kilalanin bago tayo gumawa ng first move para magpapansin sa kanila. Kung nabasa mo yung first chapter na pagpapaganda tips, malamang naman siguro medyo nabuo na yung confidence mo.
Ang pagpapansin kay crush ay hindi naman isang exam na kailangan pang magreview, though alam kong hindi din madali ito but I’m sure na kayang-kaya naman ng powers niyo. Uunahan ko na kayo girls, hindi ito madali. Kasi naman sa panahon na meron tayo ngayon alam kong hindi na bago sa atin yung unang gumagawa ng move si girl kay crush. Please lang kahit na nasa 21st century na tayo, wag naman sana masyadong aggressive yung move na gagawin niyo para mapansin ka niya. It just seems so unnatural at higit sa lahat hindi magandang tingnan. Sa norms kasi ng ating society ngayon kahit anong mangyari dapat ang lalaki pa rin ang nanunuyo, lalaki ang nanliligaw, lalaki ang naglalambing or whatsoever.
So bago ka magpapansin sa crush mo, make sure na know his background muna. Dapat alam mo din ang personality niya. Malay mo type niya pala yung mga silent-type pero ikaw naman pala eh napakadaldal sa classroom o kaya naman vice-versa. Mind you girls, iba-iba din kasi yung style nila para malaman mo kung may gusto sila sa iyo. Pero bago ang lahat, ito muna yung mga alam kong signs para malaman mong crush na crush mo si guy. ^__^
1. Kahit hindi halata, alam kong gustung-gusto mo ng magblush kapag tiningnan ka niya o kaya naman kapag kinausap ka niya
2. You can’t stop writing his name on your notebook. Hayyy! Lahat ng babae, ginawa ito kasi kapag hindi mo ito nagawa, abnormal ka! Hahaha. Minsan pa nga pinagsasama mo yung pangalan ninyong dalawa. (*basta ako alam ko ginawa ko iyo! :D)
3. Ginawa mo yung FLAMES tapos naiinis ka kapag yung result niyon is, ENEMY! (*funny!)
4. Stalker ka niya sa facebook, or worst kapag may status siya or nagpalit siya ng profile picture, ikaw ang unang-unang liker niya. Kasi nga no. 1 fan ka niya! Hahaha.
5. Kapag narinig mo yung pangalan niya na pinag-uusapan, nagiging curious ka.
6. Kapag kausap ka niya tapos nagbigay siya ng joke, tumatawa ka kahit ang corny naman ng joke niya.
7. Hmm. Memorize mo yung phone number niya?! I dunno ako kasi, OO.
8. Bigla ka na lang naging fan ng basketball, tennis or football kasi mahilig siyang maglaro ng ganun.
BINABASA MO ANG
TIPS PARA GUMANDA
OverigKung ikaw ay nalulungkot, kung ikaw ay down na down, kung feeling mo pangit ka at kung ikaw naman ay nagmamaganda. Try mong basahin ito para makarelate ka! Hahahaha! (*wink!) ^____^