Comments and Reviews

12.3K 57 10
                                    

Una sa lahat hindi poi to update. I just want to answer all the questions na tinanong ng iba sa inyo sa comment box tsaka lahat ng nagmessage sa akin.

@pani14 ahhhmmm ate yung aking yung bff ko nang tatanong kung paano daw mawala yung eyebangs niya plssss po sana mabasa niyo po to thanks po anyway po bye

First of all, ano bang klase ng eyebags meron siya? Iba-iba din kasi minsan yung pinoproblema nating iyan.. Pwedeng puffy or talagang may dark circles na sa ilalim ng mata niya. Medyo hassle naman talaga ang ganyan. Mostly, iyan yung pinoproblem natin sa mga panahong ito. Medyo nakakabawas talaga ng kagandahan o kagwapuhan ang may malalim na eyebags. Ako kasi una kong tinitingnan sa lalaki yung mata eh. Nakakabawas ng glow sa mata ang may eyebags pero hindi natin maiiwasan iyan palagi lalo na kung mali talaga yung lifestyle natin. Iba-iba din syempre yung causes kung bakit nagkakaeyebags tayo. Usually, puyat tayo, galing tayo sa pag-iyak, pwede ding may allergy ka kaya nagiging puffy yung eyes mo or the least thing is it’s because of aging. Habang tumatanda tayo nababawasan yung mga cells sa balat natin. Kumbaga habang tumatanda tayo nababasawasan din yung mga cells natin kaya lumalawlaw yung balat sa ilalim ng mata natin. I’m basically giving you these tips na pwede mong gawin hindi para maalis ng permanently ang eyebags mo. This tips are only applicable para mabawasan at hindi para maalis. Kasi kung gusto mo talagang maalis iyan, kailangan mong gumastos ng malaki for you to undergo surgery.

Drink water

It’s very usual. Palagi na lang nating naririnig ito kahit ano pa yung cases na pinoproblema natin mapatigyawat man yan or eyebags. If you ever notice after a little while of crying overnight, o kaya naman kapag tumagal ang duration ng pag-iyak natin namamaga na lang yung mata natin. It’s because of water retention. Nadehydrate yung balat natin under our eyes sa matagalang pag-iyak. Kung nalasahan mo na ang luha mo, syempre maalat iyan. Yung salt sa luha natin ang nagiging sanhi kung bakit nadehydrate yung tubig ng balat sa ilalim ng mata mo. Kaya sa madaling salita, para mapalitan iyong luhang iniyak mo uminom ka ng maraming tubig. Pangalawa, iwasan ang maalat na pagkain kasi nga salt din yan. As in maalat. Kung gusto mo after mong kumain wag mong kalimutang uminom ng maraming tubig. Okay?

Soothe your eyes with something cold

Palagi na lang nating naririnig na magagay daw tayo ng cucumber para maalis ang eyebags natin. Actually, hindi yung pipino ang nakakaalis ng puffiness sa mata mo kundi yung malamig na temperature nung pipino. Yung gawin mo, maglagay ka ng pipino sa ref nyo tas pwede mo ng ilagay sa mata mo for 10-15 mins.

Pwede din yung kutsara tapos ibabad mo sa malamig na tubig mababawasan yung puffiness sa ilalim ng mata mo.

Change your sleeping habits

Maniwala ka sa akin. Kung gusto mong maiwasan iyang lintek na eyebags na iyan, matulog ka ng maaga. You need to have almost 8-10 hours of sleep everyday. Pati bata alam iyan. Wag ng matigas ang ulo. Ikaw din papangit ka. Wag kang proud sa eyebags mo kahit na ba pinagpuyatan mo yan. Hayy naku.

TIPS PARA GUMANDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon