VIII. Paano Kiligin ang mga Babae

4K 70 6
  • Dedicated kay Julius San Jose
                                    

P.S. Hi guys! Unang-una sa lahat hindi sa akin galing ang isusulat dito. Nakarelate lang ako ng sobra kaya gusto kong ilagay dito. (*peace!)

 

P.P.S. Inuulit ko, baka mamaya awayin niyo ako dito. HINDI SA AKIN GALING YUNG ILALAGAY KO DITO. Nabasa ko lang sa fb. Itago na lang natin siya sa pangalang Julius San Jose. Hahahahaha! Seryoso ako dyan hoy. ^_^

 

Paano nga ba kiligin ang mga babae?

1. THE ALIEN TYPE

 

Ang mga babae kapag nakakakita ng gwapo o kaya kapag nakikita nila yung crush nila, asahan mo na yung kakaibang language na sasabihan niyan. Yung tipong biglang sasabihing, "Emerghed! Shi crush endyen!"  Tapos minsan akala mo mo naipit kung saan kung makasigaw ng, "Om my god! May pogi!" Ganyan yan.

2. THE KARATE KID

Karamihan sa mga babae iyan ang ginagawa. Yung tipong kapag kinikilig bigla na lang manghahampas o ano. Yung daig pa ang nangangarate kung makahampas sa kasama. 

3. THE MISSING IN ACTION STYLE

Eto naman yung mga babaeng bigla na lang mawawala kapag nandyan na yung crush nila. Dahil sa sobrang kilig at hindi na mapigilan ayun nagtatago na at baka mahalata pa siya. Minsan naman kapag alam na ng crush mo na may crush ka sa kanya, ayun, uso din mahiya kaya tago tago din pag may time.

 

4. THE SILENT TYPE

Eto namang mga babaeng ito yung tipong kapag nandyan yung crush nila parang wala lang sa kanila. Di mo makikita sa mukha nila na kinikilig siya. Pero asahan mo, kapag nag-iisa na iyan kung kumilig wagas. Tumatalon-talon pa iyan with matching clap your hands.

5. THE FROG STYLE

Sila yung mga babaeng kapag nakita yung crush nila daig pa ang mga palaka kung makatalon dahil sa sobrang kilig. Yung tipong akala mo may ipis na dadapo sa kanya kaya kailangang tumalon.

6. THE MOVIE STYLE

Sila naman yung mga babaeng kapag nakikita yung crush nila eh kung anu-ano pa ang iniisip. Nag-iimagine na agad na magkakatuluyan sila ng crush niya. Iniisip na niya agad ang kanilang happy ending. Yung kung makaimagine daig pa ang wala ng bukas.

Ayan, hanggang dyan lang yung sa kanya. Pero may naisip pa ako eh kaya dadagdagan ko na lang. Hi Julius San Jose! Kung nababasa mo man ito, wala lang. Nakarelate ako sa post mo. (*laughs)

 

7. THE MARIA CLARA STYLE

Eto guys yung mga babaeng napakamahinhin kung kumilig. Yung tipong kapag nakita yung crush nila mangingiti na lang sila sa isang tabi tapos kuntento ng nakikita yung crush kahit sa malayo lang. Simple lang kapag kinilig kasi sila lang yung may alam na crush nila yung guy. Mostly, mga mahiyain yung ganito eh.

 

8. THE PLAYSAFE EFFECT

Eto namang mga babaeng ito yung ayaw malaman ng iba ng crush nila yung guy kaya kapag kinilig iyan makita mo, pasimple lang titingin sa guy tapos kapag lumingon siya sa kanya bigla na lang kakausapin yung kausap kahit hindi naman kailangan. Paplay safe nga kumbaga.

 

9. THE CREEPY ONE

Yung mga babae namang ito yung hindi mo magugustuhang masaksihang kiligin. Medyo may pagkaOA na kasi minsan. Bigla na lang silang titiili hanggang sa mabasag yung ear drums mo. Sila yung mga babaeng pinagsama-sama yung pagtalon, paghampas, pagtawa, at pagsasalita ng alien words. Creepy right? :D

Salamat sa pagbabasa! Hahahaha. Wala lang to. Puchu-puchu lang.

XOXO,

MissForeverYours <3 <3

TIPS PARA GUMANDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon